Levy Rose's POV
Ngayon ay nasa bahay na ako at ipinaalam ko na rin kina Mommy at Daddy kung ano ang plano ko at pinayagan naman nila ako,kaya within 5 days pupunta na ako sa Canada upang doon simulan ulit ang pangarap kong nasira at upang makalimutan na rin ang nangyari sa akin dito sa Pilipinas..
Ngayon ay narito na ako sa Canada,nakitira ako sa pinsan ni Mommy na si Tita Cora. Bali, back to zero ako ngayon magsisimula ako sa unang taon ng pag-aaral ng college dito. Mahirap man ngunit kakayanin ko.
Limang taon akong nanatili dito nang walang communication kina Aijay at dahil sa limang taon na ‘yun ay hindi ko natunghayan ang bawat pagcelebrate ng kaarawan ni Aila. At sa limang taon na pananatili ko dito, alam kong handa na akong bumalik sa Pilipinas at harapin ang iniwan kong buhay lalo na ang pagiging ina ni Aila at asawa ni Aijay.
Kaya naman pagkatapos ng limang taon ay babalik na ako sa Pilipinas ngunit hindi alam nila Aijay ang tungkol dito dahil ang gusto ko..ako mismo ang pupunta sa kanila kapag handang handa na ako katulad ng sinabi ni Mama Martina noon, kaya ang tanging nakakaalam lamang sa aking pagbabalik ay ang tunay kong pamilya lamang.
Kakababa ko palang sa eroplano ay agad ko nang napansin sina Mommy at Daddy kasama si Kuya,Kiara at Manang Lucila. Kaya naman agad akong pumaroon sa kanila ngunit napansin na rin ako ni Kiara dahilan upang agad siyang tumakbo para salubungin ako na agad naman siyang sinundan ni Kuya, ganun din sila Manang Lucila, Mommy at Daddy na masayang masaya na nakita ako.
Agad akong sinalubong ng yakap ni Kiara,hay naku!talaga namang itong babaeng ito.. hindi pa rin nagbabago,kung gaano niya ako kagigil yakapin noon ay ganitong ganito pa rin siya hanggang ngayon..mas nauna pa talaga siyang gumawa noon kesa kay Kuya.
“Kumusta?Ang ganda at ang fresh na fresh mong tingnan,best!” Bungad niyang tugon at papuri sa akin na napapatalon pa sa pagkakayakap sa akin.“I miss you so much, best!” Patuloy pa niya na masayang masaya tsaka siya kumawala sa pagkakayakap sa akin.
“I miss you too,best!tulad ng sabi mo blooming pa rin haha.”Pagbibiro ko.“Kumusta ka rin?!”Masigla kong tanong.
“Heto in love na in love pa rin ang bestfriend mo!” Pabebe niyang tugon sabay tingin kay Kuya na noon ay kakarating palang sa kinatatayuan namin ni Kiara.
“Kuya!”Tawag ko kay Kuya tsaka kami nagyakapan habang sila Manang Lucila, Mommy at Daddy ay malayo pa sila sa amin,kaya naman
binaling ko ulit ang atensyon kay Kiara habang inaantay sila.“Ahem,talaga?in love pa rin ang bestfriend ko sa Kuya ko?! O should I say in love na in love pa rin talaga ang soon to be my sister in law ko sa Kuya ko?!”Pang-asar ko at napangisi ako habang tinitingnan ko silang dalawa.
“What do you mean,best?Anong soon to be my sister in law ka diyan,best?!” Pagtatakang tugon niya sabay nameywang, samantalang si Kuya naman ay tila hindi mapakali na pangiti ngiti lang at napapakamot sa ulo.
“Bakit? Hindi ba? Malay ko ba na saloob ng limang taon na pagkawala ko rito sa Pilipinas ay nagproposed na sa‘yo si Kuya nang hindi ko nalalaman? You know naman..na busy ako sa Canada kaya hindi ako masyadong nakikipagcommunicate sa inyo dito!”Pangangantyaw ko sa kanila.
“Tama ka,apat na taon na kami ng Kuya mo bilang magjowa pero hanggang ngayon hindi pa siya nagproproposed,ewan ko ba sa kanya..tila wala siyang balak akong pakasalan,” pasaring ni Kiara tsaka siya nagcrossed arms dahilan para matawa ako,akalain mo iyon isang taong niligawan siya ni Kuya at apat na taon na ring naging sila pero hanggang ngayon hindi pa daw nagyayaya si Kuya ng kasal?Mahaba-habang taon na rin ‘yun ah..
At dahil sa pangangantyaw ko ay biglang napaluhod si Kuya at humarap kay Kiara tsaka may dinukot siya na isang maliit na kahon na kulay pula na nasa bulsa niya.Dahilan para mabigla kami ni Kiara sa kanyang ginawa,ganun din sila Manang Lucila, Mommy at Daddy ay nagulat din dahilan din para mapatigil sila sa paglalakad papunta sa amin.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
Roman d'amourPaano kaya kung 'yung napapanaginipan mo ay kasalukuyan na palang nangyayari ito sayo? Ano kaya ang gagawin mo kapag nangyari 'yun? Makakaya mo kaya itong tanggapin?