Levy Rose's POV
6:30 pm na pala ang oras nang makauwi na ako sa bahay,pagpasok ko sa gate ng bahay agad akong sinalubong ni Manang Lucila ang yaya pa namin ni Kuya mula pagkabata namin at s’ya lang ang tanging naiiwan na katulong sa bahay tuwing weekends dahil ulila na s’yang lubos ,wala naman s’yang mga kapatid at tumandang dalaga na s’ya dahil sa paninilbihan niya sa amin ay hindi na niya nabigyan ng oras ang sarili niya upang umibig kaya itinuring na lang namin s’ya bilang kapamilya.
“Hello po,Manang Lucila! Nandiyan na ba sila Mommy at Daddy?” Tanong ko kasi hindi ako tumingin sa garahe dahil tinetext ko si Kuya na nasa bahay na ako.
“Wala pa nga sila,hija!Nasaan ang Kuya mo?”Tugon ni Manang Lucila.
“Ah,iniwan ko na po s’ya sa pinagganapan ng laro nila.. I'm sure po kasi magcecelebrate pa sila sa pagkapanalo nila.At tiyak po gagabihin na ‘yun uuwi, eh may mga takdang aralin pa akong gagawin.” Tugon ko kay Manang Lucila na ngayon papasok na kami sa loob ng bahay.
“Oo nga..napanood ko ‘yung laro nila sa t.v....kahit papaano ginanahan pa rin s’yang maglaro kahit wala ang Mommy at Daddy niyo...kasi kitang kita ko kanina matamlay s’ya eh,” tuwang tuwa sabi ni Manang Lucila.
“Oo nga po eh..umasa nga po akong makakarating sila ngunit nakakalungkot hindi sila dumating..everytime na lang na may laro sila Kuya since pumasok sila sa mundo ng politika hindi na nila napapanood ‘yung mga laro ni Kuya...” malungkot kong tugon kay Manang Lucila.
“Oh,siya... hayaan niyo..tiyak sa susunod makakanood na sila,” sambit ni Manang Lucila tsaka niya hinaplos ang buhok ko at nginitian ako,syempre nginitian ko rin siya. Buti na lang nandito si Manang Lucila na pumapawi sa mga kalungkutan namin ni Kuya sa tuwing wala ang mga magulang namin.
“Sana nga po,” sagot ko tsaka ako bumuntong hininga.
“Oo nga pala, kumain ka na ba? Ipagluluto kita..anong gusto mong ulam?”Tanong niya pa.
“Naku po,salamat na lang po ...kumain na kasi kami ni Kiara sa restaurant,siguro po ipagtimpla niyo na lang ako ng gatas!Salamat po.” Sagot ko kay Manang Lucila,tsaka ko na s’ya iniwan sa sala at nagtungo na ako sa aking kwarto.
Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad kong inihanda ang damit pantulog ko tsaka ako nagtungo sa banyo upang magshower saglit... after 5 minutes kumatok sa aking kwarto si Manang Lucila upang ibigay sa akin ‘yung pinatimpla kong gatas sa kanya.
“Pumasok na lang po kayo,Manang!!Hindi po ‘yan nakalock,pakilagay na lang po sa study table ko..salamat po!” Sigaw kong tugon para marinig ni Manang Lucila ang boses ko na nasa labas ng aking kwarto,agad namang sinunod ni Manang Lucila ang utos ko..
After ng 15 minutes na pagshoshower sa banyo ay nagbihis na ako at ininom na ‘yung gatas tsaka ko na sinimulan asikasuhin muna ang project ko bago ang mga takdang aralin ko.
Makalipas ang isang oras na paggawa ng project ko ay natapos ko rin at ngayon sisimulan ko na rin asikasuhin ang mga takdang aralin ko.
8:30 pm na ngunit wala pa rin si Kuya,nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas na muna ako sa aking kwarto at pumunta sa kusina upang maghanap ng pwedeng kainin tulog na kasi si Manang Lucila sa mga oras na to at pati na rin ang mga taong taga bantay sa labas ng bahay.
Nagluto ako ng champorado,habang hinahain ko na ang champorado ko may tumigil na sa sasakyan sa tapat ng bahay at tila may nauulinigan akong ingay,kaya agad akong pumunta sa sala at sumilip ako sa may bintana. May sumisigaw at busina nang busina..gusto kong pagbuksan ng gate baka kasi si Kuya ‘yun at inihatid s’ya ng mga kateam niya pero nag-aalangan ako baka maling akala lang ito, ngunit narinig kong may nagbanggit sa pangalan niya kaya agad akong lumabas at binuksan ang gate.
“Kuya?!”Bungad kong sabi, at nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa nakita kong itsura niya medyo lasing na at may kaakbay na babaeng sexy ang damit at ganun din ang mga kabarkada niya sa team nila may kanya kanya ring kaakbay na babae ,tila bayaran ata mga ‘to...tsk.
“Anong––” hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang makita si Aijay na kasama din nila Kuya at may kaakbay ding babae at tila naglalandian na sila na nasa may likuran sila sa ikatlong kotse na nakatayo,kaya binaling ko ulit ang tingin kay Kuya nang magsalita siya.
“Hey,My little sister! Gi--gising..gising ka.. ak..pa pa--la,” sabi niya habang sinisinok.“Na––nandiyan na ba sila Mommy at Daddy?!”Tanong niya pa.
“Wala pa sila,”sagot ko at hindi ko maiwasang lumingon sa kinaroroonan ni Aijay at ng kalandian niyang babae.
“So ano guys...dito na lang tayo para makatipid...”sigaw ni Kuya sabay taas ng kamay at humalik sa kaakbay niyang babae,sa lips pa talaga..eww!
“Oh,right!come on!” Agad na tugon ng mga kasamahan niya.. tsaka sila pumasok ganun din sila Aijay na kinukurot s’ya ng babaeng kasama niya sa may pisngi tila hindi niya ako napansin.. Oh ,eh bakit ba kung hindi niya ako napansin?Ano ba niya ako?..tssk ikaw talaga Levy Rose assuming ka rin ‘no,tsk..
Iniwan nila ako sa labas kaya agad akong sumunod sa kanila at nagpatugtog sila ng napakalakas kaya agad ko naman sinuway si Kuya.
“Kuya!!”Sigaw ko para marinig ako, para kasing nasa club o bar ang peg ng ingay dito sa sala at kung ano ano ng kalaswaan ang ginagawa nila.At dahil hindi niya ako narinig pinatay ko ‘yung music nila.
“Kuya!!ano ba?” Sigaw ko ulit dahilan para tumingin silang lahat sa akin tsaka ako nilapitan ni Kuya.
“Ano ba? Anong problema mo?” Pasigaw na tanong niya tsaka niya ako hinawakan ng mahigpit sa braso.
“Bitiwan mo ako Kuya!Ikaw...kayo ang problema ko... ”bulaw ko tsaka ko sila itinuro.“Anong ibig sabihin nito?Anong ibig sabihin ang mga ginagawa niyo dito?Ginawa niyo ng hotel at club ang sala natin!!”Dagdag ko pa,mahahalatang galit ako.
Ngumisi lang ang mga kabarkada ni Kuya kabilang na si Aijay, “oh..my little sister! Nagcecelebrate lang kami ng mga kabarkada ko slash kateammate ko dito sa bahay dahil sa pagkapanalo namin sa laro kanina ..napanood mo naman ‘yun diba?” Pangangatwiran niya sabay gulo sa buhok ko.
“Ano ba!”Angal at inalis ko kamay ni Kuya sa ulo ko.
“Mabuti pa... matulog ka na lang para hindi mo makita mga ginagawa namin..haha..”saad pa niya sabay bitaw sa braso ko at lumingon sa mga kasamahan niya ‘di ba guys?!” Ngisi niya, nakakainis!!!
“Oh yeah!” Sambit naman ng mga kasamahan niya.
“Oh,sige na umakyat ka na sa kwarto mo dahil naaabala mo na kami,” dagdag pa ni Kuya na ipinagtulakan pa ako patungong hagdan.
“Isusumbong ko kayo kina Mommy at Daddy!!”Tugon ko pa dahilan para hawakan ulit ako sa braso.
“Anong sabi mo?!Isusumbong mo ako kina Mommy at Daddy? Huh,nagpapatawa ka Levy??kailan pa sila may pakialam sa akin o sa atin,ha??Simula nang pumasok sila sa mundo ng politika halos hindi na natin sila nakakasama dito sa bahay diba??Puro sila appointment dito,appointment doon...ni hindi nga nila magawang ipagpaliban ang mga busy schedule nila para man lang panoorin at suportahan ako sa laro ko!!Kaya kahit magsumbong ka pa sa kanila ngayon..walang ni isa sa kanila ang darating dito sa bahay...kaya kung pwede umakyat ka na lang at matulog na!!”Gigil niyang sabi,halata sa tono ng pananalita niya na may tampo at galit s’ya kina Mommy at Daddy.. Dahil doon wala na akong nagawa kundi umakyat na lang sa aking kwarto at dahil sa inis hindi ko nailock ang pintuan ng silid ko.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
Storie d'amorePaano kaya kung 'yung napapanaginipan mo ay kasalukuyan na palang nangyayari ito sayo? Ano kaya ang gagawin mo kapag nangyari 'yun? Makakaya mo kaya itong tanggapin?