Levy Rose's POV
Kinabukasan,ngayong araw na kung kailan ako lilipat na ng titirhan kasi titira na ako simula ngayon sa bahay nila Aijay. At ngayon ay ako‘y kanilang sinundo sa aming bahay.
Pagkatapos naming kumain ng pananghalian kasama ang pamilya Buencamino ay nag-impake na ako at nang paalis na kami ay..
“Paano ba ‘yan mga balae!Sa amin na tutuloy ang unica hija ninyong si Levy,”nakangiting sabi ni Tita Martina na simula ngayon ay tatawagin ko ng Mama.
“Oo nga mga balae,kayo na ang bahala sa kanya ha!” Nakangiting tugon naman ni Mommy.
“We will,mga balae!”Nakangiting tugon naman ni Tito Delfin na tatawagin kong Papa simula ngayon.
“Oh siya mga balae,Aijay..humayo na kayo‘t baka maabutan pa kayo ng ulan sa daan!”Tugon naman ni Daddy na nakaakbay kay Mommy.
At tuluyan na nga kaming naglakad papalabas ng gate ngunit bago pa ako makalabas sa gate ay lumingon muna ako kina Mommy at Daddy na ngayon ay pigil na pigil sa pag-iyak lalong lalo na si Mommy na akbay akbay naman ni Daddy,samantalang si Kuya ay sumisilip lang na nasa sala kasama si Manang Lucila at mga iba pang kasambahay namin.
Tumakbo ako papunta kina Mommy at Daddy tsaka ko sila niyakap dahilan para mapatingin naman sa amin ang pamilya Buencamino, “Mommy at Daddy,I can't...I can't imagine my life without you by my side!” Maiyak iyak kong saad habang nakayakap pa rin ako sa kanila ng mahigpit.
“You need to do this,Hija!”Tugon ni Mommy na ngayon ay umiiyak na rin.. “makaka-adjust ka rin anak nang wala kami sa iyong tabi ng Mommy mo..don't worry bibisita naman kami sa inyo!”Tugon naman ni Daddy na nagpipigil pa rin sa pagluha habang tinatapik ako sa likuran.
Pagkaraan ng anim buwan na paninirahan ko sa bahay nila Aijay ay nanganak na rin ako,babae ang naging anak ko pinangalanan siya ni Mama ng Aila,‘yun daw sana ang ipapangalan niya kay Aijay kung babae sana siya ngunit lalaki naman siya kaya Aijay na lang,gustuhin man niya daw magkaroon ng isa pang anak ngunit hindi na pwede kasi delikado sa kanya ang manganak kaya nanatiling nag-iisa nilang anak ni Papa si Aijay.
Pagkaraan pa ng isang buwan,June na at pasukan na naman ngunit dahil kailangan kong maging full time Mom sa anak namin ay nag-online student na lang ako na pinayagan naman ako nila Mama at Papa.
Sa loob ng Pitong buwang paninirahan ko sa bahay nila Aijay ay hindi pa ako lubusang nakakapag-adjust o nasasanay na hindi ang totoong magulang ko ang kasama ko rito at namimiss ko pa rin ang pagiging asarin ni Kuya sa akin lalo na ‘yung pagtawag niya sa akin ng 'My little sister', napangiti tuloy ako habang naaalala ko ito lalo na nung gabi bago kami ikinasal ni Aijay ay kinausap ako ni Kuya.
-----
Bago ako lapitan noon ni Manang Lucila sa terrace kung saan ako nakatambay noon ay si Kuya muna ang lumapit sa akin at kinausap ako.
Hinawakan ako sa ulo tsaka niya ginulo ang buhok ko.“Hey,My little sister!Gabi na,what are you doing here?!”Tanong niya habang nakangisi.
“Tsk,ano ba Kuya!How many times that I told you, do not call me Little sister––”,inis kong sabi na humarap sa kanya at nagcrossed arms pa ako ngunit napatigil ako kasi narealize kong tiyak pagkatapos naming ikasal ni Aijay at manganak ako siguradong hinding hindi na niya ako tatawagin pa ng ganun, kaya naman tumalikod ako sa kanya ngunit inakbayan ako at napabuntong hininga siya.“napatigil ka..." wika niya,hindi ko siya inimikan bagkus ay bumuntong hininga lang ako.
“Maybe you realized that after your wedding I will never ever do that to you again?!‘yung asarin ka sa pagtawag sa‘yo ng My little sister...I'm sorry,Levy...I know,ako ang isa sa dahilan kung bakit ka napunta sa sitwasyon mong ito...” patuloy pa niya na tila gustong umiiyak kasi alam niyang may kasalanan din naman siya ,na sana nilawakan na lamang niya ang pag-intindi kina Mommy at Daddy at hindi na niya dinala sina Aijay at mga kasamahan nila sa bahay. Huminga muli ako ng malalim tsaka ko siya tiningnan , “stop blaming yourself Kuya,nandito na ito eh..ano pa nga ba ang magagawa natin?!”malungkot kong tugon.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
عاطفيةPaano kaya kung 'yung napapanaginipan mo ay kasalukuyan na palang nangyayari ito sayo? Ano kaya ang gagawin mo kapag nangyari 'yun? Makakaya mo kaya itong tanggapin?