Chapter 4

72 3 3
                                    

Levy Rose's POV

Matapos akong iwan ni Kuya sa may gate ng paaralan ay siya namang pagdating ni Kiara.

"Best Levy!" sigaw niya na agad yumakap sa akin na tila ba isa't kalahating buwan kaming hindi nagkita. Kung makayakap kasi wagas! Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko, kung  yayakap din ba ako pabalik sa kanya o itutulak siya? Buti na lang bumitaw na siya agad sa pagkayakap sa akin.

"Best, finally! Heto na 'yung araw na makikita ko nang personal si Aijay Buencamino. At hindi lang 'yan, araw araw ko siyang makikita lalo na't  kapareha natin s'ya ng kurso," magiliw niyang sabi.

Hay, naku! Aijay na naman bukambibig niya, 'yan tuloy naalala ko na naman 'yung panaginip at pakikipag-chat ko sa taong 'yun. Kaya naman dahil sa inis ko ay halos hindi ko pinapakinggan ang mga sinasabi ni Kiara.

Nakatingin lang ako sa daan ngunit napatingin ako kay Kiara ng yugyugin ako sa braso ngunit bumalik din ang tingin ko sa daanan.

"Naku, kapag nagkataon na alphabetical arrangement ang apelyido na gagamitin sa seating arrangement natin, ahay may posibilidad na makatabi ko s'ya sa upuan," hindi mawala sa kanya ang kilig, tss..

"Isipin mo 'yun.. Buencamino s'ya, ako naman Carlos...Kiara Jane Carlos..'di ba magkasunod? Naku, sana lang walang sasapaw o sisingit sa amin...dapat kami lang magkasunod." sabi niya habang naglalakad kami. "Ey, excited na ako...Hahaha!" Pahabol pa niya't may papadyak padyak pa sa kanyang paa. Tiningnan ko lang siya at hindi ako umiimik.

"Aijay Buencamino, Kiara Jane Carlos," paulit ulit niyang pabulong hanggang sa natigilan s'ya nang may nakabangga sa akin. Nasagi 'nung lalaki ang balikat ko kaya siya napatigil at lumingon sa amin.

"Ah..Ahm..sorry! Sorry Miss,nagmamadali kasi ako," paghingi niya sa akin ng paumanhin ngunit hindi ako umimik bagkus ay tiningnan ko lamang s’ya mula ulo hanggang paa pero sandali lang naman 'yun kasi iniwan niya kami agad.

Samantalang naagaw ang pansin ko 'nung manahimik si Kiara kaya napatingin ako sa kanya...halla, grabe 'yung itsura niya kulang na lang maglaway s'ya dahil sa laki ng nganga niya.

"Hoy, anong nangyari sa'yo?" Taas kilay kong tanong sabay pitik sa baba niya.

"S'ya...s'ya! S'ya! Siya!" paulit ulit niyang sabi na parang wala sa kanyang sarili't itinuturo 'yung lalaking nakabangga sa akin na ngayon ay palayo na sa amin.

"Ano? Sino?" Pagtataka ko naman sinundan ng tingin yung lalaki.

"Si Aijay Buencamino, best. Siya na 'yun!" kilig na sabi niya na napahaplos sa mukha niya, animo'y matutunaw na.

"Shhh, 'yun pala...akala ko kung ano na. Tsk...puro ka na lang Aijay, Aijay!d'yan ka na nga," inis ko't iniwan siya sa ere, ngunit agad niya akong hinabol at kumapit s'ya sa braso ko.

"Pero best, ang guwapo niya eh..mas guwapo pala siya in person..feeling ko tuloy in love na ako sa kanya..hay!" Usal niya't na parang 'yung itsura niya ay kakalabas lang 'yung ihi niya't na nag-pupuppy puppy eyes pa, Tsk.

Tinanggal ko 'yung kamay niya na nakahawak sa aking kanang braso, "pwede ba tumigil ka nga riyan, Kiara! In love, in love na sinasabi mo..hmp" galit kong sabi.

"Teka nga, Levy. Bakit ka ba galit?Bakit ka ganyan? Kanina pakiramdam ko hindi mo pinapakinggan ang mga sinasabi ko, pero kahit pa ganoon salita pa rin ako nang salita..tapos ngayon bigla bigla kang magagalit?May problema ka ba sa akin?" Biglang nagseryoso ang gaga, bakas sa kanyang mukha ang sama ng loob. Ops!

"Hmp, so-sorry. Kasi naman eh, dahil sa Aijay na 'yan, hindi ako mananaginip at mag-isleep talk." Napa-crossed-arms ako't napasimangot.

"Huh? Bakit? Anong napanaginipan mo?" And she curiosity asking.

"Kasi 10 na ng gabi hindi ako makatulog kaya naisipan kong mag-online muna sa fb then, hindi ko namalayan in-accept ko 'yung friend request niya tapos nakachat ko pa. Actually saglit lang naman 'yun parang bilang pagrespeto man lang sa kanya. At para hindi tumagal ang chikahan namin nagpaalam na ako,  hindi ko na inantay pa 'yung reply niya...at nang makatulog na ako, bigla kong napanaginipan 'yung pag-cha-chat namin at kung anong hindi nangyari sa pag-uusap namin ay dumagdag sa aking panaginip... 'di ba hindi ako nag-antay pa sa reply niya nung nagpaalam ako sa kanya pero sa panaginip ko nireplyan daw ako ng kiss na emoticon." Nakasimangot kong kwento, "kaya nagtaka raw ako at ayun nag- sleep talk na ako..at si Kuya...nakakainis siya!" Pagpapatuloy ko pa't masama ang loob ko habang ikinukwento ang pangyayari.

"What? Grabe, anong inangal angal mo sa pangyayaring iyon? Buti ka nga napanaginipan mo siya...eh kagabi mo lang siya nakilala, eh ako isang buwan ko na siyang kilala...ang suwerte mo kaya, sana ako rin...o sana ako na lang ikaw!" Kinilig na naman siya, napataas kilay tuloy akong napatingin sa kanya.

"Hindi mo kasi naintindihan eh...dahil sa panaginip kong 'yun..'yung labi ko napahamak, kasi itong si Kuya..uhrg..nakakainis! Ipinahalik niya ako kay Doddie..kaya 'yung first kiss ko nawala na..huhuhu," gigil ko pang kwento.

"Eh, Ano naman ang inaarte arte mo dun? Eh siya naman talaga ang first kiss mo simula nung nasa iyo na siya di'ba?!" Opinyon niya.

"Oo alam ko, pero..pero..uhm..iba naman 'yun." Pagsisimangot ko, "ako 'yung humahalik sa kanya hindi s'ya 'yung humahalik sa akin...alam mo 'yun, dapat ang unang hahalik sa akin ay iyong future husband ko at hindi si Doddie," pangangatwiran ko pang naiinis na nag-crossed arms.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad sa hallway patungo sa room ng first subject namin.

"Uhmm..kung sabagay, tama ka..so sino ang nasa imagination mo ang magiging first kiss mo?" kinilig niyang tanong na pinaikot ikot ang eyeballs niya habang nag-iisip na napakagat pa sa kanyang kuko sa kamay.

"Si...Aijay Buencamino ba? ha?!" Hinawakan ako sa aking kanang braso at nagkatinginan kami, kumindat kindat at ngumiti ng nakakaasar.

"Ha? Ano?! Tumigil ka nga diyan Kiara, ano 'yun ibinubugaw mo ba ako sa kanya?" inis kong sabi at crossed arms ako.

"Hindi naman sa ganun. Hindi kita ibinubugaw..ang nais ko lang, 'di ba nga sabi ko sa'yo kahapon na kahit sino pa man sa atin s'ya mainlove eh, ok lang sa akin," paliwanag niya.

"Ha? 'Wag mo nga akong isali sa kahibangan mo sa lalaking 'yun," kunot noo kong sabi.

"Ash, ah basta kasali ka doon...mas ok na 'yung isa sa atin s'ya mapunta kesa sa iba..ayaw kong mangyari 'yun" pouty lips niyang sabi.

"Ok, what if nga mangyari 'yun...pero ayaw ko mangyari 'yun ah, what if's lang..naging kami ni Aijay, so anong mararamdaman mo doon?" Taas kilay kong tanong, "imposibleng hindi ka magseselos? Baka mamaya niyan hindi ko namamalayan nilalandi mo na pala siya."

"What?! Gra—grabe ka naman best!" Bulyaw niya't agad nahiya kasi pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid kaya bumulong siya, "over ka naman best! O siya, bahala na nga lang si kupido kong sino man ang itatadhana niya kay Aijay!"

:)

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon