Levy Rose's POV
Nakabalik na kami sa camp nang hindi kami nag-iimikan ni Aijay. Samantalang kinabukasan, nagawa ni Kiara na pagtakpan kami ni Aijay mula sa mga teachers namin. Nagsinungaling siya na nakatulog ako sa tent namin dahil nahilo ako sa biyahe at nakiusap daw ako sa kanya na hindi ko na ipaalam pa ito sa mga teachers namin kaya dahil doon nakalimutan daw niyang natutulog na pala ako samantalang si Aijay umihi lang sa may malayo at hindi niya naabutan ‘yung pagtawag sa kanyang pangalan upang i-check kung kompleto kaming mga estudyante. Mali ang magsinungaling ngunit kinakailangan namin ‘tong gawin upang hindi kami mapagalitan kaya pinanindigan na lang namin ito at naniwala naman sila.
Nakaraan pa ang isang buwan magkakaroon ng basketball competition sina Kuya laban sa ibang school. Kaya kailangan ni Kuya ang buong suporta ng paaralan bilang siya ang team captain at syempre ang buong suporta namin bilang kapamilya niya, kaya nandito ako ngayon sa entrance area kung saan pumapasok ang mga manonood at players.
Iniwan ko muna pansamantala si Kiara sa loob habang hindi pa nagsisimula ang laro nila Kuya upang abangan sina Mommy at Daddy, alam ko naman busy sila sa mga kanya kanya nilang appointment bilang mga politiko, ngunit nagbabakasakali pa rin ako na makakapunta sila upang i-surprise si Kuya upang suportahan siya sa kabila ng pagiging busy nila...kasi naman, kaninang nasa bahay kami...ako ang gumising sa kanya ngunit tila ayaw niyang bumangon. Malamya s’ya kumbaga kasi wala sina Mommy at Daddy at pakiramdam niya hindi sila makakapunta ngunit pinilit ko s’yang bumangon na at humanda na s’ya para sa laro nila, hindi kasi s’ya pwedeng mawala...kasi s’ya ang team captain ng team nila at isa pa heto ang unang laro nila this year kaya napapayag ko rin s’ya na dumalo sa laro nila ngunit bakas pa rin sa mukha niya na malungkot.
Habang naghihintay ako sa kanila biglang tumunog ang cellphone ko kaya napawi ang lungkot at pag-aalala ko sa pag-aakalang isa kina Mommy at Daddy ang nag text ngunit sa kasamaang palad mali pala ako,
“Best! Nasaan ka na? Malapit nang magsimula ang laro...halika na, muntik ka na ring naagawan ng upuan kung hindi ko lang sinabi na may uupo sa upuan mo. Halika na kasi!” Si Kiara pala ang nag-text sa akin. Ramdam ko ang inis sa kanyang text ngunit hindi ko s’ya nireplyan, bagkus ay i-tenext ko na lang pareho sina Mommy at Daddy.
“Mom and Dad,where are you now? On the way na po ba kayo? Mom Dad, please! Kahit isa man lang sa inyo makapunta rito, he needs your support!” ‘Yan ang laman ng mensahe ko na senend ko sa kani kanilang numero ngunit after ng 5 minutes wala ni isa sa kanila ang nagreply.
Hanggang sa tumunog na ulit ang cellphone ko napangiti ako kasi alam ko isa na sa kanila Mom and Dad ang nag-text ngunit nakakainis... si Kiara na naman pala...kinukulit na akong pumasok sa loob.
“Best, asan ka na? Magsisimula na ang palaro, halika na kailangan ka ng makita ni Kuya John..dalian mo..” at dahil sa text ni Kiara nawalan na ako ng pag-asang makakapanood pa sila Mommy at Daddy sa laro nila Kuya lalo na’t magsisimula na, kaya wala na akong nagawa kundi pumasok na sa loob.
“Oh, best heto na ang lobong iwawagay natin kapag binanggit na ang basketball team ng school natin.” bungad na utos ni Kiara sabay abot sa akin ng dalawang kulay orange na parihaba na lobo, “saan ka ba pumunta? Kanina pa ako text nang text pero hindi mo ko sinasagot!” Dagdag pa niya.
“Sa entrance area, inabangan ko sina Mommy at Daddy doon...umaasang baka makarating din sila rito, ayaw ko kasing mawalan ng gana sa paglalaro si Kuya. Ayaw kong matalo ang school natin.” Malungkot na sagot ko habang nakatingin ako sa direksyong kinatatayuan ni Kuya.
Habang ina-announce o ipinapakilala nung announcer isa isa ang mga pangalan ng mga players, bakas na bakas sa mukha ni Kuya ang lungkot sa kanyang lalo nang magtama ang mga mata namin kasi hindi niya makita sa tabi ko sina Mommy at Daddy.. At para mabawasan ang lungkot niya nginitian ko siya na abot hanggang sa tenga at winagayway yung hawak kong lobo tsaka ko itinuro si Kiara na tiningnan naman niya,at binulungan ko naman si Kiara na magwave siya kay Kuya.Nginitian niya at kung pwede magsign of heart siya sa kamay.Ayon success ngumiti si Kuya,salamat kay Kiara dahil ginawa niya ang pinagawa ko.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
RomancePaano kaya kung 'yung napapanaginipan mo ay kasalukuyan na palang nangyayari ito sayo? Ano kaya ang gagawin mo kapag nangyari 'yun? Makakaya mo kaya itong tanggapin?