Chapter 5

67 3 5
                                    

Levy Rose's POV

Sa loob ng classroom, nagkatotoo ang ninanais ni Kiara sa seating arrangement namin. Magkatabi sila ni Aijay ng upuan sa harapan, samantalang ako nasa ikaapat na row sa likuran.

Habang inaayos ni Mrs. Samonte ang seating arrangement namin ay napalingon sa akin si Kiara na halatang kinikilig habang palihim na itinuturo si Aijay, nakakunot noo na lamang ako at nangalumbaba na tiningnan siya o sila.

"Ok class! Ngayon tapos na ang seating arrangement niyo ay simulan na natin ang lesson natin. By the way, nakalimutan kong magpakilala. I am Mrs. Erin Samonte, I am your–––" natigilan sa pagsasalita si Mrs. Samonte nang mapansin niya si Kiara na sa akin pa rin nakatingin.

"Ms. " sabi ni Mrs. Samonte at pinalo ang desk ni Kiara.

"Ay, Ms. Carlos!" Halos mapatalon sa gulat si Kiara na lumingon sa harapan, pinagtawanan naman namin s'ya.

"Face on me!" galit na sabi ni Mrs. Samonte.

"So-sorry po Ma'am!" sabi ni Kiara at nag peace sign.

Third Person's POV

At nang gumabi..pagkatapos gawin ni Levy ang mga takdang aralin niya ay natulog na siya at sa kalagitnaan ng kanyang tulog ay nanaginip na naman ito.

Heto ang pangyayari sa panaginip niya, sila raw ni Aijay ang magkatabi sa seating arrangement ni Mrs. Samonte. Habang nagsusulat sa whiteboard si Mrs. Samonte ay pasimpleng may inabot sa si Aijay kay Levy. Maliit na piraso ng papel ito at agad naman niya itong kinuha tsaka tiningnan niya ang binata na nginitian lang s'ya..

"Hi!" Laman ng sulat niya, tiningnan niya ulit ang binata tsaka s'ya nagsulat ng isasagot niya rin sa kanya sa may likuran ng papel na ibinigay sa kaniya.

Pasimple rin niyang iniabot sa binata ang papel. "Hi, din!" Ang nakasaad sa sulat, at nang mabasa ni Aijay 'yun ay ngumiti na naman ito, samantalang si Levy tuloy sa pangongopya sa sinusulat ni Mrs. Samonte sa whiteboard.

Muling nag-abot ng papel ang binata kay Levy, "I'm Aijay Buencamino. 18 years old, a basketball player and I'm a son of Mr. Marco Buencamino 'yung sikat na basketball player sa ating bansa.” 'Yan ang laman ng kanyang sulat.

"I'm Levy Rose Monte. 18 years old, wala akong sports. I'm a daughter of Governor of our province San Felipe and the Mayor of this town Santa Ignacia." Sagot naman sa kanya ni Levy.

"Kumusta naman status mo? Single ka ba? Kasi ako single. :)Halos abot tenga ang ngiti ni Aijay habang binabasa ni Levy ang mensaheng ito mula sa binata.

Napakamot ng ulo si Levy at palihim na ngumiti bago niya sagutin ang tanong sa kanya.

"Yup, I'm a single! :-)"

"Kung ganun, maari bang makipagkaibigan sa iyo?" tanong pa ng binata sa kanya na agad naman nitong pumayag.

Grabe ang panaginip ni Levy...halos araw araw na lang si Aijay o dalawa sila ang laman ng mga panaginip niya, kumbaga kong anong nangyari sa totoong buhay kinokontra ng panaginip niya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ganoon, kahit hindi naman niya ito iniisip, siya pa rin ang nilalaman ng panaginip niya. Halos mainis na nga ito, iyong taong kinaiinisan niya pa ay laging nasa panaginip niya at ang sweet pa nila.

Levy Rose's POV

"Hays, ayaw ko na ng ganito!" Bulyaw ko't napadabog na ipinatong sa mesa 'yung mga librong hawak ko, kasi naman sobra na akong naiinis sa nangyayari sa akin tuwing gabi kaya ayon nanggigil ako. Nagulat tuloy sa akin si Kiara sa aking inasta at pinagtinginan ako ng mga tao na sa library.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon