Chapter 21

35 2 3
                                    

Levy Rose's POV

8 pm na at 30 minutes nang tulog si Aila samantalang ako ay heto nag-aaral pa rin,hanggang sa natigilan ako sa pagtitig doon sa laptop nang maalala ko ang mga kenuwento sa akin kanina ni Kiara tungkol sa panliligaw sa kanya ni Kuya at ‘yung mga imagination niya na pagpropropose sa kanya ni Kuya at masayang masaya na papunta sa harap ng altar,dahilan para matulala ako at nairita nang magising si Aila at umiiyak kaya tumayo ako para patahanin siya ngunit dahil sa inis ay nasigawan ko siya.

“Ano ba?!!!!!!”Sigaw ko sa mismong tapat ng mukha niya tila kasi bumabalik ang pagkadepress ko habang iniisip ‘yung mga imagination ni Kiara at kung bakit nagkaganito ang sitwasyon ko ngayon.

Dahil sa pagsigaw ko ay nagising si Aijay dahilan para kumatok sa pintuan ng kwarto namin ni Aila ngunit hindi ko siya pinagbuksan kaya’t minabuti na lamang niyang kunin ang duplicate ng susi para siya na ang bumukas at doon naabutan niya ang ginagawa ko kay Aila.

“Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo..hindi na ako makapagconcentrate sa pag-aaral....ano bang kailangan mo?Pinalitan ko na ‘yung diaper mo, binigyan na kita ng gatas mo!!Ano pa ba ang kailangan mo ha?!” Patuloy ko pa habang niyuyugyog ang crib ni Aila dahilan para mas lalo siyang umiyak.

“Levy...anong ginagawa mo?”Pagsuway sa akin ni Aijay tsaka niya ako itinulak dahilan para bumagsak ako sa sahig kaya tiningnan ko siya ng masama.

“Ano ka ba naman..bakit mo siya sinigawan?!” Tanong niya habang pinapatahan sa pag-iyak si Aila tsaka niya ako nilingon,hindi pa ako tumatayo tinitingnan ko lang siya ng masama dahilan upang mapansin niya.“What?!What’s wrong with you?!”Tanong niya ulit ng pabulyaw.

“Ginugulo niya kasi ang pag-aaral ko eh..nahihirapan na nga ako rito tapos mag-iingay pa siya,”pagalit kong sabi tsaka ako unti-unting tumayo at dinuro si Baby Aila dahilan para suwayin ako ni Aijay sa pamamagitan ng paghampas sa kamay ko ng kanyang kamay kaya't mas lalong uminit ang ulo ko.

“Ibinigay ko na ang mga kailangan niya pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak! Ano gusto niyang palabasin ha? Gusto niya bang sa kanya lang ang atensyon ko ha? Paano naman ako ha?!Bakit ha?Ginusto ko bang dumating siya sa buhay ko?!Hindi naman ‘di ba?!!”gigil at galit kong sabi. Para bang lahat ng hinanakit na nararamdaman ko sa kanya’y nailabas ko na. “Minsan na niyang sinira ang mga pangarap ko simula nang dumating s’ya sa buhay ko,tapos ngayon...ngayon na nagsisimula ulit ako,heto na naman siya gusto na naman niya sirain ang nasisimulan ko...what the-----” pasigaw ko pang tugon habang nanggigil pa rin ako sa galit ngunit natigilan ako sa pagsasalita dahil sa nagsalita siya.

“Would you please,Stop it!”Sigaw din niya na.“Kung hanggang ngayon ay galit ka pa sa akin dahil sa kanya...pwes,sa akin mo ibuntong lahat ng galit mo at huwag mo siyang idamay sa nangyari sa atin!Ako...sa akin mo ibuhos lahat....kung gusto mo akong sampalin at saktan, sige gawin mo na...” Patuloy pa niya habang dinuduro duro ang kanyang sarili tsaka niya ako hinawakan nang mahigpit sa kamay ko upang itapat ito sa kanyang pisngi para daw sampalin ko siya dahilan para pumiglas ako at pinaghahampas ang kanyang dibdib habang buhat buhat pa rin niya si Baby Aila na umiiyak pa rin.

Hanggang sa dumating si Mama Martina, “what's happening here?Why you're shouting so loud?!What's wrong to both of you?!” Agad na tanong ni Mama tsaka siya lumapit sa amin na kanina ay nasa tapat lang s’ya ng pinto dahilan para matahimik kami ni Aijay at tumalikod ako sa kanila tsaka nagpunas ng luha.

“Alam niyo bang hindi magandang nagsisigawan kayo sa harap ng anak ninyo.?”Pagsita pa sa amin ni Mama, "akin na nga siya at nang mapatahan ko siya-––" wika pa niya sabay kuha kay Aila na buhat buhat ni Aijay,ngunit napatigil sa pagsasalita si Mama dahil naramdaman niya ang init ng katawan ni Aila.“Ba’t ang init ng katawan niya?!Tila may lagnat siya...”sabi pa ni Mama habang hinihipo ang buong katawan ni Aila,tsaka niya tinangkang lumabas sa kwarto kasama si Baby Aila ngunit natigilan siya at lumingon sa kinaroroonan namin ni Aijay. “Aijay,hurry up...we need to go to the hospital now,”utos niya kaya agad naman siyang sinunod ni Aijay samantalang ako ay naiwan sa loob ng kwarto habang pinapakalma ang sarili ko.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon