Third person's POV
"Nasaan na kaya si Levy? Pati si Aijay? Posible kayang magkasama sila ngayon? Oh,no! ‘Di kaya nagtanan na sila? Posible kayang may relasyon na sila at naglilihim lang si Levy? Oh my! Lagot sa akin si Levy, once na malaman kong naglilihim siya...kaya kailangan ko siya o silang mahanap,"
sari saring katanungan at kuro-kuro ni Kiara sa kanyang sarili habang nagmamasid sa labas ng tent nila."Kung hindi kikilos ang mga teachers na kasamahan namin para hanapin sila...pwes, ako ang hahanap sa kanila, sa ayaw o sa gusto nila...kahit mag-isa lang ako, kakayanin ko basta ang importante mahanap ko sila. Kaya kailangan ko silang makita bago pa mag-umaga," lakas loob pa niyang tugon sa kanyang sarili kahit pa delikadong gumala o maglibot sa kagubatan ngayong gabi lalo na't malakas pa ang ulan, kaya nga napagdesisyunan ng mga guro na kasamahan nila na bukas na lang daw nila hahanapin sila Levy Rose at Aijay.
Inihanda na ni Kiara ang kanyang sarili upang hanapin sila Levy at Aijay...sumilip muna ulit siya sa labas ng tent bago umalis, bale mag-8:30 na ng gabi kaya halos lahat ng kasamahan nila ay natutulog na sa kani-kanilang tent.
"Ayos! Tiyak tulog na sila." tuwang sambit ni Kiara sa kanyang sarili. "Ngunit paano ba iyan, saan parte ng gubat na ito ko sila sisimulan hanapin?!" tanong at bulong pa niya sa kanyang sarili sabay kamot sa ulo, "bahala na nga." Sambit pa niya at dahan dahang lumabas sa tent. Nagtagumpay naman siya sa pagtakas sa camp.
Kahit madilim sa paligid at malakas ang ulan at basa na rin siya ay matapang pa rin tinahak ni Kiara ang gubat mahanap lang niya sina Levy at Aijay. Hanggang sa mapansin niya ang bahay kubo kung saan naroon ang dalawa. Dahan dahan naman siyang tumungo sa kinaroroonan ng dalawa, at laking gulat niya sa kanyang nakita ng itapat niya kila Levy at Aijay ang waterproof niyang cellphone na may flashlight.
"Oh..my...g!" takip bibig niyang niyang sambit at nanlaki ang mga mata sa kanyang nakita.
"What is the meaning of this?!" tanong pa niya.
"Hmp...humanda ka sa akin Levy!" Tila ba may binabalak siya. "Kukunan ko kayo ng picture...bilang ebidensya. Hahaha!" Matawa tawa niyang sambit.
“Iyan, isa pang kuha! Hindi kayo makakapagsinungaling sa akin kapag naipakita ko sa inyo ito!" Wika pa niya habang kinukunan niya ng larawan sina Levy at Aijay na ngayon ay masarap ang tulog at wala pa ring kamalay malay ang dalawa hanggang sa niyugyog sila ni Kiara dahilan upang maghiwalay ang dalawa mula sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Ano ba?!" Sabay na reklamo nila Levy at Aijay at sabay din iminulat ang mga mata nila.
"Gumising at bumangon na nga kayong dalawa d'yan habang wala pang ibang nakakakita sa inyong sitwasyon habang tulog!" utos ni Kiara.
"K-kiara?!" Gulat na tanong ni Levy at bumangon.
"Oh! Mag-isa ka lang ba? Nasaan ba ang mga kasamahan nating mga estudyante at guro?" tanong naman ni Aijay na nakahiga pa rin.
Nag-crossed arms naman si Kiara bago nagsalita,"oo mag-isa lang ako. Actually, gusto sana ng mga guro na hanapin kayo ngayon ngunit napagdesisyunan nilang ipagpabukas na lang daw kasi delikadong maghiwahiwalay habang hinahanap kayo sa gubat lalo pa't gabi na at malakas ang ulan..pero ako 'tong naglakas loob na tumakas mula sa ating camp para lang hanapin ko kayo, kasi iba 'yung hinala ko sa pagkawala niyo." Mahaba mahaba niyang paliwanag sabay himas sa kanyang baba. Tumaas Naman ng kulay ang dalawa sa Turan ni Kiara.
"At tama nga ako sa nakita kong sitwasyon ninyo kanina habang tulog!" Pabalik balik tiningnan ni Kiara sina Levy at Aijay.
"Anong pinagsasabi mo? Sitwasyon? Namin? Habang tulog?" Pagtatakang tanong ni Aijay.
![](https://img.wattpad.com/cover/128958867-288-k694746.jpg)
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
RomancePaano kaya kung 'yung napapanaginipan mo ay kasalukuyan na palang nangyayari ito sayo? Ano kaya ang gagawin mo kapag nangyari 'yun? Makakaya mo kaya itong tanggapin?