Unexpected meeting

5.6K 61 25
                                    

Prologue: 

Lahat naman tayo..... May CRUSH na ARTISTA diba? 

Hindi nga maintindihan kung mahal na natin eh. KASI... 

24/7 kung isipin. 

Na-iinggit sa mga swerteng tao nakikita sila araw-araw. 

Ini-imagine na magiging kayo in the future. Magpapakasal. Magkaka-anak. Apo. At mamatay ng sabay. 

Eh pano kung magkakakilala kayo? 

SA DI INAASAHANG PAGKAKATAON NGA LANG. 

Chapter 1: The start

[Isa's POV]

Ako nga pala si Isabella Janine Marquez. 16 years old at upcoming fourth year student. Meron akong 5'2 na height at mapayat na katawan. >.> Sabi nila Sexy daw ako dahil dun pero sabi nama ng iba, masyado ako mapayat. 

"Kyaaaaaah, Nics! Ang gwapo talaga ni Ernest Rodriguez! Ang galing niya sumayaw!" Crush na crush ko si Ernest. Ay hindi, mahal pala. Isa siyang artista na 17 years old. Napaka galing din niya sumayaw.

"Oo nga eh." Siya si Nics, Nicole Pauleen Trinidad                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                 . Siya ang bestfriend ko mula First year kami.

"Oo nga ka dyan pero nakatingin ka lang sa phone mo. Psh, text addict!"

"Kahit naman tingnan ko siya walang magbabago. Ilang beses ko na nakita siya sumayaw. Di ka ba nagsasawa dyan?" Sumulyap lang siya sakin tas nagtext na uli.

"Hinding hindi. Never. N-E-V-E-R! Alam mo namang mahal na mahal ko 'to eh!" Totoo naman eh. Mula grade school ako gustong gusto ko na siya.

"Alam ko, mula elementary gusto mo na siya." Hala, mind reader ba 'to?

"Mind reader ka ba 'te?" Tumawa sya.

"Hindi, memorise ko na kasi lagi sinasabi mo pagtinatanong ka tungkol kay Ernest."

"Ah, ganun ba."

*toooot* May nagtext sakin.

From: Ray

Usap naman tayo Belle.

Psh. Ayoko nga makipagusap sakanya. Si Ray ex-boyfriend ko. Break na kami nung 2nd year palang. Tas pinagpalit niya ako sa Kaibigan ko na si Mae. Kinukulit nanaman niya ako eh, gusto makipagbalikan.

*toooot* May nagtext nanaman sakin.

From: Mae

Kapal ng mukha mo Isa! Akin si Ray! Wag kang malandi! Alam mong kaya kitang bilhin! Kaya wag kang magkakamali!!

Ugh. Umiinit na dugo ko dito kay Mae ha. Sila padin naman ni Ray kaso ako daw gusto talaga ni Ray. Ayoko na sakanya noh!

Replyan ko nga.

To: Mae

Hoy Mae. Isaksak mo sa ilong mo si Ray. Ayoko na sakanya. Tigilan niyo akong dalawa!

Sent. Pangit kasi ilong niya. Peke pa! Pinagawa ata kay Belo.

"Ugggh. Badtrip." Pikon nako kay Mae. Porket mayaman at artista ang tatay napaka yabang na niya.

"Oh, bakit nanaman? Kanina lang ang saya mo ha." Tanong naman ni Nics.

"Eh kasi Nics, nagtext nanaman ang reyna ng kadiliman."

"Ah, si Mae. Binabalaan ka nanaman dahil kay Ray?" Mula 3rd year binabalaan na niya ako.

"Kailangan pa ba imemorise yan?"

"Yaan mo na, sanay ka nanaman eh." Totoo. Pero nababadtrip padin ako.

6pm na pala. Baka pagalitan nanaman ako ni Tita Maria. Mommy siya ni Nics at ako lagi tinatawagan pag ginagabi tong si Nics. Minsan nga, gumagawa ako ng palusot pag nagbabar si Nics. OY WAG KAYO! Nagbabar lang 'to for one reason. Malalaman niyo rin in the future. ;)

"Hoy Nicole Pauleen! Umuwi ka na. Mamaya tumawag na si Tita." Tinapik ko pa siya kasi busy nanaman sa kakatext.

"Oo na. Osha, alis nako Bes." Bes kasi tawagan namin pero minsan Nics at Isa lang.

Hinatid ko na siya sa pintuan at umakyat na sa kwarto ko. Pagpasok ko heaven na agad. Sa bawat pader kasi may litrato ni Ernest.

"Ernest, kailan ba talaga kita makikita? Hay." Napasimangot naman ako. Ni minsan kasi di ko pa siya nakikita. Mas nakita pa ata siya ni Nics eh.

Kinabukasan na ang pasukan. Kaya't natulog nako bago pa mag10.

*Riiiiiiiiing*

Nakalimutan ko isilent phone ko. Nako! Si Nics talaga napakamorning person.

"Hello?" Halatang bagong gising ako kasi paos ang boses ko. Morning sickness ko yun since bata ako.

"Good morning Bes!!!!!!!" Shiz. Ang lakas ng boses niya.

"Bes. Favor naman oh." Tumayo nadin ako.

"Ano yun bhes?!" Lakas talaga.

"Pakiluwa naman yang Mic na nailunok mo oh." Totoo naman. Tuwing umaga, masigla siya kaya napakalakas ng boses niya.

"Sorry Bes. Bes, sunduin kita ha? Get ready!!!" Isang street lang kasi agwat ng bahay namin. At siya palang may kotse samin.

"Osige. Ligo nako. Bye." *Tooot* Binaba ko na.

Naligo nako at nagayos. Foundation at lip ink lang ginamit ko. Amindado naman ako, kahit di ako kagandahan. May itsura naman daw ako.

Maya maya pa ay dumating na si Nics at nagpunta na kami sa school.

Ayan na, pagkababa na pagkababa ko.. Nakita ko agad si Ray na palapit.

Nagmadali nalang ako tapos pumasok agad sa hallway. Nahabol nga lang ako.

"Belle! Please, magusap tayo." Hinawakan niya braso ko kaya't napalingon ako sakanya.

"Uhh, Ray. Pwede ba? Bitawan mo ako." Mejo naiirita kong sabi. Mejo marami ba kasi nakatingin samin. At tyak! Dadating na si Mae. Lagot nanaman ako.

"Please Belle, magusap tayo." Di padin niya binibitawan braso ko. Kinakabahan ako. Baka dumating si Mae. Hindi naman ako takot sakanya. Kaso, ayoko maging center of attention. Kasi gagawa nanaman yun ng drama eh.

"Please Ray, wag mo akong tawaging Belle. At bitawan mo na ako. Baka dumating na si Mae." Sinabi ko ng pabulong.

"Di kita bibitawan hangga't di ka nakikipagusap sakin." Mejo pabulong din niyang sabi.

Nakita kong mejo dumadami nang nakatingin samin. Alam naman ni Ray na ayoko ng ganto kaya siguro niya ginagawa 'to.

"Osige na, pero hindi dito." Tas tumingin ako sa mga taong nasa paligid namin.

Hinila niya ako papuntang rooftop.

Unexpected meetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon