Lander's PoV
Ilang oras na akong palibot libot pero di ko na nakita pa kung saan na nakasakay si meika.
Pag karating ko sa bahay ay nag aalala akong nilapitan ni mom.
Andun din ang nanay ni audrien. At nagulat ako ng maramdaman na sinampal ako nito.
"Bakit mo naman iniwan ang anak ko sa simbahan?!" sigaw nito sa akin. Inawat naman ni mom ang nanay ni audrien.
"How dare you to slap my son!?" sigaw naman ni mom kay tita sandra.
"I'm tired" sabi ko nalang at sana dire diretsong nag lakad patungo sa kwarto ko.
Nahiga ako sa kama at saka tinignan yung kisame. Nag halo ang emosyon ko. Galit, tuwa, lungkot. Nagagalit ako kase wala akong nagawa kanina ng kidnappin siya ng mga lalaki na iyon. Tuwa dahil buhay siya. Lungkot, inihiwalay na naman siya sa akin.
Tumayo ako at sinuntok ang pader. Nakaramdam ako ng sakit pero mas masakit pa din yung katotohanan na inihiwalay na naman siya sa akin at nasa panganib siya at wala akong magawa para mahanap siya.
Nakita ko pang namula ang kamao ko. Wala na akong ibang iniisip kundi papaano ko mahahanap si meika. Paano ko siya maisasalba at maililigtas.
Sobra akong nasasaktan. Gusto ko ng sumigaw at mag wala. Pero di ko magawa kase wala akong mailabas na salita. Wala akong lakas dahil nang hihina ako. Pero kailangan kong maging malakas para sa mahal ko.
Tinignan ko na lamang ang cellphone ni meika at ang sandals nito na nakuha ko sa van kanina. Kinuha ko ang phone niya at nakita kong naka low battery na kaya naman c-charge ko ito.
"Anak" rinig kong sabi ni mom.
Di ako humarap at pumunta na lamang sa balkonahe.
" Lander anak" sabi nito at narinig ko ang yabag niya napapalapit.
"Anak alam ko mahal mo pa din si meika" sabi nito sa gumagaralgal na tono. Hinarap ko si mom at nakita ko na naluluha na ito
"Anak alam ko mahal mo siya pero anak kasal ka na hawak na ni audrien ang apilido mo." sabi nito alam kong may ibig sabihin iyon.
"Ma, after all those years na ang nag hahari sa isipan ko ay patay na si meika. Meika is still in my heart di siya nawala. Yes, nandyan si audrien nung mga panahon na di ko kayang paniwalain ang sarili ko na patay na si meika. Akala ko mahal ko na si audrien. Pero natanggap ko lang pala na patay na si meika. Kaya napaniwala ko ang puso ko na si audrien na ang mahal ko pero. Ma, si meika pa din. Siya pa din yung nandito. At hindi siya nawala sa puso ko. " naiiyak na sabi ko. Niyakap ako ni mom kaya di ko na mapigilan na humagulgol. Para na akong batang umiiyak at nag susumbong sa nanay.
"Anak, naiintindihan kita. Pero anak kawawa si audrien , siya ang mawawalan. Siya ang maiiwan. I let you to save meika. Hahayaan kita. Pero ipangako mo sa akin na matapos mo siyang makuha sa mga kidnapper na iyon ay kakalimutan mo na siya. Iiwasan mo na siya. Aalis kayo ni audrien at sa states na titira maliwanag ba?" automatiko na napa hiwalay ako sa yakap sa akin ni mom.
Wala akong mailabas na salita. Di ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung payag ba ako sa gusto ni mom na layuan ko si meika.
Audrien's PoV
"Teka!! Bat sinaksak mo?" sabi ni laurence.
"Why wouldn't I? Dont worry di naman malalim ang saksak. Di ko pa siya puwedeng patayin. Papahirapan ko muna siya pata masaya" sabi ko. At saka siya tinalikuran. Nakita ko pang lumapit siya rito dala ang first aid kit at ginamot niya ang sugat nito.
Meika's PoV
Nagising ako at naramdaman na may makirot sa tagiliran ko nakita ko na may nakalagay pa na benda.
Tatayo sana ako dahil wala ng tali sa kamay at paa ko nakita ko din na nasa isa na akong kwarto. Na malinis di katulad nung kanina. Nagulat ako na biglang bumukas ang pinto.
"Teka wag ka munang tumayo. Sariwa pa ang saksak sayo. Mag pahinga ka muna" sabi nung lalaki.
At hinawakan niya ako sa braso ko.
"Puwede pa wag mo akong hawakan." sabi ko at nag pumilit tumayo. Pero pag tayo ko ay siya ding pag tumba ko dahil sa sakit ng tagiliran ko.
"Wag mo kasing pilitin di mo pa kaya masasaktan ka lang kung pipilitin mo" sabi nito.
Nakita kong dumugo na naman ang sugat ko. Dali dali naman siyang kumuha ng bulak at mga pang gamot. Nahiga na lamang ako.
Humila siya ng upuan at saka lumapit sa akin.
Tinitigan ko siya habang ginagamot ang sugat ko.
"Wait nakita na ba kita bakit parang kilala na kita?" sabi ko.
"Di mo na agad ako natatandaan?" sabi nito at napangisi pa pero wala sa akin ang atnsyon niya kundi nasa sugat ko.
Napa frown na lamang ako. Pilit kong inaalala pero di ko talaga maalala kung saan ko siya nakita.
"Laurence Paul De Castro, ako yung na meet mo a year ago sa america" sabi nito at agad agad nag flashback sa isip ko yung pang yayari na iyon.
"But why are you here?" i asked.
"That time look out ako sayo noon. Ng nasa america ka audrien said na sundan kita duon. Dahil may utang ang pamilya ko sa pamilya niya ginawa ko iyon hinanap kita sa america" sabi nito.
"Hindi ko alam na sa ganito aabot ang lahat nagulat nga ako ng makita ka dito kanina. Ikaw pala ang balak ipadukot ni ms. Audrien" sabi nito.
Di na lamang ako nag salita at tumahimik na lamang.
Naalala ko yung mukha ni lander kanina habang tinatawag niya ako ng makidnap ako sa simbahan. Ramdam ko ang excitement at lungkot sa mukha niya pati na ang galit.
BINABASA MO ANG
Enemies Become Lovers (super Slow Update)
DiversosShe is meika villaden. The miss nobody and also known as miss nerdy. 3 taong tahimik ang buhay niya sa high school at tanging libro lang ang pinag tutuunan niya ng pansin. But one day his quiet life was overwhelmed by a man.Who named Lander Dellnade...