Chapter 17

39 2 1
                                    

Levy Rose's POV

Paano ko ba sisimulan ang buhay ko ngayong may dala dala akong bata sa sinapupunan ko?! Gusto ko tuloy ipalaglag ang bata ngunit hindi ko kaya dahil kasalanan ito sa panginoon,nabuo man s’ya nang hindi sinasadya karapatan pa rin niyang mabuhay.Hindi ko na talaga kaya ang mga nangyayari sa akin ngayon para akong mababaliw.

Tatlong araw ang nakalipas buhat nang malaman kong buntis ako at hindi pumasok sa paaralan,dinalaw ako ni Kiara sa bahay ngunit tila wala ako sa sarili nung mga oras na iyon matapos akong dalhan ni Manang Lucila ng pagkain sa aking kwarto.

“Hija!Heto na ang iyong pananghalian,nilutuan kita ng pritong karne ng baboy at may mainit ka na ring sabaw dito!”Wika ni Manang Lucila,kasalukuyan akong nakadungaw sa bintana ng aking kwarto na nagbabalak tumalon kasi second floor ang kinaroroonan ng aking kwarto eh.

Napalingon naman ako kay Manang Lucila at napansin ko ‘yung kutsilyo na nasa tray katabi ng baso na may lamang tubig, “ ‘nak ilalapag ko na lang ito sa iyong study table,ha!kumain ka na pakiusap!Ubusin mo ito.” Utos at pakiusap pa niya sa akin ngunit hindi pa rin ako umiimik pero nakatingin pa rin ako sa may kutsilyo.

Tuluyan na akong iniwan ni Manang Lucila sa loob ng aking kwarto matapos niyang ihatid ang pagkain ko,at nang pababa  na s’ya sa hagdan bumungad sa kanya si Kiara na kakaupo lang sa sofa..bale si Manang Lucila lang ang kasama ko ngayon dito maliban sa mga ibang kasambahay at guards namin,may meeting kasi ngayon sila Mommy at Daddy sa provincial office samantalang si Kuya nasa school.At ngayon narito si Kiara upang ibahagi sa akin ang pinag-aralan nila kahapon katulad nung mga araw na hindi ako pumapasok sa paaralan matapos ang pangyayari sa amin noon ni Aijay.

“Oh,Hija!Akala ko ba mamayang hapon ka pa pupunta dito?” Tanong ni Manang Lucila habang pababa pa rin sa hagdan.

“Eh,tenext po kasi ako ni Kuya John na puntahan ko na daw po si Levy ngayon dahil nga po sa may meeting sila Tito at Tita,at si Kuya John naman may pasok.Don't worry po..wala po akong pasok ngayon!” Magiliw na sagot ni Kiara kay Manang Lucila.

“Ahy,ganun ba Hija?!Kung sabagay tamang tama,kagigising lang niya..kung gusto mo puntahan mo na lang siya sa itaas,”saad naman ni Manang Lucila na sa wakas nakababa na sa hagdan,medyo mataas kasi ang hagdan namin mga 12 palapag siguro ito tapos ang bagal pa bumaba si Manang Lucila.hehehe

“Oh sige Manang!” Ngumiti si Kiara na sumagot kay Manang Lucila,paakyat na sana si Kiara ngunit pinigilan siya ni Manang Lucila sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso dahilan para magulat at mapalingon s’ya kay Manang Lucila.

“Ah..Hija!Kung maaari lang sana pakiusapan mo siyang kumain ha?!” Pakiusap ni Manang Lucila kay Kiara, “halos tatlong araw na rin siyang hindi kumakain!Tanging gatas at tubig lang ang ginagalaw niya kapag binibigyan ko siya ng pagkain..makakaapekto ito sa batang dinadala niya!” Malungkot na sabi ni Manang Lucila na halatang nag-aalala s’ya sa kalagayan naming mag-ina ngayon.

Hinawakan naman ni Kiara ang kamay ni Manang Lucila na nakahawak rin ngayon sa braso niya ,“sige po,Manang!‘Wag po kayong mag-alala..ako na po ang bahala sa kanya!”Tugon ni Kiara tsaka s’ya ngumiti dahilan para mapawi ang pag-aalala ni Manang Lucila sa akin at sa batang dinadala ko.

Nang makarating si Kiara sa kwarto ko hindi s’ya kumatok pa bagkus ay agad niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang sitwasyon ko dahilan para mapasigaw siya.

“Levy!!!!!!!!Anong ginagawa mo?!” Pasigaw na tanong niya at napatakbo siyang lumapit sa akin.“Pakiusap...kung ang binabalak mo ay magpakamatay..‘wag..please!!‘Wag mong gagawin ‘yan!!”Dagdag na sigaw pa niya dahilan para tumakbo sa itaas si Manang Lucila at nang ilang kasambahay namin at guards.

Nakita kasi ako ni Kiara na hawak hawak ko na ngayon ‘yung kutsilyo habang pinagmamasdan ito ng matatalim kong mata. At nang makarating sila Manang Lucila sa kwarto ko napasigaw naman siya  habang inuutusan ako na bitawan ang kutsilyong hawak ko,“anak!!pakiusap!!kung anong pinaplano mo,‘wag mong itutuloy..maawa ka sa batang dinadala mo.. kaya bitawan mo na ‘yan!!”pag-aalalang pakiusap naman niya sa akin dahilan para mapalingon ako sa kanila ni Kiara.

“Levy!!‘wag!!!” Pakiusap naman ni Kiara na napapailing na dahil sa sobrang takot at hindi mapakali.

“Hija!Maawa ka sa batang dinadala mo!Pakiusap!Kailangan niyang mabuhay..” umiiyak na ngayon si Manang Lucila habang nakikiusap sa akin,tiningnan ko sila ng masama.

“Pero hindi ko naman ninais na dumating siya sa buhay ko,kaya mas mabuti pang mawala na lang kaming dalawa sa mundo!” Galit kong sabi na sasaksakin ko na ang tiyan ko ngunit sa kaliwang tagiliran ko ang natamaan dahil tumakbo si Manang Lucila sa tabi ko upang agawin ang kutsilyong hawak ko.

“Levy!!!” Sabay na sigaw nila Manang Lucila at Kiara, yakap yakap nila ako ngayon na wala ng malay.

Ngayon nasa hospital na ako,habang nilalapatan ako ng lunas ay agad tinawagan ni Kiara si Kuya upang ipaalam sa kanya ang ginawa ko,ganun din si Manang Lucila tinawagan din niya sina Mommy at Daddy.... agad naman silang dumating sa hospital,si Kuya ang unang dumating sumunod din sina Mommy at Daddy na kasama ang parents ni Aijay.Oh no!What is the meaning of this?!Concern ba sila sa kalagayan ko at ng batang dinadala ko?!Oo nga pala ano? Apo pala nila ang dinadala ko. Pero sabay sabay talaga silang dumating?

Bale dalawang araw din akong namalagi sa hospital,ok lang naman daw ang batang dinadala ko hindi naman daw s’ya naapektuhan sa pananaksak ko sa aking sarili pero bago kami umuwi tila gusto pa akong sermonan ng Doktor na nag-asikaso sa akin nalaman niya kasing tatlong araw akong hindi kumain nakita kasi niya sa ultrasound na medyo mahina ang paggalaw ng batang nasa tiyan ko,“at dahil hindi naman naapektuhan ang batang dinadala mo Hija!Ay pwede ka ng lumabas sa hospital ngayon,ngunit Hija!Kailangan mong kumain para magkaroon ng resistansya ang iyong magiging anak,.Kung hindi ka kasi kakain manghihina ka ganun din siya at dapat ‘yung mga masusustansiya ha?!”Payo ng Doktor sa akin na hindi ko naman sinasaulo,pasok lang sa kabilang tenga at lalabas din sa kabila kong tenga,tsskk.. “kailangan mong pangalagaan ng mabuti ang batang dinadala mo,unang apo pa naman ata siya nila Gov. At Mayora,” tuloy pa ng Doktor tsaka niya nginitian sina Mommy at Daddy pero hindi umimik ang parents ko bagkus ay ngumiti lang din sila,hay naku! Kung alam mo lang Dok,wala nga akong paki sa kalagayan namin ng batang dinadala ko eh,hindi ko nga ginustong mabuo ito eh.

“Paano po ba iyan,Gov,Mayora!Kayo na lang po ang bahalang magpaalala sa kanya ang mga payo ko sa kanya?!” Tugon ulit ng Doktor.

“Sige po salamat ,Dok!”Tugon ni Mommy.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon