Chapter 25

47 2 2
                                    

Levy Rose's POV

Makalipas ang tatlong buwan,naging malapit na ang loob sa akin ni Aila,ok naman ang samahan namin ni Aijay na unti-unti ko ding sinasanay ang sarili kong matulog sa kanyang kwarto na kasama siya ngunit mas madalas natutulog kaming tatlo sa kwarto ni Aila.

At makalipas pa ang isang taon,dumating na rin ang araw na pinakahihintay ng lahat, lalong lalo na sina Kuya at Kiara..ang araw ng kasal nila.

Si Aila ang naging little bride nila kaya naman masayang masaya siya na makakagamit siya ulit ng make up.Nang matapos ang kasal ay agad kaming dumiretso sa reception area kung saan doon din ang naging reception namin noong ikinasal kami ni Aijay.

Nasa iisang malaking lamesa kami nila Mommy, Daddy,Parents ni Kiara,Manang Lucila,Mama,Papa,Aijay at Aila, bale pabilog ang mesa at nasa gitna namin ni Aijay si Aila.Habang sila Kuya at Kiara ay nakahiwalay sila sa amin ng lamesa, nasa gitna sila sa may harapan kung saan nakareserba para sa kanilang dalawa.

Habang kumakain kami napansin ni Aila yung marka ng lipstick sa kanyang baso dahilan upang mag-alangan siya,“halla,Mommy! ‘yung lipstick sa aking labi napunta na sa baso ko..wala na ‘yung lipstick ko.” Malungkot na sambit niya dahilan upang mapatingin ako sa kanya at mapangiti ako‘t napahawak ako sa kanyang pisngi.

“Hija,don't worry makapal naman ‘yung lipstick na nilagay sa labi mo kaya hindi pa ‘yan basta basta mawawala...natanggal lang ng konti, ”paliwanag ko sa kanya sabay ngiti.

“Pero Mommy..kapag ikinasal din kayo ni Daddy,sana ganito din po kakapal ang ilagay na lipstick sa aking labi nang taong maglalagay sa akin.."magiliw na saad pa ni Aila dahilan upang magtinginan kami ni Aijay ngunit ibinaling ko agad kay Aila ang mga mata ko nang tumawa sina Mommy, Daddy,Manang Lucila, Parents ni Kiara at pati na rin sina Mama at Papa. Anim na taon na kasi siya ngayon kaya napakadaldal na niya.

“Hija,you're Mom and Dad was already married so they're not need to do that again!”Wika naman ni Mommy na ikinagaan naman ng damdamin ko. Buti na lang.

“Ngunit..bakit hindi ko po ‘yun nakita?Kailan nila iyon ginawa?” Tanong ni Aila habang nginunguya yung cake na kakasubo lang niya.

“Kasi wala ka pa noon, Hija!”Tugon pa ni Mommy dahilan upang sang-ayunan naman namin siya ngunit tila ayaw pa tumigil sa kakatanong si Aila,ano ba?!Tama na baby.

“Bakit?Nasaan po ba ako noon?Bakit hindi nila ako inantay?Sino po ang naging little bride nila?” Sunod sunod na tanong pa ni Aila dahilan para mapahawak ako sa aking noo,napapikit ng mga mata at namula pa ang pisngi ko dahil sa pinagtatanong niya kaya tila nahalata ito ni Aijay.

“Anak..It's a long long story kaya kumain ka na lang ok..tikman mo ito fruit salad masarap ‘yan!” Wika naman ni Aijay sabay ngiti upang ibahin na ni Aila ang topic, ngunit ayaw pa rin niyang tumigil.Tinikman niya muna ‘yung fruit salad bago ulit nagsalita. Anak naman!

“Pero...gusto ko pong malaman...nasaan po ako noon?” Pangungulit niya pa dahilan upang huminga ako ng malalim habang ang mga kasamahan naming kumakain sa table ay natatawa sa mga sinasabi ni Aila.

“Anak....you can't understand because you're still young to know the reasons why, but I know!Someday you will understand that,but for now let's enjoy the wedding party of your Tito John and Tita Kiara” Saad pa ni Aijay,sana lang tumigil na siya ayaw ko nang balikan ang mga alaala ng nakaraan.

“Ok,Daddy!But...I want to be your little bride on your wedding day.. so Mommy and Daddy,pwede po bang ikasal kayo ulit?”nakapouty lips pang saad ni Aila dahilan upang mabilaukan ako sa pag-inom ng tubig tsaka ako tumingin sa kanya,ganoon ding napatingin sa kanya si Aijay..kaya naman mas lalo pang pagtawanan kami ng mga kasamahan namin kumakain sa table .

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon