Chapter 11

42 1 0
                                    

Levy Rose's POV

Nakakalokang pangyayari,“Are you ok,best?!”Tanong sa akin ni Kiara dahilan upang mapalingon ako sa kanya, dahil sa inis sa pangyayari sa amin ni Aijay kanina ay agad kong inagaw ‘yung hawak ni Kiara na bottled water tsaka ko ininom bago ko siya kinausap.

“Grabeng kahihiyan ito.. kailangan kong makahinga!Tara na sa labas,uuwi na tayo.”Sabi ko sabay hila kay Kiara dahil napansin kong iniinterbyu na ngayon si Aijay baka mamaya niyan ay itanong ng media kung ano ako sa buhay niya nang dahil sa pangyayaring iyon kanina.

“Pero teka,best!Hindi pa natin nababati sila Kuya John.”angal niya habang nagpupumiglas sa paghila ko sa kanya na nakikipagsiksikan kami sa mga taong makakasalubong namin papunta kina Kuya upang batiin sila.

Nilingon ko si Kiara,“hay naku!Kiara,tsaka na lang!Madami pa naman pagkakataon ah,pwede naman natin sila batiin sa school bukas especially si Kuya! ‘Di ba?I'm sure papasok naman mga ‘yan bukas..kaya tara na... ” naiinis kong sabi,magrereklamo pa sana siya ngunit muli akong nagsalita.

“Tsaka isa pa ..may mga takdang aralin pa tayong gagawin,tsaka may project pa tayo..alam mo ‘yun ‘diba? Kaya tara na!”Sambit ko pa kaya wala na s’yang nagawa kundi magpahila na sa akin.

“Makikisakay na ako sa iayo pauwi!” Patuloy ko pa nang nasa parking lot na kami.

“Hmp..ok!Pero pwede ba tayong kumain muna sa isang restaurant malapit dito?nagutom kasi ako kakasigaw kanina para i-cheer ang team ng school natin...” sabi niya tsaka niya ako nginitian,hindi sana ako papayag kasi malamang sa malamang kukulitin na naman niya ako kay Aijay kahit pa may panakot ako sa kanya pero naisip ko mag-isa lang din na naman ako kakain sa bahay tiyak ‘yun dahil I'm sure wala pa sila Mommy at Daddy. Isa pa tiyak magparty party pa sila Kuya after ng pagkapanalo nila kanina.

Dumaan nga kami sa restaurant.At habang pumipili kami ng makakain sa may menu,heto na nga’t sinasabi ko kukulitin na naman niya ako kay Aijay.

“So ano best?!Anong pakiramdam na na-fall ka tapos sinalo ka ni Aijay?!”Tanong niya sabay baba sa menu na hawak niya at napapangiti na nangalumbaba,dahil dun binaba ko din ‘yung menu na nasa tapat ng mukha ko tsaka ko siya sinamaan ng tingin at bumuntong hininga ako.

“Ey,siguro..sobrang kabog ng dibdib mo ‘no? ‘Yung feeling na halos sumabog na iyan dibdib mo sa sobrang kabog nito. ”Habol pa niya.
“ ‘Yung ganitong tunog..dugodog..dugogodog..dugodog...” dagdag pa niya sabay hawak sa tapat ng puso niya,at dahil sa inis napalo ko ng malakas ang mesa kaya pinagtinginan naman kami ng mga taong kumakain sa restaurant.

“Ah...ehey!so-sorry po...” wika ko sa mga taong nasa paligid namin tsaka ako nagpeace sign.

“Naku po!‘Wag niyo po s’yang pansinin,in love lang po kasi s’ya..kumain lang po kayo d’yan..hehe”Birong tugon naman ni Kiara sa mga taong nasa paligid namin dahilan upang pisilin ko ang kanyang kanang pisngi.

“Aray!” Sambit niya pero pabulong ngunit kahit pa nasaktan na s’ya nagawa pa niya akong tawanan.

“Ano ba?!Tumigil ka nga kasi...” Sabi ko na pagalit ngunit pabulong tsaka ko binaling ulit ang atensyon ko sa menu.

“Eh,Kasi naman!Hindi ko maiwasang kiligin sa inyo eh...‘yung matapos kang mahulog tapos sasalohin ka ng crush mo tapos magkakatitigan pa kayo..ahay..sana kami na lang ‘yun ni Kuya John...”kinikilig pa niyang tugon sabay ngiti at napapapikit,na tila nag-iimagine kaya imbes na mainis pa ako sa kanya ay tinawanan ko na lang s’ya sabay sabing,“hay,sus!imbes na mag-imagine ka d’yan..ba’t ‘di mo tutuhanin?!Tutulungan kita..itutulak kita kapag kasama natin si Kuya para saluhin ka?!gusto mo?!haha”Pang-asar ko naman dahilan upang siya naman ang nainis sa akin.

“Tssk.. no way! Baka magkabistuhan kami..ayaw ko..I'm not ready for that.Hindi pa panahon para malaman ng Kuya mo ang tungkol sa feelings ko sa kanya.” Seryoso niyang tugon.

“Ok..oh siya!Mag-order na tayo, ”yaya ko sa kanya,ngunit pagkatapos naming mag-order ay kinulit na naman niya ako.

“Ngunit best...‘yung feelings mo kay Aijay..siguro panahon na para ipaalam mo sa akin.”
Sambit na naman niya,kaya kumunot na naman ang noo ko tsaka ko siya tinaasan ng kilay ngunit hindi pa rin siya nagpatinag, “matapos kasi ang pangyayari sa inyo kanina...imposibleng wala ka pa ring feelings sa kanya?!sa tagal ba naman ng titigan niyo kanina!” Dagdag pa niya..natahimik ako saglit sa sinabi niya at napaisip dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko kaninang nasalo ako ni Aijay at nagkatitigan kami,napahawak tuloy ako sa dibdib ko at may naglalarong tanong sa aking isipan na “AM I FALLING IN LOVE WITH HIM?”Kaya napatulala ako na parang wala sa sarili hanggang sa inihipan ni Kiara ang mga mata ko kaya ako natauhan.

“Nangyari sa’yo? Bigla kang natulala d’yan,so ano na?!May feelings ka na ‘no?ehy,napatahimik ka d’yan eh...” pang asar niya.

Umiwas ako ng tingin kay Kiara tsaka ko sinagot ang tanong niya,“hindi ah..tumigil ka na nga!” Inis kong sagot sabay hawak sa tiyan ko na tila gutom na ang mga alaga ko.haha

“Ok..sige!isa na lang.. sa tingin mo wala ka bang pagkakataon para mahulog ang loob mo sa kanya ?kahit pa naka focus ka sa pag aaral?ako,inamin ko sa iyo na may gusto ako kay Kuya John ngunit ginagawa ko s’yang inspirasyon..kaya...ikaw..wala bang posibilidad?” Seryoso na s’ya ngayon na nagtatanong.

“Ewan ko...” ‘yun na lang ang tanging sagot ko,kasi tila naguguluhan ako sa nararamdaman ko parang 50/50 may gusto na yata ako ngunit parang wala na ewan..ang gulo ‘no?kaya siguro hindi pa panahon para sabihing meron nga akong gusto kay Aijay.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na agad kami..aba,syempre inihatid ako ni Kiara.

“Oh,paano best!dito na ako.see you tomorrow na lang ulit sa school,” paalam ko kay Kiara habang pababa na ako sa Kotse niya.

“Sure,pag-usapan ulit natin ‘yung tungkol sa feelings mo kay Aijay!” Pang asar niya pang tugon tsaka niya ako kinindatan.

“Kiara talaga oh..kapag hindi mo pa ako tigilan tungkol d’yan sige ka... itetext ko na agad kay kuya John ang nararamdaman mo sa kanya,” panakot ko naman sa kanya habang hawak hawak ang cellphone ko at ngumisi ako sa kanya.

“Oh..siya..siya!sige na nga,fine!Stop na me...alis na me!” Sambit niya sabay paandar sa kanyang kotse.

“Haha!good..Ingat ka ha!” Pahabol ko tumango at ngumiti naman s’ya sa akin tsaka na s’ya tuluyang umalis.

“Am I falling in love with him?!tsk...makapasok na nga lang sa loob!”

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon