chapter 28

131 6 0
                                    

3rd person POV

"Bukas na ang kasal. Kailangan mag handa tayo para sa gaganaping pag dukot sa villaden na iyon."

"Madali lang natin makukuha ang villaden na iyon kung di mag tatagpo ang landas nila ni lander"

"what if patayin na lang natin?"

"No hindi puwede kailangan mag hirap muna siya."

------

Meika PoV

"pupunta ka ba bukas?" tanong sakin ni kreline mag sleep over  kasi siya dito ngayon.

"Yeah, don't worry di ako mang gugulo" sabi ko habang  nag pupunas sa katawan ko ng lotion.

"Pero nandun ang family ni lander nandun din si audrien" sabi ni kreline pero di ko siya sinagot.

Tinignan ko lang siya sa mata pero wala akong emosyong inilalabas.

Bumuntong hininga naman siya at humiga na lamang sa kama at saka nag cellphone.

Kinuha ko naman ang box kung saan nakalagay lahat ng sulat sa akin ni lander. Itinago ko na ito at ang mga flowers na nalanta ay inilagay ko pa din sa kwarto ko kahit alam kong lanta na ito. At ang mga roses at ibang bulaklak na inilagay ni manang sa vase ay pinalagay ko na sa kwarto ko. Ang iba ay inilagay ko sa balkonahe.

"Teka nga pala bakit may mga lantang bulaklak akong nakita sa kwarto mo kanina?" pang iintriga ni lyne.

"Ahh wala yun" sabi ko. Lumapit siya sakin ng makitang may hawak akong box.

"Teka ano to?" tanong niya.

"box" sabi ko.

"I know na box yan pero bakit may mga papel?" tanong nito.

" Letter" maikling sabi ko.

"Letter??" sabi niya pero patanong.

"Galing kay lander lahat ng bulaklak na nakita mo kanina na lanta.  " paliwanag ko.

"Teka?! Galing kay lander??-----"

"Sabi ni manang lilet palagi raw pumupunta si lander dito sa bahay ng naa america tayo. Walang araw na hindi diya pumupunta ng walang dala.  Kanina ko lang nakita ng sabihin sakin ni manang. Naabutan ko pa na may mga cookies at chocolates na  naabutan na ng expiration date halos mapuno na nga ang ref sa guest room dahil sa dami ng mga pag kain." sabi ko.

Kumuha na lamang ako ng isang sulat duon sa box para basahin.  Masyadong marami ang sulat.

At ito ang naka laman sa sulat na  nakuha ko.

Day 347

Dear meika

     Malapit na ang pasko dito. Alam mo ba mahal may regalo ako sayo. Sana magustuhan mo. Paramdam ka naman sakin ohh please?? Miss na miss na kita.  Siya nga pala mahal. Graduate na ako ng high school. Nag tino na ako para sayo. Mahal puwede ka bang mag paramdam sakin kahit simpleng dampi mo lang. Miss ko na yung mga tawa mo ,mga ngiti mo miss ko na lahat sayo. Sana di nakukulitan sa akin si manang lilet dahil sa pabalik balik ko dito sa bahay niyo.
Mahal na mahal kita. Miss na miss na kita mahal.

MAtapos kong mabasa iyon may nakita ako sa box na necklace nakalagay siya sa box na maliit. At ng makita ko ito may infinity symbol  ito.

"uyy bess okay ka lang lumabas lang ako para kumuha ng snacks pag balik ko umiiyak kana dyan---- teka"  sabi nito at dali daling kinuha ang sulat ni lander.

Bakit ganun ang hina hina ko. Diba sabi ko mag babago na ako. Pero bakit ganito?! Bakit ganito ang nangyare? Bakit lumambot bigla ang puso ko. Gusto ko na siyang makasama ulit. Pero alam ko hindi na ako ang mahal niya.

Sobra akong nasasaktan dahil sa nabasa ko. Mahal pa din ba niya ko ngayon?

Isinuot ko iyong necklace. At pinunasan ang luha ko.

"Bes, lander is going to be married remember" sabi ni lyne sa akin.

"I know" i said.

"Mahal mo pa ba siya" nagulat ako sa tanong ni  lyne. At napatingin sa kaniya.

"O-ofcourse not" i said tinitigan niya ako sa mata pero napapa iwas ako.

"yung totoo"   she said.  I know she's serious.

"I-i don't k-know" utal na sabi ko at nag init ang mata ko na para bang may nag babadyang luha na anytime eh babagsak.

"Oo or Hindi?" diretsang tanong niya.

"Ewan okay? hindi ko alam" sabi ko.

"Di mo alam o mahal mo pa din talaga?" she said.

"Oo na mahal ko pa siya. Pero alam ko na itong pag mamahal ko ay walang  patutunguhan pa. Dahil ikakasal na siya kay----- audrien" pag ka sambit ko ng pangalan ni audrien ay malaya na ngang bumagsak ang mag babadyang luha sa mata ko. Ang luhang pinipigilan ko.

Umiyak ako sa harap ni lyne. Umiyak ako sa kadahilanang kahit na  sabihin ko na mahal ko pa din si lander alam ko wala na akong babalikan pa.

"A-ang tanga tanga ko lyne. Ang tanga tanga ko. A-alam ko. Naman na h-hindi ako ang mahal niya pero di ko napigilan   yung sarili ko na mahalin siya. Ang tanga tanga ko dahil sinunod ko ang puso ko. Ang t-tanga k-ko" umiiyak na sabi ko at niyakap ako ni lyne.

Para akong batang umiiyak  sa balikat niya na halos mabasa na ang damit niya dahil sa iyak ko. At sa luha na binubuhos ko.

"Meika, stop okay? Sinunod mo lang yung puso mo. Sinunod mo lang yung dinidikta nito. Hindi ka tanga  nag mamahal ka lang. Hindi ka tanga okay?"  sabi nito. Pero di pa din tumigil sa pag buhos ang luha ko.

"M-mahal k-ko s-si lander m-mahal ko siya" utal na sabi ko at pahikbi hikbi.

Naramdaman ko naman na niyakap ako ni lyne. At naiyak na din siya.

"K-kahit sabihin ko p-pa na o-okay lang a-ako, na g-gaganti ako, na d-di ko siya mahal, b-bes na nanaig pa din yung salitang mahal ko siya" hikbi hikbi ko pa ding sabi. Naka yakap pa din ako kay lyne.

"Bess naman tama na okay? Nandito ang barkada di lang si lander ang lalaki sa mundo. Madami ka pang makikilala na mas  deserve ang pag mamahal na ibibigay mo. " sabi nito.

"Ayaw ko na nakikita kang umiiyak dahil sa lalaki.  Kasi pati ako nasasaktan pag nakikita kong umiiyak ang sister ko kapatid na ang turing ko sayo mei , kaibigan at kapatid na  kita kung ituring. Bilang kaibigan ayaw ko na nakikta kang umiiyak." Sabi nito.

Ang bigat pa din sa.pakiramdam para akong tinutusok sa puso ng paulit ulit. 

Enemies Become Lovers (super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon