Epilogue

87 2 4
                                    

Levy Rose's POV

Kagabihan,11 pm na‘t narito ako ngayon sa kwarto ni Aila upang dito ako matulog matapos kasi ang aminang pangyayari sa amin kanina ni Aijay sa kasalan nina Kuya at Kiara tiyak magkakaroon ng awkwardness sa pagitan namin. Nang dahil doon hindi ako makatulog sa kakaisip sa kaganapang iyon at hindi ko ring naiwasang mapatingin kay Aila.

“Kasi naman eh! Kasalanan mo ito Aila...kung hindi ka lang dumaldal kanina makakatulog sana ako ngayon ng mahimbing,wala sanang aminan na naganap sa pagitan namin ng ama mo.Ngunit kung hindi nangyari iyon habang buhay na lang ba kaming magtataguan ng feelings?At magpapanggap pa rin na ang dahilan kung bakit kami ikinasal ni Aijay ay ang pagdating mo sa buhay namin nang hindi inaasahang pagkakataon?” Mahinang sabi ko habang nakatingin sa maamong mukha ni Aila na ngayon ay sarap na sarap sa pagtulog,siguro napagod siya kanina.

Ngunit habang nagsasalita ako rito hindi ko namamalayan na nasa pintuan pala si Aijay na lahat nang sinabi ko ay narinig niya kahit pa sabihin nating mahina lang pagkakasabi ko..

Kinaumagahan nagising akong wala na sa aking tabi si Aila at bumangon ako‘t nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga nagkalat na petals ng white and red roses sa may sahig na pinasadyang nagkalat ito patungo sa pintuan dahilan upang sundan ko ito pababa hanggang makarating ako sa garden. Nagulat ako nang makita ang lalaking nakatayo at nakatalikod na tila nararamdaman niyang nandito na ako dahilan upang mapalingon siya sa akin,bumungad sa akin ang guwapo at bihis na bihis na si Aijay na ngitian ako. Napanganga tuloy ako sa kanya.

-
♪ Nais kong malaman mo
Tunay ang pag ibig ko
Ito'y patutunayan ko sa iyo
Di ka dapat mangamba
Sa piling ko‘y liligaya
Basta‘t ako‘y para sa iyo
At akin ka

Pagka't mahal kita
Walang iba
Ikaw ang nais na laging makasama
Walang kasing saya
Aking nadarama
Sa bawat sandaling
Kapiling ka

Bawat halik at yakap mo
Parang malulunod ako
Sa labis na kasiyahan na dulot mo
Ngayong kasama na kita
Ayoko ng malayo ka ♪

- - - - - PAGKAT MAHAL KITA BY BUGOY DRILON

“Good morning! Gising ka na pala!” Bungad na pagbati niya sabay kuha sa one bouquet of red roses sa may mesa na pinasadyang nilagay doon tsaka napalibutan pa ito ng mga petals ng white and red roses,nilapitan ako na ngayon ay tulala pa rin sa kakaibang porma niya. Naka-polo shirt siya ng kulay puti at nakamaong na pantalon tapos messy hair pa s’ya na nakakadagdag sa kanyang kaguwapuhan.

Binigay niya sa akin ‘yung hawak niyang one bouquet of red roses.

“For you!”Wika niya sabay ngiti ulit dahilan para matauhan ako at magpasalamat sa kanya.

“Halika,magbreak fast ka muna!” Pag-anyaya niya sa akin sabay lahad sa kanyang kanang kamay at itinaas ang kaliwa niyang kamay na seneyasan sina Sandra at Fee na ilabas na rito ang pagkaing niluto niya,agad naman tumugon sa kanya ang mga katulong. Ganun din ako humawak ako sa kanyang kamay niya upang alalayan akong pumunta sa may upuan at pinaupo ako.

Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang aking nararamdaman ngayon magkahalong kilig at saya dahil sa sorpresa at effort na ginawa niya,at may halo ding hiya sa aking nararamdaman bukod kasi sa first time mangyari sa amin ito ay ‘yung kasuotan kong besteda na pantulog ang suot ko na hindi bagay sa pormahan niyang polo shirt at pantalon na maong.

Para mawala ang hiyang nararamdaman ko ngayon at maiwasang mapatingin sa kanya ay napapalingon ako sa paligid na siyang ikinapansin niya sa akin.

“Hi––hinahanap mo ba sila Mama,Papa at Aila?”Tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya na kasalukuyang nilalagyan niya ng pancake ang plato ko.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon