Levy Rose's POV
Napag-usapan nila na sa darating na Nobyembre trenta ang kasal namin ni Aijay. Ang parents ni Aijay ang siyang puspusang nag-asikaso sa kasal namin. Samantalang hindi naman naitago sa sambayanan ang aming nalalapit na kasal ni Aijay at hindi rin tinigilan ng mga media ang pamilya namin sa pagtatanong kung totoo ba talagang buntis ako,kung kaya't nagpreprepare na kami for our wedding.At doon inamin na ni Daddy na buntis nga ako para daw tigilan na nila kami for that issue dahilan para hindi na ako tuluyan pang pumasok sa paaralan at nakiusap na rin ako kay Kiara na ‘wag na niyang ibahagi pa ang mga lessons nila.
At ngayon two days before our wedding day,gusto ni Tita Martina na magkaroon ako ng bridal shower para mas kapani-paniwala lang na gusto namin ang kasalang magaganap sa amin ni Aijay ngunit hindi ako pumayag..kaya't narito ako ngayon sa terasa sa harap ng bahay at pinagmamasdan ang madilim na kalangitan ngunit mayroong nagkikislapang mga bituin ngunit walang buwan.
“Hija,gabi na..hindi ka pa ba matutulog?!Alam mo namang masama sa iyo ang magpuyat!”Tugon ni Manang Lucila na nasa likuran ko,ngunit hindi ako umimik dahilan para lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. “Siguro iniisip mo ngayon na... dalawang araw na lang magiging Mrs. Buencamino ka na,at hindi ka na maninirahan dito?!” Tanong ni Manang Lucila sa akin dahilan para tuluyan nang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan kasi tama siya and I don't know if how can I handle that...if how can I start my life on being a wife and a soon to be a mother?! Kasi talagang hindi pa ako handa sa sitwasyong ito.
Hindi pa rin ako umiimik dahilan para yakapin ako ni Manang Lucila sa likuran ko,“sigurado ako mamimiss mo ang mga luto ko!?!”Tanong niya tsaka ngumiti.“Hayaan mo,dadalaw ako sa inyo kapag may oras ako at magdadala ako ng mga paborito mong pagkain na kadalasang niluluto ko para sa‘yo.”Patuloy pa ni Manang Lucila habang nakayakap pa rin sa akin dahilan para mapapunas ako sa aking mga luha at humarap ako sa kanya tsaka ko niyakap siya ng mahigpit,hindi na kasi iba sa akin si Manang simula nung pumasok sa politika sina Mommy at Daddy ay siya na ang naging pangalawang ina namin ni Kuya.
“Salamat po,Manang!Asahan ko po iyan!Mamimiss ko po kayo!”Saad ko habang lumuluha na naman ako samantalang napangiti naman siya at tinapik tapik niya ang likuran ko.
Araw na ng kasal namin ni Aijay.Bride's maid ko si Kiara samantalang si Kuya naman best man ni Aijay,ayaw sana ni Kuya dahil hanggang ngayon masama pa rin ang loob niya kay Aijay ngunit tila narealized niyang nararapat lamang akong pakasalan ni Aijay lalo na‘t magkakaanak na kami at ayaw ni Kuya na magiging illegitimate child ang magiging anak namin ni Aijay kung hindi niya ako pakasalan.
Nasa kwarto ako ngayon,iniwan na ako ng mga nag-ayos o nagmake up sa akin, kaya mag-isa na ako ngayon dito na nakatulala sa harap ng salamin habang kausap ang aking sarili.
“Heto na Levy,minsan mong pinangarap ngunit biglang dumating sa hindi mo inaasahang pagkakataon..alam ko hindi ka handa sa sitwasyong ito ngunit kailangan mong tanggapin ang katotohanang sa edad mong 18 ay magiging misis ka na at soon magiging ina ka na rin..mga pangarap mo ay hindi mo na magagawang abutin pa dahil matutuun na ang lahat ng atensyon mo sa panibagong yugto ng buhay mo,ito ay ang pagiging ina at asawa.” Paiyak na ako ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kiara,dahilan para mapalingon ako sa kanya..alam kong alam niyang sa mga oras na ito ay malungkot ako.
“Best..it's ok..” wika niya at nginitian niya ako ng bahagya at hinawakan ako sa kamay,“hindi man tayo sabay gagraduate sa college,pwede mo pa ring tapusin ang pag-aaral mo kung gugustuhin mo.Basta best...nandito lang ako,hindi mawawala sa tabi mo kahit na magiging Misis at soon magiging ina ka na at ako naman itong single at naghihintay pa rin na ligawan na ako ng Kuya mo..hehe!” Patuloy pa niya sabay tawa ngunit naiiyak din,dahilan para mapatawa niya ako konti dahil sa huling sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
RomancePaano kaya kung 'yung napapanaginipan mo ay kasalukuyan na palang nangyayari ito sayo? Ano kaya ang gagawin mo kapag nangyari 'yun? Makakaya mo kaya itong tanggapin?