Chapter 15

40 2 0
                                    

Third Person 's POV

Nang tumuloy sa paglalakad si Aijay ay siya namang pag-dial ni Kiara sa numero ni Levy upang tawagan ulit niya ito at dun sinagot na siya ng kanyang kaibigan ngunit hindi  nagsasalita si Levy sa kabilang linya,pinakinggan lang siya nito sa mga reklamo niya.

“Kuya John!” Sigaw ni Aijay ngunit hindi s’ya niyo pinansin na tuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa mapatigil ito dahil binati siya ng nakasalubong niyang guro dahilan upang magkaroon ng pagkakataon para makausap siya ni Aijay.

At nang makalapit na si Aijay kay John binati rin siya ng gurong bumati kay John at nang iniwan na sila ng guro.

“Kuya John!” Sambit ulit ni Aijay sabay hawak sa balikat ni John dahilan para mainis at alisin niya ang kamay nito sa kanyang balikat.

“Pwede ba..‘wag kang umasta d’yan na parang walang nangyari kagabi!Kaya kung maaari habang kaya ko pang magtimpi sa galit ko sa iyo ay lumayo layo ka sa akin.”Inis na tugon ni John kay Aijay na tatangkain na niyang iwan ito ngunit biglang nagsalita ulit si Aijay.

“Kaya nga ,Kuya John! Narito ako sa harapan mo upang humingi ng tawad sa nagawa ko..”seryosong paghingi ni Aijay ng tawad kay John.

“Bakit,ha?!Sa tingin mo maibabalik mo ba sa kanya ang bagay na nawala sa kanya para lang sa paghingi mo ng tawad?!” Tanong ni John habang nanlilisik ang mga mata niya dahil sa galit.

“Ngunit Kuya..pinagsisihan kong nangyari ‘yun..hindi ko nga akalain na magagawa ko ‘yun!”Dagdag pa ni Aijay.

At dahil dun hindi na napigilan ni John ang kanyang sariling masuntok niya si Aijay,
dahilan din upang magulat ang mga tao sa paligid nila.

“Omg!!si Aijay best!Sinuntok ni Kuya John!” Sigaw ni Kiara sa na kasalakuyan pa ring kausap si Levy sa kabilang linya't napatakbo papunta kina John na ngayon ay inaawat na niya..

“Walang hiya ka,Aijay!!Itinuring pa naman kitang kapatid tapos ganun lang gagawin mo!!Ang sabihin mo sinadya mo talagang gawin iyon kaya ‘wag kang magpanggap na hindi mo sinasadya iyon!!”Galit na sigaw ni John habang binubugbog si Aijay na naririnig ni Levy sa kabilang linya dahil nga hindi pa s’ya pinatayan ng tawag ni Kiara at ganun din siya.

Anong nangyayari sa kanila?!”

Ano daw? Hindi sinasadya ang mga nangyari?!”

Ano kayang pinag-aawayan nila?!”

Mga iba't ibang tanong ng mga tao na  naririnig ni Levy mula sa kabilang linya.Habang naririnig niya ang mga iyon,napahawak s’ya ng mahigpit sa basong hawak niya na may lamang gatas at agad niya itonng inubos tsaka niya ito ibinato sa sahig at siya‘y nagsisigaw.

At dahil naman dun narinig naman ni Kiara ang kanyang sigaw sa kanyang cellphone na hawak niya na nasa tapat ng dibdib niya,kaya agad niyang itinapat ulit sa kanyang tenga.

“Ah..he-hello best!Anong nangyayari sa iyo dyan?!Hello!Nag-aalala ka siguro sa kanila ..don't worry best!naawat na si Kuya John ng Guwardiya dito sa school,” pag-aalalang sambit niya na akala niya nag-aalala din si Levy kina John at Aijay.“Hello best!Magsalita ka naman oh!Asan ka na ba?!On the way ka na ba? ‘Wag mo naman akong parusahan ng ganito dahil lang sa hindi ko pagreply sa text mo kahapon,”dagdag pa niya ngunit hindi na siya sinasagot ni Levy dahil kasalukuyang siyang umiiyak sa isang sulok ng kanyang kwarto.


Mag-8:30 am na kaya hindi na naantay ni Kiara si Levy at pumunta na sa classroom ng first subject nila ngayon. At nang matapos na ang first subject nila ay agad hinabol ni Kiara si Aijay na palabas sa classroom.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon