chapter 20

127 9 0
                                    

MEIKA POV

Tumakbo ako palabas ng mall,  bitbit ang sakit na dulot ng nangyare sa akin kanina. 

Takbo at lakad ang ginagawa ko.  At pinag titinginan na din ako ng mga tao dahil umiiyak ako.

"meika!! " sigaw pa ni lander at humahabol sa akin. 

"Lander wag mo ng habulin si meika------" di ko na narinig ang sumunod na sinasabi ni audrien kay lander. 

Patuloy lang ako sa pag takbo hanggang makarating ako sa parking  lot. 

Sumakay na ako at pinaharurot yun.  Nakita ko pa si lander na tumatakbo at hinahabol ang kotse ko.  Wala siyang nagawa kundi ang huminto.  Dahil sa kakulitan ni audrien na humahabol pa sa kaniya. 

Lander PoV

"Puwede Ba bitawan mo ako!!" sigaw ko kay audrien kaya pinag tinginan kami ng tao sa mall. 

Naka labas na si meika at alam. Kong parking lot ang tutunguhan niya kaya Nam humabol ako. 

"Lander tama na hayaan mo na siya okay!!? " napa tigil ako ng sabihin yun ni audrien. 

Nanggigil  ako at gusto ko siyang sapakin. Kaso babae siya at ginagalang ko ang mga babae. 

Tinignan ko na lang siya ng masama at saka tumakbo ulit para maabutan pa si meika.  Kaso paalis na ang kotse niya sinubukan ko pa itong habulin kaso mabilis siya mag pa andar. 

Kaya huminto na lamang ako.

Hinarap ko si audrien. At saka ito sinampal.  Di ko na mapigilan ang sarili ko at sa sobrang galit ko di ko na malaman ang gagawen ko. 

"Alam mo!!  Kasalanan mo toh eh!! Kundi dahil sayo di sana magagalit sakin ni meika!  Isa kang malaking  buwiset!!  Sa oras na may mangyareng masama kay meika,  buhay mo ang kapalit naiintindihan mo!! " sigaw ko sa  kaniya di na ako nag hintay pa ng sagot at  sumakay na ako sa kotse ko.

Sorry meika...

Meika pov

Di ko naalam ang daan na tinatahak ko  basta ang alam ko nasasaktan ako sa mga nasaksihan ko kanina. 

Kung ano anong daan nalang ang dinadaanan ko kung saan aabutin ang gasolina ko.  At di ko din natandaan ang mga daan na dinaanan ko. 

Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. 

"Ganito ba talaga pag mag mamahal ka? Kailangan saktan ka?  Minahal ko na nga kelangan saktan pa ako?!  Ganun ba yun. Minahal naman kita lander ahh!!  Minahal kita. Pero bakit kelangan saktan mo ako?!  Isa kang malaking gago" sigaw ko at sinuntok suntok ang manibela dahilan para mawalan ako ng kontrol. 

Blur na din ang paningin ko dahil sa pag iyak ko.  Napabitaw ako sa manibela at tanging pag busina  lamang ng paparating na sasakyan ang narinig ko. Hanggang sa maging black ang paningin ko. 

3rd person pov

Pinag kaguluhan ng mga tao ang kotseng sumalpok sa isa sa mga poste. 

"Tumawag nakayo ng ambulansya" sigaw ng mga tao. 

"Naku kawawa naman ang dalagitang nasa loob ng sasakyan. " bulungan  ng mga nakikiisyoso.

Sa kabilang dako. Di malaman ni lander kung saan siya pupunta dahil sa sobrang pag aalala kay meika.

"Ugh mei,  pick up the phone please" Sabi nito.  Habang patuloy na tinatawagan ang cellphone ni meika. 

Lyne/kreline PoV

Habang nasa kwarto ako at nanunuod ng tv at prenteng naka higa sa kama ko ay isang news ang naka agaw pansin sa akin. 

"Breaking news: Kakapasok lamang ng balita.  Kotse sumalpok sa isang poste dahil iniwasan daw ang truck na paparating.  Walang nakakita sa insidente dahil sa malakas na ulan kanina.  Hinihinanlang menor de edad ang dalagita.  Isinugod na ito sa Delliniem Hospital at tinatawagan na ang mga magulang nito"

"Teka kotse toh ni meika ahh" wala sa sariling sambit ko. 

Nag kukumahog akong kinuha ang cellphone ko at saka nag dial ng number. 

"Hello tita" sabi ko.

[Oh bat napatawag ka,  nga pala kasama mo ba ang anak ko kanina pa kase  siya umalis eh di pa bumabalik]

"Yun nga po tita naaksidente po si meika,  nakita kopo kase sa news. Sa Delliniem hospital daw po dinala si mei"

[What!!!  Okay okay sige pupunta na ako duon]

Pinatay na ni tita ang tawag. 

Ako naman ay  umalis din at nag paalam muna kay mommy.  Kinuha ko ang susi ng kotse ko. 

Nag mamadali ako sa pag d-drive. 

Naiiyak ako.  Sa di malaman na dahilan.  Nag halo halo ang emosyon na meron ako.  Lungkot,  galit,  inis.....

Narating ko na kagad ang hospital na pinag dalahan kay mei. 

"miss San po naka room  yung naaksidenteng babae??" tanung ko dun sa babae. 

"Ahhh meika villaden ho ba? " tanong nito sakin. 

"yes siya nga" sabi ko. 

" Nasa operating room, matindi daw ho ang tama ng pasyente. Dumati na din ang nanay niya. " sabi nito. 

Nkita ko nama si tita na umiiyak habang nandun sa labas ng operating room.

Nilapitan ko ito at niyakap. 

"tita,  tama na po.  Meika will be fined"  sabi ko sa kaniya.  Niyakap niya pa ako at saka humagulgol. 

"H-hindi k-ko alam ang g-gagawin ko kung sakaling m-may mang yare sa a-anak ko lyne" sabi nito habang humihikbi.

Maya maya pa lumabas na ang doktor. 

"kayo ho ba ang  ina ng pasyente?" tanong nito kay tita. 

"Yes" sagot ni tita. 

"Naging malubha po ang kalagayan ng anak niyo dahil sa tindi ng impak at pag kakasalpok ng kotse niya sa poste.  Sa tingin ko po ay tumama ang ulo niya sa manibela at sa lakas ng pag kakatama nito di ko papo alam kung kakayanin ng hospital namin nag gamutin si meika.  Dahil kinukulang nadin sa gamit ang hospital.kritikal na din po ang lagay ng pasyente" sabi ng doktor. 

"Mas mabuti hong sa amerika niyo siya dalin dahil comatose  po ang dinanas ng anak niyo.  Maiwan ko na ho muna kayo" sabi ng doktor

Napaiyak na din ako. 

"Kreline mag pa book ka  papuntamg amerika.  Pupunta akong amerika kailangan gumaling ng anak ko. " sabi ni tita. 

"Sige po ahm tita gusto ko pong sumama" sabi ko

"mas mabuti kung mag paalam ka muna sa mommy mo hija ahh" sabi ni tita. 

"Alis napo ako tita ahh bibili na din po ako ng pag kain para sa inyo. " sabi ko. 

Tumango naman si tita. 

To be continued.....

Enemies Become Lovers (super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon