Third Person's POV
Paano nga bang nangyari iyon,na ang pinapanaginip pala ni Levy ay totoo nang nangyayari ito?
Dahil sa inis niya kanina hindi na nga nailock ang pintuan ng kwarto niya, dahilan para makapasok si Aijay at habang papasok siya sa kanyang kwarto doon na nagsimula ang kanyang panaginip na nagtanong ito kung anong ginagawa ng binata sa kanyang kwarto?Sleep talk ang tawag doon, inakala siguro ng binata ay kausap s’ya ng dalaga sa mga oras na iyon.Hanggang sa hinalikan na nga niya ang dalaga at nasambit niya ang mga salitang ito.
“Alam mo bang nag-init ang katawan ko sa iyo ng nasa gubat tayo ?Ngunit sadyang pinilit kong pigilan ang sarili ko dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ng Kuya mo at may respeto ako sa iyo ngunit ngayon..hindi ko na talaga kaya...hindi ko na talaga mapigilan pa sarili ang ko lalo't hindi ako kuntento sa performance ng bayarang babaeng kasama ko,” totoong nakaramdam nga daw siya ng init ng katawan nung araw na iyon ,noong nasa gubat sila at naramdaman nga ito ni Levy sa mga halik niya sa pagnanasa niya nito kanina na akala naman ng dalaga na panaginip lamang ito.At talagang pakay niyang gawin ito nung nasa gubat sila ang ginawa niya sa dalaga. Hindi sana niya itutuloy ‘yun ngunit naramdaman niyang gumanti sa kanyang halik si Levy na inakala nga ng dalaga na isang panaginip lamang ito. At habang nangyayari ang mga ‘yun,ang alam naman niyang kahalikan ay ‘yung Diana na bayarang babae,dahil nga tumalab na sa kanya ang alak na ininom nila kumbaga na-blanko ang isip,epekto ng alak sa katawan.
At dahil pa rin sa pangyayari kagabi,kinaumagahan nagmukmok si Levy sa kanyang kwarto at dinaramdam pa rin ang nangyari..
“Bakit kasi?Bakit ko hinayaan ang sarili kong ipagpatuloy ang kalaswaang panaginip ko na iyon?Pwede namang maputol iyon kung iminulat ko agad ang mga mata ko at dahil dun, nangyari ang hindi dapat mangyari,” mga katagang kanyang iniisip habang lumuluha na nakatulala sa may bintana.
“Anak...naiintindihan kita kung...hindi ka papasok sa school ngunit..anak,pakiusap kumain ka muna saglit!”Sambit ni Mayora habang kumakatok sa kanyang kwarto,lumingon lang siya sa pintuan at tsaka binaling ulit ang tingin sa labas.
Sa may kusina, “oh, ano?!Hindi mo pa rin siya nakumbinsi na lumabas upang kumain?”Tanong ni Gov. kay Mayora,malungkot at umiling na sumagot sa kanya ang kanyang asawa.
Napatingin naman sila kay John na paparoon sa kanila,agad tumayo si Gov. sa kaniyang kinauupuan at tsaka niya sinampal ng malakas si John dahilan para magulat sina Mayora at Manang Lucila na kasalukuyan inihahanda ang almusal.
Agad ring napatayo si Mayora sa kanyang kinauupuan ,“Hon!”Pagsuway niya kay Gov.
“Dad!”Wika ni John sabay himas sa kanyang pisngi na sinampal ni Gov. na sobrang namumula.
“Hindi pa kita nakakausap ng masinsinan magmula sa mga nangyari kagabi!Anong kalokohan ang ginawa mo kagabi? Bakit mo dinala dito ang mga kabarkada mo at ang mga kasamahan niyong mga babae na tila sila ay bayaran?At nag-inuman pa kayo?!!” Galit na tanong ni Gov. kay John.
Napayuko naman ang binata,“nagcelebrate lang po kami sa pagkapanalo namin sa basketball kahapon..” pangatwirang paliwanag na sagot niya.
“Nagcelebrate?!At dito niyo pa talaga naisipang gawin iyon?Hindi dahil wala kaming dalawa ng Mommy niyo rito ay pwede niyo nang gawin ang mga nais niyong gawin!!Tignan mo ang ginawa mo..Dahil sa iyo napahamak ang kapatid mo!!”Galit na sigaw ni Gov.
“Iyon na nga po Daddy eh,kung nandito kayo hindi sana nangyari ito...kung hindi dahil sa pagpasok niyo sa politika hindi ko sana magagawa ito, na dalhin ang mga kabarkada ko dito sa bahay dahil sa sobrang pagkatampo ko sa inyo na hindi niyo man lang kayang i-cancel ang appointment ninyo. Oo Dad!I understand naman eh,na gusto niyong pagsilbihan ang mga mamayan ngunit Dad...paano naman po kami?!Kailan niyo pa ba kami mabibigyan ng oras?Kailan niyo pa ba mabibigyan ng oras ang ating pamilya?!” Galit at maluluhang sabi ni John tsaka niya iniwan sina Mayora at Gov. sa Dining Room.
![](https://img.wattpad.com/cover/128958867-288-k694746.jpg)
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
RomancePaano kaya kung 'yung napapanaginipan mo ay kasalukuyan na palang nangyayari ito sayo? Ano kaya ang gagawin mo kapag nangyari 'yun? Makakaya mo kaya itong tanggapin?