4 years ago....
"Congratulations Chef Meika Villaden , and Doctora Kreline Torres." sabay sabay na sabi nila at nag cheers.
Family ni lyne at si mom pati na ang barkada ang tanging mag kakasama ngayong nag tapos na kami ni lyne ng college. Nasa america pa den kami. At dito na namin tinapos ang college.
"congrats anak" sabi ni mom.
"salamat mom" sabi ko. At niyakap niya ako. Kaya naman gumanti ako ng yakap.
"Thanks mom for guiding, supporting, carring, and loving me" sabi ko at nakita ko naman na nang gilid na ang luha nito.
"Always welcome anak, im so proud of you anak i love you daughter" sabi nito.
Napangiti naman ako." I love you too mom" sabi ko at di ko na napigilan na lumuha.
"haha, tama na nga ang drama mom, we are celebrating kaya happy lang, mabubura ang make up mo niyan mom sige" pabirong sabi ko.
Nag kuwentuhan pa kami. Lumapit na si mom sa table ng parents ni lyne. Kasama ng parents ni lyne si shantall, okay na naman kami. Actually may boyfriend na siya. Nagulat pa nga siya ng makita niya ako eh. Ewan ko lang kung bakit. Mabait naman pala siya masarap kasama ,pero nandun pa den ang pag tataray niya inborn na yata.
"Picture picture muna" sabi ni laxer na may hawak ng camera.
Nag picture naman kami at ang dami ng shots kaya naman ng matapos ay di na mabilang.
Sweet na sweet si shi at nicos. Samantalang si laxer naman na supportive boyfriend ni lyne eh sweet den sa picture. Nakaka inggit.
May tanong tuloy na pumasok sa utak ko. "bakit di ka manlang nag punta lander?"Tanong na walang kasagutan.
Andito ako ngayon sa table kung saan mag kakasama kaming barkada. Si shi, nicos, laxer, lyne at shantall.
Nag iinuman kami wine lang naman kaya di masyadong nakaka lasing. At okay naman na dahil nasa legal age na kami.
'" so kelan ang balik niyo sa pinas" tanong ni laxer.
Napa tahimik naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Handa na ba akong makita ulit si lander?
"This friday" sagot ko.
"ahm by the way, mei about lander kase...." si laxer.
Napatigil naman ako sa pag inom at nabaling sa kaniya ang atensyon ko.
" ano ba wag niyo ng sabihin" rinig kong bulong ni lyne pero narinig ko pa den dahil sa katahimikan na nag hari sa table namin.
"he's going to be married. Sa katunayan niyan kinuha niya kaming mag kakaibigan para sa kasal niya. Also si lyne kinuha niya."
"M-married? With?" takang tanong ko kahit alam ko na naman kung kanino.
Parang biglang nag dadalawang isip sila kung sasabihin ba sakin oh hindi.
"With A-audrien" si shi.
"wew" si shantall.
" Ahh, o-okay, k-kelan ang kasal?" tanong ko.
" 2 weeks from now" sagot ni laxer.
Parang biglang kumirot ang puso ko. Nasasaktan ba ako sa nalaman ko?
He's going to be married,.... With audrien
With audrien
With audrien
With audrien
Biglang umecho sa utak ko ang mga nalaman ko.
2 weeks from now
"Mei, a-are you alright?" tanong ni lyne.
" Y-yeah ofcourse" sabi ko. May nag babadyang luha na alam kong anu mang segundo ay tutulo na Ito.
"Ahh mag cr lang a-ako" sabi ko at tumayo. Narinig ko pang tinatawag nila ang pangalan ko pero tuloy tuloy lang ako. At duon nanga bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Sinarado ko ang pinto ng cr at humarap sa salamin. Gustong gusto kong sumigaw. Nasasaktan ako. Ilang taon na ang lumipas bakit nasasaktan pa den ako. Mahal ko pa ba siya??
BINABASA MO ANG
Enemies Become Lovers (super Slow Update)
AléatoireShe is meika villaden. The miss nobody and also known as miss nerdy. 3 taong tahimik ang buhay niya sa high school at tanging libro lang ang pinag tutuunan niya ng pansin. But one day his quiet life was overwhelmed by a man.Who named Lander Dellnade...