Chapter 2

108 4 2
                                        

LEVY ROSE'S POV

4:30 pm na nung makauwi ako sa bahay at nang paakyat na ako sa hagdan, si Kuya napansin na naman ako na bumungad s'ya sa may slide door na nasa kanang bahagi ng bahay na kung saan naroon 'yung swimming pool namin. Napansin ko namang may hawak siyang isang tasa..siguro nagkape o nagtsaa sa may garden.

"Uy, hey my little sister! Buti naman nandito ka na, buti naman sumunod ka sa usapan natin." wika niya't siyang nagpahinto sa aking umakyat sa may hagdan.

"Of course Kuya! Mahirap nang sumuway baka hindi niyo na ako pagkatiwalaan next time, tsaka nagbago man ang edad ko...hinding hindi pa rin mababago ang pagiging good girl ko." Confident kong sabi tsaka ako ngumiti.

"Very good, my little sister!" Nakangiting sabi ni Kuya na ginulo ang buhok kong basa pa rin kaya napansin niya ito pati 'yung bathrobe na suot ko,"wait! why you're wearing this bathrobe!? At tsaka basa ang ulo mo! Hindi 'yan ang suot mo kanina di'ba? Imposibleng nagbabad ka sa swimming pool natin eh doon ako galing!" takang takang sabi niya.

"Ahmm, Kuya. Sa swimming pool lang naman nila Kiara ako nagtampisaw," pa-cute kong sabi.

"What?! 'Yun ba ang pinunta mo doon?" Gulat niyang tanong.

Bago ko s'ya sinagot kinuha ko muna 'yung hawak hawak niyang tasa na kape ang laman tsaka ako humigop, "well Kuya relax! Hindi naman 'yun ang dahilan ng pagpunta ko dun.. actually nasabihan ko lang s'ya na panget s'ya kaya ayon itinulak niya ako sa pool nila. Haha!" Natatawa kong sagot.

Inagaw niya sa akin ‘yung tasa na may laman pang kape. "Eh, bakit mo kasi ginawa 'yun? Ikaw ha, kaibigan mo nilalait mo?!" Taas kilay niyang tanong.

"Tssk, affected Kuya?! Syempre biro ko lang naman 'yun. Ikaw talaga, ang saya nga namin kanina. Hahaha..kung wala lang 'yang curfew mo malamang hanggang ngayon babad pa rin kami." Pang-asar ko pa sa kanya.

"Ashhh..so, sa kanya ba itong bathrobe?" Inis niyang tanong.

"Opo, Kuya. Sa kanya nga!" Agad agad kong sagot.

"Hindi ka ba aware na ganyan lang ang suot mong umuwi?" Taas kilay niyang tanong at humigop ulit sa kape niya.

"Ano ba dapat kong ikabahala dito Kuya? Wala naman makikita ah!hmp." Angal ko sabay ikot.

"Tumigil ka nga!" Bulyaw niya bilang pagsuway pa niya sa akin, "hindi ka man lang ba pinahiram ng damit?" Halata sa tanong ni Kuya ang pagiging concerned sa akin.

Humakbang ako sa isang palapag ng hagdan tsaka ko s'ya nilingon. "Naku Kuya, wala ng time para maghanap siya ng extra clothes. Tsaka kailangan ko pang patuyuin katawan ko at kung nangyari 'yun malamang lagpas na sa 4:30 pm ang uwi ko dito, kaya ganito na lang." Pangangatwiran ko napailing naman siya't napasinghap. "O siya Kuya, magpapalit na ako." Paalam ko pa at tuluyan na ulit akong humakbang pataas ng hagdan ngunit may pahabol pa siya.

"Ibalik mo rin sa kanya 'yan ha! Baka 'yan lang ang extra bathrobe niya." sigaw niya, hays si Kuya talaga.

"Don't worry Kuya, bukas na bukas din ibabalik ko 'to sa kanya!" sigaw ko rin.

Pagsapit ng gabi, matapos kaming kumain ay agad akong nagkulong sa kwarto.

Nanood lang saglit ng t.v. pagkatapos nun ay naisip ko nang matulog ngunit mag-aalas diyes na ng gabi hindi pa rin ako makatulog parang may bumabagabag sa akin na hindi ko maintindihan. Kaya naisip kong mag-online muna sa fb nang makita ko nga mga pictures ko na ti-nag sa akin ni Kiara kanina.

Nagulat ako sa dami ng friend request na natanggap ko, puro lalaki...gosh, dati dati hindi naman ganito kadaming friend request ang natatanggap ko mga dalawa o tatlong katao lang pero ngayon 50 + na yata sila. "Hay, naku! Ma-accept na nga silang lahat," bulong ko sa aking sarili at sinimulan na silang i-accept.

Pagkatapos kong tanggapin ang mga friend request ay binasa ko naman mga comments sa mga pictures namin ni Kiara.

"Wahhh..heto na nga 'yung picture ko na nakasolo..ang ganda ganda ko talaga dito..wahaha, kahit pala nakawacky ako maganda pa rin..grabe naman 'tong si Kiara kung umawra..at aba! Grabe, pati 'yung picture ko sa may pool na tawang tawa na ewan! Grabe siya, teka mabasa nga pala mga comments.." bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang mga larawan namin ni Kiara na kanyang ipinost.

Comments:

"Wow! Gorgeous lady!"

"Ang ganda niyo naman!"

"Hey, Ms. Floral blouse! Ang ganda mo naman."

"Ganda"

"Ganda"

"Ganda niyo"

"Super ganda"

"Ang ganda niyo naman talaga!especially si Ms. Floral Sexy!ganda, pwede ba kitang maging kaibigan?" Komento ni Aijay Buencamino na nireplayan ni Kiara na minention pa talaga ang pangalan ko.

"Aba! Best Levy Rose Monte! Pwede 'di ba?" Reply ni Kiara, mentioned my name talaga!

"Wow! Is that her name? Ganda naman bagay sa kanya.. :)" Reply naman ni Aijay, wow ha! With smiling face emoji pa talaga.

"Oo, i-add mo na lang siya Aijay! I'm sure i-aaccept ka niyan" Confident na sagot ni Kiara, na ikinagulat ko.

Halla, Si Kiara talaga! Pahamak talaga siya––ha, Teka! Sandali, Aijay?! Parang..may inaccept ako kaninang ganito ang pangalan ha? Sandali nga makita nga itong profile niya.

Nagulat ako nang makitang friend ko na nga siya, gusto ko s'yang i-unfriend pero parang may pumipigil sa akin hanggang sa may nag-message sa akin. Agad ko naman itong tiningnan.

"Hi!" Sabi niya sa chat, si Aijay to actually

"--------" Wala akong kibo, in short seenen ko siya.

"Hey, 'wag ka nang mag-seen, alam ko online ka pa rin...by the way, Thank you for accepting  my friend request! :-)" Message na naman niya.

"Ashhh, 'wag ka ngang pahalatang naiinip ka sa reply ko.." Napilitan akong mag reply.

"Hindi naman, akala ko kasi wala kang balak magreply." Sagot niya.

"Well, actually..balak nga kitang i-unfriend," reply ko.

"Opps, no..no...no! Wait, gusto ko lang naman makipagkaibigan sa iyo..please, Ms. Floral! •́  ‿ ,•̀" Pagmamakaawang reply niya.

"Ms.Floral?! Excuse me but that's not my name!" Inis kong reply.

"Ah, sorry! Sige ganito na lang. Hi, I'm Aijay Buencamino, and you are?" Reply ulit niya, in fairness mukhang mabait at gentleman naman ito..pero hindi dapat akong maging komportable sa kanya kahit pa alam kong anak siya ng dating sikat na basketball player dito sa Pilipinas.

"Ah, ok..siguro naman alam mo na 'yung pangalan ko? Nabanggit na sa'yo ng kaibigan ko tsaka hindi naman dummy account 'tong gamit ko, 'yung nasa profile ko 'yan talaga ang pangalan ko..o siya ...I need to sleep...maaga pa ako bukas." Taas kilay at pagmamadali kong reply sa kanya at hindi ko na inantay pa ang reply niya, agad agad na akong nag-log out tsaka ako natulog.

-,-

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon