Levy Rose's POV
Isang linggo din ang nakaraan pero hindi pa rin ako pumapasok sa paaralan.Ngunit kahit pa ganun ay tinupad naman ni Kiara na puntahan niya ako sa bahay upang ibahagi niya sa akin ang mga napag-aaralan nila,kaya naman hindi niya maiwasang kiligin sa tuwing nakikita niya si Kuya.
Samantala nalaman ko sa kanya na one week na rin palang hindi pumapasok sa paaralan si Aijay mula noong binugbog siya ni Kuya at ipinatawag ng principal namin sina Mommy at Daddy ganun din ang parents ni Aijay dahil sa nangyari sa kanila ni Kuya,dahilan para malaman ng principal ang tungkol sa ginawa sa akin ni Aijay ngunit nakiusap sina Mommy at Daddy at parents ni Aijay na huwag ipagkalat ang pangyayaring iyon for the sake of their own names. Kumbaga iniingatan nila ang mga pangalan nila bilang politiko ang parents ko samantalang ang Daddy ni Aijay ay isang beterano at tanyag na manlalaro ng basketball,ngunit ang kapalit nun ay hindi kami excuse ni Aijay sa kanya kanya naming klase kumbaga absent talaga ng walang dahilan pero hindi naman kami i-drodrop kasi two weeks lang ang ibinigay sa amin para hindi pumasok at kapag lumagpas pa iyon ay i-drodrop na talaga kami.. Kaya't kinabukasan pinilit kong pumasok sa paaralan dahil ayaw kong ma-drop ako lalo na't anak ako ng mga politiko baka isipin ng ibang students na namimihasa ako,ngunit sa hindi ko inaasahang pagkakataon pumasok na din pala si Aijay.Ganun pa man ay pinilit naming hindi magpansinan,lalo na ako kasi kapag hindi ako makapagtimpi masasampal ko s’ya..buti na lang dalawang subject lang kami magsasama sa isang room.
Dalawang buwan na ang nakakaraan,mula nang may hindi ko inaasahang may mangyari sa amin ni Aijay,nakakadama ako ng mga kakaiba sa aking sarili minsan nahihilo,minsan kung ano-anong mga pagkain ang hinahanap ko pero hindi ko din kinakain..At minsan din nasusuka ako.. katulad na lamang nang nasa paaralan ako.
Sa school canteen,kasalukuyan kaming nagmemeryenda ni Kiara nang biglang hindi ko maintindihan ang sarili ko sa sari-saring amoy na aking nalalanghap sa loob ng school canteen para akong nasusuka,may amoy suka o maasim para sa sawsawan ng lumpia,calamaris,barbeque o kung anong nabibili na street foods,may matamis din na amoy,at ‘yung mga mga pabango ng mga estudyante na narito dumadaan sa gilid namin ni Kiara habang kumakain tapos ‘yung mga nasa tabi naming estudyante.
“Best,ok ka lang?”Tanong sa akin ni Kiara at hinawakan ako sa braso.
“Best,alis na tayo rito!” Tugon ko na parang nandidiri ang ekspresyon ng mukha ko.
“Pero hindi mo pa halos nagagalaw ang pansit lomi na binili mo..” pag-angal niyang tugon.
“Nawalan ako ng gana.Sige na best tara na,”wika ko habang hindi mapakali at tumayo na sa kinauupuan ko.
“Masama ba pakiramdam mo!?!”Tanong niya ulit tsaka s’ya tumayo at nilagay niya kamay niya sa noo ko upang damhin kung nilalagnat ba ako,“hindi ka naman mainit..”saad niya pa ngunit hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla ko s’yang iniwan..dali dali kasi akong tumakbo papunta sa comfort room,dahil hindi ko na kaya..gusto ko nang sumuka.
“Best!!san-sandali!”Sigaw niya.
“Sumunod ka na lang!!”Sigaw ko rin.
Sa pinakadulo ng cubicle ako nagsuka buti na lang dahil malapit lamang ang comfort room mula sa canteen.
“Best!Best!Best!Are you ok?!”Pag-aalalang tanong ni Kiara habang kinakatok ako sa may cubicle samantalang sige pa rin ako sa pagsusuka..at nang lumabas na ako upang maghilamos at magmumog,“best,are you ok?!Tanong ulit niya tsaka niya ako hinawakan sa likod buti at dalawa lang kami ngayon ang nandito sa loob ng comfort room.
Tiningnan ko sa salamin na nakadikit sa pader ang mukha kong basang basa ng tubig dahil sa paghilamos ko, “I can't explain my feelings right now,Kiara!”Tugon ko habang nakatingin pa rin sa salamin.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
RomantikPaano kaya kung 'yung napapanaginipan mo ay kasalukuyan na palang nangyayari ito sayo? Ano kaya ang gagawin mo kapag nangyari 'yun? Makakaya mo kaya itong tanggapin?