Chapter 3

82 2 2
                                    

Third Person 's POV

At sa kalagitnaan ng tulog ni Levy, napanaginipan niya 'yung pakikipag-usap niya kay Aijay sa messenger pero may naidagdag. Kung kagabi hindi niya na inantay 'yung kanyang reply nang magpaalam siya sa kanya ngunit dito sa panaginip niya inantay niya at ang laman lang naman ng reply sa kanya ni Aijay ay kiss emoticon na labis naman niyang ikinagulat, nang dahil sa panaginip niya'y nag-sleep talk siya.

"Ha?! Bakit kiss? Ano 'yun, goodnight kiss?" Paulit ulit na tanong ni Levy habang siya'y tulog pa hanggang sa mapatigil siya sa pagsasalita nang may maramdaman siyang dumampi sa kanyang mga labi, unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagulat siya sa kanyang nakita. Kaya agad siyang bumangon at napasigaw na parang nakakita ng ipis.

"Wahhh, Kuyaaaaaaaaa!!ahhh!!" Inis na sigaw niya at kumaripas ng takbo papunta sa cr ng kanyang kwarto.

Samantala si John nama'y tawang tawa...mas lalo pang nainis si Levy.

"Kuya, grabe ka!! 'yung first kiss ko kay Doddie napunta! Para 'yun sa future husband ko eh, uhrggg." Inis na inis niyang sigaw habang sinasabunan ang kanyang labi.

"Hahaha, ano bang inaarte arte mo dyan? Eh hinahalikan mo naman siya dati pa ah!" Tawang tawa sabi naman ni John.

"Oo, alam ko naman 'yun Kuya. Pero ako 'yung humahalik sa kanya at hindi siya 'yung humahalik sa akin." Pangangatwiran ni Levy.

Teka nga, sino ba si Doddie?

Isa lang naman siyang shih tzu na cute na asong iniregalo kay Levy na galing kay Kiara, pero madalas sa kwarto ni John siya natutulog kumbaga parang inangkin na ni John si Doddie feeling niya sa kanya iniregalo ni Kiara.


Levy Rose's POV

"Eh, bakit ka naman kasi nag-i-sleep talk? Ano 'yung tinutukoy mong kiss?goodnight kiss?! Ano 'yun ha, Levy?Aminin mo nga siguro matagal ka nang may boyfriend 'nu?" Kahit nasa cr ako't hindi ko s'ya makita ay ramdam ang pagiging seryoso ng boses ni Kuya.

Nagulat ako sa tanong niya kaya lumabas ako ng cr na ngayon ay nakita ko s'yang nakaupo sa dulo ng aking kama habang kandong niya so Doddie, "kiss?! Go-goodnight kiss?" Tutal kong tanong na hindi ko maalala kung anong panaginip na 'yun.

"Oo, gusto mo sabihin ko kila Mommy at Daddy ang tungkol doon?" Blackmail na naman niya ako.

"Sige, Kuya! Sabihin mo sa kanila...nang malaman din ni Kiara na may gusto ka sa kanya." Pang-bla-blackmail ko rin sa kanya, akala mo ha Kuya. Hahaha, maaring nagtataka ka kung bakit kahinaan ni Kuya ang bagay na 'yun? Kasi ayaw niyang umiwas si Kiara sa kanya 'pag nalaman ni Kiara ang tungkol sa damdamin ni Kuya para sa kanya.

"Hay, Naku! Ok fine. But don't tell me sa sobrang pagmamahal mo sa bf mo eh pati sa panaginip mo nakikita mo siya?" Taas kilay na tanong ulit ni Kuya, hindi ko alam kung anong sasabihin o isasagot ko hanggang sa mapansin ko 'yung t.v. na malapit lang sa pintuan ng cr.

"Ah...hi-hindi...hindi ah Kuya!" Utal utal kong pangangatwiran tsaka ko itinuro 'yung tv.

"Iyong pinapanood kong korean drama kagabi...may eksena kasing nag-goodnight kiss 'yung lalaki...si..si..si," nag-iisip pa ako ng pangalan. "Lee..Lee Min Ho. Oo! Si Lee Min Ho nga 'yung bidang lalaki, kilala mo 'yun di 'ba Kuya? Nanonood ka nga noon sa kanyang korean drama na pinalabas din sa tv, 'yung the city hunter yata iyon, naalala mo 'yun?" Pagsisinungaling ko habang inaalala pa rin 'yung panaginip ko. Ano ba kasi iyon?

Pero tila hindi naniwala si Kuya, "oh, oo alam ko 'yung tinutukoy mong lalaking si Lee Min Ho pero 'yung babaeng kapartner niya, sino 'yun?" Ayaw ako tantanan, aba investigator ang peg huh?

"Ah..eh..hin-hindi ko alam pangalan niya she's not familiar to me, kasi doon ko pa lang siya nakita..sa kdramang iyon." Pagsisinungaling kong sagot, nakakainis talaga siya..urhhg

Hanggang sa pumasok sa aking kwarto si Daddy.

"Oh, anong nangyayari dito? Bakit kayo nagsisigaw?" Seryosong tanong ni Daddy sa amin.

"Si Kuya po kasi Dad pinagtripan na naman ako," painosente kong sagot sabay pouty lips.

"Ano na naman bang ginawa mo John?" Seryosong tanong ni Daddy at napamewang.

"Naku, wala po 'yun Dad! Maniwala ka naman po dyan," pagsisinungaling naman ni Kuya, grabe siya!

"Oh, siya! Sumunod na kayo sa ibaba nang makakain na tayo. First day of classes niyo pa naman ngayon, sige na!" tugon ni Daddy at tuluyan na niya kaming iniwan ni Kuya sa asking kwarto. Gigil ko namang sinamaan ng tingin si Kuya tsaka ko s'ya seninyasan ng aking kamao na nagsasabing may-araw-ka-rin-sa- akin-Kuya.

Oh heto na kami nasa hapag kainan na...pero habang kumakain kami parang wala ako sa sarili sa kadahilanang inaalala ko pa rin ang napanaginipan ko.

"Ano ba kasi 'yun?" Paulit ulit kong binubulong sa aking sarili.

"John, balita ko may bagong lipat sa school niyo na isa ring basketball player sa dati niyang school. Heto raw ay 'yung anak ng sikat ding basketball player sa ating bansa na si Marco Buencamino--" panimulang tanong ni Daddy na natigilan dahil sa bigla kong nabitiwanan ang hawak kong kutsara't tinidor at napabulyaw.

"Ha-" Napatakip agad ako sa aking mga labi nang mapansing napatingin sila sa akin.

"Levy, what's wrong?" Taas kilay na tanong ni Daddy sa akin at hindi matanggal ang tingin nilang tatlo sa akin. Gosh!

Bago ko sinagot si Daddy ay uminom muna ako ng tubig, "kasi...Dad! Siya nga. Oo may bagong lipat nga sa school namin...nabanggit sa akin iyan ni Kiara kahapon," pagsisinungaling ko dahil hindi naman kasi iyon 'yung dahilan ng pagka-over react ko kanina.

"Tsk, ang o.a. mo Levy, para 'yun lang pala kung makareact ka wagas." Pang-asar ni Kuya kaya't tinitigan ko siya ng masama.

"So kung ganoon may posibilidad na maging teammate mo pala siya anak?" Nakangiting tanong ni Mommy kay Kuya.

"Well, hindi na masama 'pag nangyari 'yun Mom!" sagot agad naman ni Kuya tsaka siya uminom ng tubig.

Kararating lang namin ni Kuya sa paaralan.

"Oh, paano? Behave ka ha, 'wag magpapaligaw o maglalandi.. kita na lang tayo mamaya sa parking lot," paalalang sabi ni Kuya sa akin habang inaalalayan niya akong bumaba sa sasakyan.

"Opo Papa este Kuya pala. Hehe," biro ko kay Kuya na agad namang ginulo ang buhok ko.

"Ikaw talaga ha!" Angal niya't napapailing.

"Ano ba...'wag mong guluhin buhok ko," angal ko rin na inirapan siya.

"Oh, siya! Maiwan na nga lang kita dito...alam ko naman aantayin mo pa si Kiara!" Paalam ni Kuya tsaka niya pinaandar ang kotse niya't tuluyan na niya akong iniwan na ngayon ay patungo na s'ya sa parking lot.

-,-

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon