Chapter 18

38 2 3
                                    

Levy Rose's POV

Palabas na kami ngayon sa hospital nang biglang may sumalubong sa amin na mga taga media.Pinalabas pala ni Daddy na sinubukan kaming pasukin sa bahay at ako ‘yung napagdiskitahan ng mga hindi kilalang tao,dahil nang parating ako sa bahay na galing daw sa bahay ng kaibigan ko ay nakilala ako ng mga taong iyon na ako ang anak ng Gobernador sa probinsya na ito. Kaya naman halo-halong mga tanong ang sumalubong sa amin mula sa mga nag-uunahang mga media na gustong interbyuhin ang mga magulang ko.

“Gov,Mayora!Nakilala niyo na po ba ang mga nagtangkang pasukin ang bahay niyo at sumaksak sa anak niyo?”

“Sila ba ay grupo ng mga rebelde na pilit niyong pinapasuko?!”

›Yan lamang ang ilan sa mga tanong nila,hindi pa nga nasasagot nina Mommy at Daddy ang mga tanong nila ay nagulat kami nang may nagtanong tungkol sa kalagayan ko ngayon.

“Gov.Mayora!Totoo po bang buntis ngayon ang anak ninyo?!”Tanong nung isang taga media,madiskarte talaga sila na makakalap ng mga impormasyon sa mga personal na buhay ng mga politiko kaya hindi na ako magtataka at magtatanong kung paano nila nalaman na buntis ako.

Agad akoang pinapasok ni Daddy sa loob ng sasakyan kasama si Mommy,tanging sila lang ang kasama ko dahil pumasok sa paaralan si Kuya. “Paumanhin..ngunit sa ngayon hindi ko masagot isa-isa ang mga tanong niyo sa kadahilanang nagmamadali kami for the sake of our daughter,kailangan niyang magpahinga.Salamat po sa inyong pag-unawa,” tugon ni Daddy sa mga media tsaka niya nginitian ang mga ito at tuluyan na ring pumasok sa loob ng sasakyan.

Ngayon ay nakarating na kami sa aming bahay at kasalukuyan nang nasa sala, “pambihira! Paanong nalaman nila na buntis ka?Saan nila nakuha ang impormasyong iyon?” Inis na tanong ni Daddy tsaka siya namewang at tiningnan ako na ngayon ay nakaupo sa sofa sa may sala.

“Alam mo naman mga media,madiskarte ang mga iyan!”Tugon naman ni Mommy kay Daddy,“naging isa ka rin naman sa kanila noon, hindi ba? ”Dagdag pa ni Mommy,tama nga siya naging reporter muna si Daddy bago niya pinasok ang mundo ng politika.

Napahawak sa noo si Daddy at napailing iling,“kung bakit naman kasi nagawa mong saksakin ang sarili mo..‘di sana hindi na nalaman ng mga media ang kalagayan mo!..na dapat hindi nahahayag sa publiko dahil mahirap mag-explain sa mga tao lalo na kung sarado ang pag-iisip nila baka hindi nila paniwalaan ang dahilan ng kalagayan mo ngayon!Hindi ko naman pwedeng sabihin sa mga tao na may boyfriend ka baka isipin nila na pabaya kaming mga magulang niyo at hindi man lang namin kayo napapangaralan o nadidisiplina.” Mahinahong tugon ni Daddy ngunit mahahalata sa tono ng pananalita niya ang pagkainis, dahilan para mabasag ang katahimikan ko at tiningnan ko siya ng masama nang dahil sa sinabi niyang baka napapabayaan daw nila kami.

“Bakit? Hindi ba Dad?!Napabayaan niyo nga kami ‘di ba? Simula nung pasukin ninyo ang politika,tama nga si Kuya.Kung hindi kayo pumasok diyan, hindi ako malalagay sa sitwasyong ito!” Galit kong tugon at napatayo sa aking kinauupuan habang kaharap si Daddy dahilan para patahanin ako ni Mommy sa pamamagitan ng paghawak sa aking magkabilang braso,"anak..stop it––––”maluha luhang tugon ni Mommy at hindi niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita ulit ako.

“No Mom!” Bulyaw ko sa kanya habang ako‘y umiiyak na dahil sa sobrang galit sa kanila.“Konting oras at panahon lamang ang hinihingi sa inyo noon ni Kuya pero hindi ninyo naibigay...and all this time...‘yung pangalan niyo pa rin sa politika ang iniisip niyo?!What the...pinasok ninyo ‘yan Dad,so expect the fact na magiging public na ang buhay niyo o natin...kahit anong tago niyo sa mga sekreto niyo o natin ay malalaman at malalaman pa rin nila.Kasalanan niyo ito,kaya ‘wag niyo akong sisihin kung nagawa kong saksakin ang sarili ko!”Dagdag ko pa sabay punas sa aking mga luha tsaka ako umakyat sa itaas na sinundan naman ako ng tingin ni Mommy habang umiiyak din samantalang si Daddy,pinipilit pigiling tumulo ang kanyang mga luha dahil tila narerealize niyang tama kami ni Kuya.Okay lang naman kasi kung pumasok sila sa politika kung si Daddy na lang dahil matagal na talaga niya itong pangarap na makapagsilbi sa bayan ngunit sana hindi na niya isinama pa si Mommy kasi tungkulin ng isang ina ang manatili sa bahay upang pagsilbihan ang mga anak habang wala ang kanilang asawa.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon