chapter 33

124 3 0
                                    

MEIKA'S POV

Nasa kama lang ako naka higa. Di ko pa din ginagalaw ang pag kain na nasa gilid ko. Maya maya ay naka rinig ako ng nag uusap sa labas kaya tumayo ako at lumapit ng kaunti sa pinto.

"mukhanh gumagawa na ng move ang mga police pati na si lander kailangan na natin makatakas dito at lumipat sa ibang lugar sa lalong madaling panahon. " boses iyon ni audrien kaya mas lalo kong inilapit ang  tenga ko sa pintuan upang pakinggan ng mabuti ang pinag uusapan nila.

"Bakit ba kase pina kidnap mo pa iyang babae na yan"  sabi ng kausap niya.

"Mom, ayaw ko na mabawi niya sa akin si lander. Alam ko naman na mahal pa din ni lander si meika. Kahit pa sabihin natin na kasal na kami at asawa ko na siya ay alam kong mababawi at mababawi pa din sakin ni meika si lander. Lalo na ngayon at talamak na ang divorce."  si audrien.

"Puwede naman sana kayong mag paka layo layo ni lander at mag migrate sa ibang bansa diba"

"Tsss! Basta basta ayaw ko ng mabuhay pa yang babae na yan" sabi nito.

Bumalik kagad ako sa kama at naupo na lamang.

'Alam ko naman na mahal pa din ni lander si meika.'

Mahal pa din ako ni lander?

Nagulantang ako ng biglang bumukas ang pintuan at inuluwa niyon si audrien at ang nanay niya.

Lumapit si audrien sakin sabay sampal sa akin. Isang malakas na sampal pero di ako gumanti. Hinayaan ko lang siya. Ramdam ko ang tumulong dugo sa ilong ko dahil sa lakas ng pag kakasampal niya sa akin.

Pag katapos niya akong sampalin ay tinignan niya ako ng matalim saka lumabas.

Ramdam ko ang pag mamanhid ng mukha ko dahil sa lakas ng sampal nito.

Di ko alam may kakaibang feeling sa akin na ayaw ko siyang saktan.

Lumipas ang araw na iyon na naka kulong lang ako sa kwarto. Di ko na nga alam ang gagawin ko. Dahil sobrang bored ako. Naka higa lang ako sa kama ng may pumasok.

"Ohh bakit di mo pa ginagalaw yung pag kain mo malilipasan ka ng gutom niyan" sabi ni laurence at tumabi sa tabi ko.

"Di ako gutom" sagot ko.

"Wait, ba't parang may pasa yang pisngi mo? Napano yan?" tanong niya.

Di ko siya sinagot at tinignan ko lang siya ng parang wala lang.

Di naman na siya nag salita at alam na siguro kung saan ko nakuha ang pasa sa pisngi ko.

"kukuha lang akong ice cubes dyan ka lang ah" sabi niya. At saka lumabas. Tss? Ano akala niya tatakas ako!! Sa loob ng ilang linggong nandito ako di ko inisip na tumakas nuh!

Ilang minuto pa ay may dala na siyang isang damit at ice cube. Inilagay niya ang ice cube sa damit na iyon at saka  lumapit sa akin.

"Dapat kanina mo pa inagapan yang sampal sayo. Yan tuloy di nawala ang pamumula at nag ka pasa kapa" sabi nito habang dinadampi dampi  iyon.

"Bakit mo ginagawa toh?" tanong ko. Na curioud naman siyang tumingin sa akin.

"Ang alin?" tanong ko.

"Eto lahat ng toh bakit mo ginagawa ang lahat ng toh, diba dapat sinasaktan mo din ako katulad ng ginagawa ng ibang tauhan dito. Bakit sa halip na saktan mo ako ginagamot mo pa ako" paliwanag ko.

Di naman siya sumagot sa halip ay ngumiti lamang.

Ilang minuto pa ang nakalilipas ay natapos na.

"Kumain kana ahh, namumutla ka na ohh. " sabi niya.

"Ilang linggo ka ng di nasisinagan ng araw. Bukas lumabas ka. Wag kang mag alala kasama mo naman ako at alam kong wala kang balak na tumakas dito" sabi nito.

Tumango na lamang ako. Kinuha ko na ang pag kain na nasa gilid ko. Lumabas na din siya ng kwarto bit bit ang mga ginamit niya. Napangiti ako sa kawalan sa di ko alam na dahilan.

Lander's PoV

Bukas na ang pag salakay ng mga police sa hide out ng mga kumidnap kay meika. Di ako makakasama. Pero may plano ako. At dahil sa alam ko ang lugar ay mas mapapadali ang plano ko.

Nag kaayos na kami ni tita wala ng galit sa puso niya. Sinabi ko na din sa kaniya ang plano ko ngunit pati siya ay di pumayag. Pero kahit di sila pumayag gagawa at gagawa ako ng paraan para mailigtas si meika. Gusto kong ako ang mag ligtas sa kaniya.

Enemies Become Lovers (super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon