Chapter 23

28 2 2
                                    

Levy Rose's POV

Sa Bahay nila Aijay agad akong bumusina sa malaking gate nila para pagbuksan ako.Dahilan upang sumilip ang guard nila sa kabilang gate, kung saan tao lang ang pwedeng dumaan doon tsaka niya ako nilapitan upang kilalanin,dahil tila hindi niya ako mamukhaan,tulad nga ng sabi ni Kiara na ibang iba na raw ako,fresh na fresh daw..haha kaloka ng babaeng iyon.

“Ma'am...Levy?!”Pag-aalangan niyang tanong dahilan para ngitian ko siya.

“Yes,I am!Manong Joseph... kindly open the gate?!” Agad na tugon ko dahilan para mapatakbo siya pabalik sa loob upang buksan ang malaking gate ng bahay.

“Si Ma'am Levy!” Bumalik na rinig kong masayang sigaw ni Manong Joseph doon sa kapwa niya tagasilbi dito sa bahay nila Aijay. Dahilan upang mapangiti ako at sinimulan nang paandarin ulit ang kotse ko upang makapasok na nang tuluyan sa bakuran.

At nang makapasok na ako ay may tatlong katulong na agad sumalubong sa akin,sila sina Fee,Sandra,at Amanda na halos kasing edad ko lamang sila.

“Ma'am...Levy?! Ikaw po ba talaga ‘yan?!” Pang-uusisa sa akin ni Fee habang pasilip silip sa bintana ng kotse ko,tanging ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya habang hinahanda ang sarili ko palabas ng kotse ko.

“Siya nga..ano ka ba Fee?!”Saad naman ni Amanda.

“Hay,naku!Kayo talaga..hali kayo,tulungan na natin si Ma'am magbuhat ng mga dala niya,dahil tila madami dami ang mga dala dala niya.. ” wika at pagyaya naman ni Sandra kina Fee at Amanda.

Samantalang ako ay abalang binubuksan ang likuran ng aking kotse kung saan nandoon ang dalawang malalaking maleta ko at ‘yung isang maliit na bagahe kung saan naroon ang mga pasalubong ko para kay Aila,at habang ibinababa ko ang mga ito ay dumaldal naman ‘tong si Fee habang pinagmamasdan ako.

“Grabe..ikaw na ba talaga ‘yan Ma'am?!Parang hindi... ang sexy sexy mo ngayon..ibang iba ka ngayon,iba na ngayon ang pormahan mo Ma'am...hindi katulad noon–––”pang-uusyoso niya ulit sa akin ngunit natigilan siya nang tingnan ko siya at nginitian ng bahagya dahilan para mapatakip s’ya sa kanyang bunganga at tila nahiya pa.

“Pa-pasensya na po kayo!Heto po ba‘y amin nang dadalhin sa loob?!” Paghingi niya ng pasensya tsaka tinanong at itinuro ang mga maleta at bagahe ko kung ito ba ay kanila nang dadalhin sa loob.

“Yah...isunod niyo na lang..salamat!” Tugon ko sabay tango sa kanila at naglakad na papunta sa loob ngunit natigilan ako sa paglalakad nang sumalubong na sa akin si Papa na may hawak hawak na isang tasang kape.

“Le--Levy?Ikaw na ba ‘yan?”Pag-aalangan na tanong ni Papa tsaka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa,dahil ibang iba na talaga ang pormahan ko ngayon kesa noon na pabebe looks lang in short simple at inosenteng tingnan.

Naka-sexy black dress ako ngayon na backless tapos nakasandal ng mataas na heels mga 5 inches siguro ito na kulay pula tapos blonde hair,may suot pa na eyeglasses pero nakalagay ito ngayon sa ulo ko at makapal ang red lipstick na nilagay ko sa labi ko dahilan para hindi niya agad ako mamukhaan..kaya‘t nginitian ko si Papa sabay halik sa kanyang pisngi.

“Ako nga po!”Saad ko ngunit tila hindi siya makapaniwala dahilan upang matulala siya.

Samantala,kagigising lang din ni Mama kakababa lang niya sa hagdan at patungo na sana siya sa kusina ngunit narinig niya si Papa na binanggit ang pangalan ko na ngayon ay nasa labas ng bahay dahilan para magtaka siya at tinungo ni Mama ang kinaroroonan namin ni Papa.

“Anong sabi––”tanong ni Mama ngunit natigilan siya sa pagsasalita nang mapansin niya ako na tumingin sa kanya tsaka ko siya nginitian.At dahil nga sa katulad din ni Papa ay hindi rin agad ako namukhaan ni Mama,kaya‘t napagkamalan akong babae ni Papa nang maabutan niyang hinalikan ko siya sa kaliwa niyang pisngi,“and who are you?Ang lakas naman ng loob mong pumunta rito upang makipagladian sa asawa ko!” Inis na tugon ni Mama dahilan para mapatawa ako ng mahina lang.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon