Chapter 24

34 2 0
                                    

Levy Rose's POV

Kinagabihan,sabay sabay kaming kumain mula kanina sa almusal at tanghalian at ngayon panggabihan.

Komportable na talaga akong makasalo sila ng hindi nag-aadjust sa sitwasyon namin ni Aijay.

Katabi ko si Mama samantalang si Papa ay nasa gitnang bahagi ng mesa siya nakaupo at sina Aijay naman at Aila ang magkatabi sa kaliwang bahagi ng mesa.

“Oo nga pala Hija! Inutos ko sa mga katulong na dalhin nila ‘yung mga bagahe at maleta mo na sa kwarto na ni Aijay nila ilalagay iyon,nakalimutan ko kasing sabihin sa iyo ito kanina... tutal sinabi mo naman na that you‘re now already accepting the situation between you and him.So I assumed that you are also ready to sleep with him in one room.” Wika ni Mama sabay tingin sa akin tsaka niya ako nginitian,tiningnan ko naman si Mama tsaka ko rin siya nginitian.

“Yup Mom!” Pagsisinungaling ko dahil ang totoo hindi ko ito pinaghandaan dahilan para mas lalong lumaki ang ngiti ni Mama sa akin sabay hawak sa kamay ko na nakalapag sa mesa samantalang si Papa ay ngumiti rin ngunit si Aijay napansin kong namumula ang kanyang magkabilang pisngi na tila hindi ring handa sa magiging sitwasyon namin sa pagtulog,“but..Ma! I hope you will understand that...maybe for now I want to sleep with Aila...gusto ko kasi,simula ngayon ipararamdam ko sa kanya na narito na po ang kanyang ina!” Dagdag ko pa,buti na lang nakaisip agad ako ng dahilan, kaya‘t kahit masakit man na hindi pa rin ako pinaniniwalaan na ako ang ina ni Aila ay nagpapasalamat pa rin ako dahil sa heto ang ginamit kong dahilan upang maiwasan ko ang pagtulog sa iisang kwarto kasama si Aijay.Sana lang lumusot ito kay Mama.

“Tama nga naman siya,Martina Hon!hayaan mo na nating makasama ni Levy ang anak nila para mas madali siyang tanggapin ni Aila bilang Mommy niya!” Pag sang-ayon sa akin ni Papa sabay subo ng isang kutsarang kanin. Thanks God!

“Well,tama nga naman...hindi ko ‘yun naisip ah! Masyado kasi akong na-excite na magkaroon ulit ng isa pang apo,hehe!" Birong tugon ni Mama dahilan upang pagtinginan namin siya.

“Mom!” Pagsuway naman ni Aijay kay Mama habang pinapakain niya si Aila,napahalakhak naman si Papa samantalang ako napainom na lang ng tubig,hooo ano ba?! It's so awkward!

“Haha..Oh right!Biro ko lang naman iyon!”Saad pa ni Mama,sabay taas ng dalawa niyang mga kamay na animo‘y sumusuko sa giyera, giyera ng biruan.

“By the way,Hija!Don't worry we will help you para kilalanin ka ni Aila bilang Mommy niya” biglang nagseryoso si Mama sabay ngiti sa akin na ipinasalamat ko naman. “But...please don't spoiled her..‘wag mong idadaan sa mga kagamitan ang pagsuyo sa kanya...mas magandang matanggap at kilalanin ka niya sa paraang nakakasama mo s’ya at hindi idinadaan sa pagbili ng mga bagay bagay baka kasi ‘yun lang ang hahanap hanapin niya sa‘yo at sa oras na hindi mo na ito maibibigay maaring bumalik ang paglayo ng loob niya sa iyo.”Payo pa ni Mama dahilan para sumang-ayon ako sa kanyang payo.

At nang matapos kaming kumain ay pumunta ako sa loob ng kwarto ni Aila upang pagmasdan ang mga picture niyang nakadisplay doon hanggang sa pumasok na rin siya.

“Hey!Why are you here?” Pagsusungit niyang tanong tsaka niya ako sinimangutan habang yakap yakap ang teddy bear na bigay sa kanya ni Mama,“get out of here!!”bulyaw pa niya sabay hila sa kamay ko papunta sa pintuan dahilan upang hindi ako umimik at muli kong naramdaman ang pagkirot ng aking dibdib.“Umuwi ka na!!Alis na!!” Utos pa niya sabay tulak sa akin papalabas ng pintuan sabay sarado sa pinto. Sobrang sakit, ang ipagtabuyan ka ng sarili mong anak, well! hindi ko naman siya masisisi kung ganito niya ako itrato,limang taon ko siyang iniwan
kaya‘t limang taon niya akong hindi nakapiling at limang taon lang din niya akong sa larawan lang niya ako nakikita.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon