chapter 35 (Bomb)

136 3 0
                                    

Meika's PoV

"Sa tingin mo dad mapipigilan ako ng sinasabi mo? I know sinasabi mo lang yan dahil gusto mong wag kong patayin itong babae na toh. Sorry dad pero buo na ang desisyon ko. I want to kill this bitch!" gigil na sabi ni audrien.

Hinatak niya ang buhok ko kaya napa 'ouch' ako. Umiiyak na ako dahil sa narinig ko.

"No anak, your dad was right." si mom.

"Don't you ever call me ANAK dahil di kita nanay. Di ikaw ang nanay ko!!" galit na sabi ni audrien at mas hinigpitan ang hawak sa buhok ko.

"Alam mo na naman ang pang yayari anak diba?? Alam mo ang buong nangyare ng maliit kapa. Si meika ang kapatid mo. Siya ang sinasabi kong kapatid mo. Please anak, stop what your thinking." sabi ng daddy ni audrien. Naramdaman ko na tumingin sa akin si audrien ramdam ko din ang pag luwag niya sa pag kakahawak sa buhok ko.

And the first thing i knew bitaw bitaw na ni audrien ang buhok ko. Ubos na ang mga tauhan niya. At siya na lamang ang natira wala na si laurence sa lugar na iyon. Mabuti na lang at wala na siya dahil alam ko naman na mabuti ang loob niya.

Lalapit na sana ang mga pulis kay audrien ng bigla itong tumakbo kaya naman lumapit na sa akin ng tuluyan si mom at lander. Umiiyak akong niyakap ni mommy.

"Anak, im sorry" sabi ni mommy habang naka yakap  siya sa akin.

"Mommy it's my fault. Ako ang may kasalanan umalis ako agad agad  Sorry din kase pinag alala kiya" sabi ko.

"No it's my fault, meika. Palagi kang napapahamak ng dahil sa akin. " sabi ni lander.

"Ang mahalaga ligtas kana anak" sabi ni mom.

"Mam, Sir may bomb sa loob ng mansion na iyon. At ilang segundo na lang ngayon ay sasabog na iyon. Di ligtas ang suspek sa loob." natigil ang usapan namin ng lumapit ang pulis.

Ngayong alam ko na si audrien ang kapatid ko. Ayaw ko mapahamak siya.

"Mom, kailangan natin siyang iligtas. " sabi ko.

"Kami na po ang bahala." sabi ng pulis.

Ng paalis na ang mga ito nagulat na lamang kami ng biglang sumabog ang mansion na iyon.

"NO!!!!"  naiiyak na sabi ko.

Kakakilala ko pa.lang sa kapatid ko!! Tas ihihiwalay ulit siya sa akin?

Sinubukan kong tumayo pero di ko na kayang tumayo.

Agad agad may dumating na ambulance.

"Hija, anak kami na ang bahala sa kapatid mo we will make sure na ayos siya. Sa ngayon mag pagaling ka muna" sabi ng papa ni audrien.

Napa tango na lang ako.

Ipinasok na nila ako sa ambulance. Si mom ang sumama sa akin sa Ambulance.

"Madami na pong nawalang dugo sa kaniya. Kaya kailangan ng matanggal ng bala sa loob ng binti niya. Makakaya naman po namin gumutin ito. " paliwanag ng nurse.

"Anak kahit anong mang yare wag kang pipikit okay?? Andito lang si mama wag ka susuko" sabi ni mom. Napa ngiti ako at tumango.

lander's PoV

Naiwan kami ng papa ni audrien sa lugar na iyon.

Halos napa luhod na lamang ako sa nasaksihan ko.

"Bawal po munang lumapit sa pinang yarihan. Baka may bomba pa. Mag hintay na lamang po tayo ng ilang minuto" sabi ng pulis.

Umiiyak na ako. Di ko na malaman ang gagawin ko. Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko at nakita ko. Una, di ko akalain na si audrien ang kumidnap kay meika. Pangalawa, nag aalala ako sa kalagayan ni meika at audrien pangatlo , di ko akalain na mag kapatid sila.

Nag hintay kami ng ilang minuto at wala ng sabog na nangyare kaya naman ahad agad pumasok ang mga pulis.

"mga pulis na lamang po papasok para mag inspeksyon"

Wala akong nagawa kundi ang mapa upo sa damuhan duon. Nilapitan ako ng papa ni audrien.

"Everything will be alright hijo, alam kong mahal mo ang mga anak ko. " napatingin ako sa papa ni audrien ng sabihin niyon ang katagang "Alam kong mahal mo ang dalawang anak ko"

"Anak niyo po si audrien at meika, i----I mean kayo po talaga ang papa nila?" tanong ko at napatango ito.

Nag hintay kami ng ilang minuto at inilabas na ang katawan ni audrien.

" Sorry pero wala na siyang pulso, matindi ang impact sa kaniya ng pag sabog naabutan din namin siya sa loob at may tumamang poste sa kaniya" sabi ng pulis. At ipinasok sa sa loob ng ambulance  si audrien.

"No,,,, no hindi puwede" Sabi ko.

"Please gawin niyo ang lahat. Please di puwedeng mamatay ang anak ko!!! Bawiin niyo ang sinabi niyo! Bawiin niyo please" umiiyak na si tito.

Di ko na malaman ang  gagawin o sasabihin ko. Ni hindi ko na nga maibuka ang bibig ko. Wala akong mailabas na salita.

Enemies Become Lovers (super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon