Third Person's POV
Makalipas ang ilang minuto, hindi namalayan ni Levy na nakaidlip na pala at nakaupo habang nakasandal sa dingding na kawayan ng bahay kubo na medyo sira sira na. Habang si Aijay nakatayo pa rin at pinapatila ang ulan..
At tulad ng dati nagkaroon na naman ng panaginip si Levy tungkol sa kanila ni Aijay,
------ --- ---- ---
“Oh, teka! Anong...ginagawa mo?B-bakit ka naghu-huhubad sa harapan ko?” tanong ni Levy habang nakatingin ng masama at tinuro niya si Aijay, napatulala ang dalaga nang lumingon sa kanya ang binata at nilapitan s'ya nito. “Gosh! Ang hot at ang yummy ng katawan niya...may 6 packed of abs siya, oopps...Levy, distracted ka na sa abs niya. Kaya erase, erase, erase sa iniisip mo.” Bulong ni Levy sa kanyang sarili at natauhan s'ya nang hawakan ni Aijay ang kanyang kamay na nakaturo sa binata.
Tumingin siya sa mga mata niya,
“bakit? Ayaw mo bang makita ang hubog ng katawan ko?” Malanding wika at ngumisi ang binata sa kanya. Unti-unti siyang gumagapang papalapit sa kinauupuan ni Levy, samantalang hindi naman ito makagalaw paatras kasi nasa likuran na niya 'yung kawayan na dingding ng bahay kubo na medyo sira sira na. Pipikit na lang sana s'ya dahil alam niyang sa mga oras na 'yun ay plano na niya s'yang halikan sa labi nitong si Aijay, ngunit bigla s'yang napasigaw dahil sa kakaibang anyo na nasa likuran ng binata ang nakita niya na akmang puputulin nito ang leeg ni Aijay.----
"Aaaaahhhhh.. demonyo." sigaw ni Levy kasabay nito ang pagmulat ng kanyang mga mata at hingal na hingal ito. Samantalang napatingin sa gulat sa kanya si Aijay na abalang inaayos ang mga dahon ng saging sa may kawayan na sahig.
"Anong nangyayari sa'yo? Anong demonyo? Tsk," tanong ng binata sa kanya at napamewang.
Kinusot kusot muna ni Levy ang mga mata niya bago ito nagsalita, "ahm, wala! Na—nanaginip lang ako...teka! Anong...anong oras na ba?!" Nauutal nitong tugon.
"Aba! Malay ko, ikaw itong may cellphone riyan..naiwan ko ang cellphone ko sa camp. Wala rin akong relo, hindi ko naman fashion ang pagrerelo," mahinahon namang sagot ni Aijay at napasandal sa isang haligi na punong kahoy sa tabi niya at tumingala ulit sa langit, napatingala rin si Levy. Kung sabagay tama siya si Levy lamang ang may dalang cellphone sa kanila.
Medyo dumidilim na ang paligid kaya agad niyang tiningnan ang orasan sa cellphone niya. 5:00 pm kung ganoon mag-tatatlong oras na pala silang nakahiwalay o nakalayo sa camp at hanggang ngayon hindi pa rin tumitila ang ulan, nanlalamig na rin s'ya dahil sa sobrang lakas ng ulan at hangin. Kahit pa may jacket s'ya wala ng silbi ito sa mga oras na ito kasi basa na ito.
"Tila nilalamig ka?" tanong ni Aijay sa kanya, nakatayo at nakasandal pa rin sa haligi ng punong kahoy na nakalingon sa kanya.
"Ah..ahm med––" hindi na nakasagot si Levy kay Aijay kasi tila nahalata ng binata na nilalamig s'ya, kaya agad s’yang ngumisi at nagsalita.
"Tsk..mas lalo ka lang lalamigin kapag pinanatili mo ang suot mong basang jacket na nakabalot d'yan sa katawan mo, buti pa tanggalin mo na iyan at patuyuin mo," suhestiyon niya kaya napahawak si Levy sa jacket niya at nag-aalangang tanggalin ito, "paano kung nililinlang lang niya ako? Baka gusto lang niya makita ang makinis kong balat, feeling..ewan ko sa iyo Levy! makinis na balat talaga?!" bulong niya sa kanyang sarili't hindi niya namamalayang nakangiti s'yang paulit ulit niyang tinitingnan ang binata ng pababa at pataas.
"Kung sabagay, ikaw nga itong hubad d'yan at wala akong makitang senyales na nilalamig kasi...kasi nga alam mong hot na hot ka, ahay!" Bulong pa niya sa kanyang sarili't tila narinig siya ni Aijay.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
RomancePaano kaya kung 'yung napapanaginipan mo ay kasalukuyan na palang nangyayari ito sayo? Ano kaya ang gagawin mo kapag nangyari 'yun? Makakaya mo kaya itong tanggapin?