Chapter 6

49 3 3
                                    

Levy Rose's POV

Nakaraan pa ang ilang buwan, ngayon magkakaroon kami ng field trip.

"Oh, Hija mag-ingat ka roon ah..behave ha! Baka porke wala ang Kuya mo sa paligid mo o hindi siya kasama, kung ano ano na ginagawa mo," paalala ni Mommy habang tinutulungan akong mag-impake ng mga dadalhin kong gamit.

Samantalang si Kuya inaayos naman niya ang mga pagkaing babaunin ko habang nagbibiyahe katulad na lamang ng mga chicharon, junk food, biscuits, bottled water and juice,"ingat kayo ni Kiara sa mga boys...kung pwede 'wag kayong lalayo sa mga teachers na kasama niyo." payo naman niya.

"Opo Kuya, Mom! Don't you worry about me.. and also to Kiara Kuya, ako bahala doon," sabi ko sabay kindat kay Kuya at nginitian ko pa siya nang nakakaloka dahilan para guluhin niya ang buhok ko.

"Ikaw talaga!" Pang-asar naman sa akin ni Kuya.

"So ano pa ba ang sasabihin ko eh tila nasabi na nila lahat, magtext o tumawag ka na lang sa amin kung nakarating na kayo doon at kapag pauwi na kayo pabalik dito." sabi naman ni Daddy na kararating lang at papasok sa aking kwarto na agad naman akong umu-oo.

Hindi ko alam kung anong ugnayan ng field trip sa course ko, basta ang sabi ng teacher namin bilang isang negosyante o magbubusiness kailangan daw namin itong gawin para maaral daw namin kung saan pwedeng magpatayo ng negosyo at kung anong pwedeng ibenta kumbaga. Ewan basta ganoon ang explanation ng teacher namin...At ang pupuntahan namin ay isa sa mga tourist destination sa Pilipinas.

Ayaw ko sanang pumunta dahil 4 days and 3 nights kaming mag-stay doon. So it means magca-camping kami, kasi sa isang liblib na lugar kami pupunta eh..anytime anywhere pwede kong makasalubong o makatabi si Aijay sa mga activities na gagawin namin lalo na sa gabi unlike sa school eh hindi.. konting oras lang pwede kong makita siya roon, pero ok na 'to makakapag-relax o makakapasyal naman ako kahit papano kasi simula nang pumasok sa politika ang mga parents ko o namin ni Kuya ay hindi na namin nagagawang mamasyal. Gagawa na lang ako ng paraan para makaiwas kay Aijay, sana lang walang group, group activities.


At ngayon narito na kami...

"Wow! Napakaganda naman dito! Ang gandang mag-selfie rito...halika, Levy mag-picture tayo dito." Pag-aya ni Kiara matapos naming bumaba sa bus na excited mag-picture, kaya hinila na ako samantalang hindi pa niya kinukuha ang mga gamit niya.

"Hoy, sandali mga gamit mo kunin mo." Bulyaw ko.

"Oo nga pala," sabi niya sabay akyat ulit sa bus upang kunin ang mga gamit niya.

Tama si Kiara ang ganda ng lugar na ito nasa gitna kami ngayon ng kagubatan na may katabing water falls, qang sarap namang maligo riyan. Ang linaw ng tubig tsaka mababaw lang. Nang papunta kami rito may nakikita na kaming mga nagbebenta sa mga gilid gilid ng kalsada...baka ganoon ang tinutukoy ng teacher namin na aaralin namin habang nandito kami...ewan ko ba diyan sa teacher namin tsk, bahala na.

"Guys, listen! hindi pa talaga rito ang destination para sa pag-bu-business dahil doon talaga ang pinakapupuntahan ng mga turista." Itinuro niya ang isang bundok at nilingon naman namin iyon, medyo malapit na yata mula rito sa naghintuan namin, "na kung saan pwedeng magpatayo ng negosyo doon. But for now mag-stay muna tayo rito at maaring bukas makakarating na tayo roon" Dagdag anunsyo pa  ni Mrs. Samonte, akala ko ba naman dito na iyon tsk, kaya naman pala walang katao tao rito...'yung mga tourist guide lang pero maganda talaga ang lugar na ito.

Habang busy ang lahat sa pag-aayos ng tent, gamit, nag-pi-picture, hetong si Kiara nagyaya.

"Bes, samahan mo nga akong maghanap ng signal para mai-post ko na ang mga pictures natin..tara!" Hinila agad ako.

"Wait! Pwedeng pag-uwi na lang natin mo 'yan i-post? Tumulong muna tayo sa kanilang mag-ayos ng tent," tutol ko sabay turo sa mga kasamahan namin gamit ang nguso ko.

She rolled her eyes, "tsk, kaya na ng mga lalaki 'yan..tara na!" Pagpupumilit niya sa akin.

"Kiara, mag-behave tayo rito. Baka kung saan pa tayo mapadpad, mawawala tayo." Angal ko pa.

Nag-crossed arms at nag-isip, "oh, sige na nga! Tama ka nga, baka mawala lang tayo..aish, masyado na yata akong addict sa social media." Malungkot niyang tugon tsaka niya ako iniwan, sinundan ko na lang siya ng tingin na umupo sa isang tabi at nag-talumbaba habang tinitingnan ang screen ng kanyang cellphone. Samantalang ako, tumulong na ako sa ginagawa ng karamihan...ang pag-aayos ng tent.

Pagkalipas ng ilang minutong pagtulong ko sa mga nag-aayos ng tent at sa pag-aayos ko na rin ng mga gamit namin sa loob ng tent ay lumabas muna ako mula rito tsaka umupo sa isang tabi at nagbasa ng wattpad, aba! Oo mga beshies, mahilig din akong magbasa ng kwento sa wattpad kahit papano kapag may free time ako. At 'yun na nga habang nagbabasa ako may nabasa akong linyang "I call you later!", kaya naalala ko 'yung bilin sa akin ni Daddy na tatawag o mag-te-text ako sa kanila if ever makarating na kami rito. But how can I call them, if there's no signal here? Kaya napatingin ako sa kinauupuan kanina ni Kiara, pero nawala siya.

"Saan kaya 'yun?" tanong ko sa aking sarili, na napapalingon sa kanan at kaliwa...pero hindi ko siya mahagilap, kaya tumayo ako at lumapit sa mga ibang estudyante upang magtanong kung nakita ba nila si Kiara, but sad to say hindi nila nakita. Napa-pouty lips na lang ako sa inis sa kanya.

:)

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon