Levy Rose's POV
"Where do I find that girl? Hindi ko naman s'ya matawagan...nasaan ka kaya Kiara?!" Inis na mga tanong ko habang napapakamot sa aking ulo.
Nakakainis! Sino ba dapat kong sisisihin? Ako, na umayaw na samahan siya? O siya na masyadong excited sa pag-post ng mga picture niya? Uhg! Mga tanong na gumugulo sa isipan ko na hindi ko na namamalayang nakalayo na pala ako sa camp namin. Tsaka ko lang namalayan nang mapansin ko ang ilog batis.
Wow! Ang linaw at ang babaw ng ilog batis na ito! But wait, nasaan na ba ako? Lumingon ako sa pinanggalingan ko.
"Halla! Nakalayo na yata ako, hindi ko na makita ang mga kasamahan ko...anong oras na kaya? 2:30 pm na pala, maaga pa. Maghahanap muna ako ng signal habang hinahanap din si Kiara," saad ko sa aking sarili at napatingin ulit ako sa may ilog batis.
"Parang gusto kong maligo rito, wala namang tao rito na pwedeng makakita sa akin." Muli kong sabi sa aking sarili sabay lapit doon at isinawsaw ang kamay ko sa tubig na sadyang nakakahalina dahilan para mas lalo akong maakit na maligo kaya't maghuhubad na sana ako ngunit napag isip isip kong 'wag nang ituloy kasi baka maengkanto pa ako. Hahaha, mahirap na baka hindi na ako makabalik sa amin, buti sana kung kilala ko na ang lugar na ito kaya magpapatuloy na lamang ako sa paghahanap ng malakas na signal.
Pagkalipas ng isang oras ayon, finally! Nagka-signal din ang cellphone ko, naka-text na ako kay Kuya at nang tatawagan ko si Kiara nawala na 'yung signal, nakakainis! Tumingala ako sa kalangitan medyo makulimlim hindi dahil hapon na kundi may pagbabadyang umulan...kaya naisip ko nang bumalik sa camp, sana lang hindi ako mawala rito. Ngunit sa paghakbang ko pabalik napansin ko 'yung ahas na gumalaw palapit sa aking kinatatayuan, "OMG! No!! Ahas! Please, no! 'Wag kang lalapit sa akin!" Takot kong sigaw habang dahan dahan akong umaatras at dahil sa takot ko ay napaupo na ako sa lupa ngunit patuloy pa rin ako sa pag-atras hanggang sa ma-corner ako ng ahas dahil wala na akong maatrasan kasi may malaking puno na sa likuran ko.
"Oh, no! Mommy! Daddy! Kuya!!!help!!" Mangiyak iyak at paulit ulit kong hiyaw na nakapikit dahil ayaw kong makita ng malapitan 'yung ahas sa harapan ko.
"Ligtas ka na, patay na ang ahas! Nagulat ako nang may narinig akong boses lalaki, nagtaka tuloy ako kung sino kaya siya? Ligtas na nga ba ako?paano kong hindi naman ako ligtas sa taong ito? Kaya inuunti unti kong idinilat ang aking mga mata para makita siya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Aijay pala 'yun kaya bigla ko na lang s'yang niyakap pagkatapos tingnan ang ahas na wala ng buhay.
Nagulat at nabitawan niya ang malaking kahoy na kanyang hawak, baka ito ang ginamit pamatay sa ahas. "Salamat, salamat! Akala ko kakagatin na niya ako." Napapapikit kong sabi habang umiiyak ngunit dahil sa pagpikit ko nagkaroon ako ng imahinasyon.
"Salamat!Salamat!Akala ko kakagatin na niya ako!" 'Yan di ba ang sinabi ko ngunit hindi siya nagsalita kasi nabigla siya sa pagyakap ko sa kanya ngunit sa imahinasyon ko sumagot siya ng, "ako muna ang kakagat sa'yo bago ka makagat ng ahas na 'yan!"
Kaya napadilat ako ng ma-imagine ko 'yan at agad akong kumawala sa pagyakap sa kanya tsaka tinalikuran siya, muli akong naupo at pinalo palo ang noo ko, "ano ba ini-imagine mo Levy? It's seems like duh...aish, erase erase Levy!" Bulong ko sa aking sarili, bakit kasi ganoon ang imahinasyon ko? Rated spg ang dating uhrg.
"Ok ka lang?" tanong niya na lumapit sa akin. Nilingon ko lang siyang umupo rin sa tabi ko na tila aakmang hahawakan ang aking paa na para bang gusto niyang makita kung may sugat ako o kagat, baka kasi nahuli siya sa pagpalo ng makapal na kahoy 'yung ahas...ngunit hindi na niya nagawang hawakan ang aking paa dahil tumayo ako at iniwan na siya .
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
RomancePaano kaya kung 'yung napapanaginipan mo ay kasalukuyan na palang nangyayari ito sayo? Ano kaya ang gagawin mo kapag nangyari 'yun? Makakaya mo kaya itong tanggapin?