Audrien's PoV
"Subukan mo kung ayaw.mo manginig ang mukha mo pag ako ang sumampal sayo" gulat na gulat ako ng bitawan ni meika ang mga salita na yan.
Natulaa pa ako. Bago lumabas.
Buhay siya. Buhay si meika. Pero akala namin patay na siya yun ang sinabi ni kreline at ng mom daw ni meika. Fake news??
Hindi puwede toh hindi puwede na mag kasundo ang landas nila ni lander. Dapat kasal na kami ni lander bago sila mag kita. Para masabi ko talaga na akin na akin na si lander. Dapat di sila mag kita ni meika. Alam ko after 4 years si meika pa din ang mahal ni lander.
"Ahm, mam audrien are you okay?" tanong ng isang sales lady sakin.
"sa tingin mo okay ako??" sarcastic na sabi ko. Naiinis ako. Ibang iba ang attitude.na pinakita ni meika. Sabi sakin ni lander. Si meika yung tipo ng babae na di kayang manakit at mabait. Kita ko naman yun. Pero iba siya ngayon. Palaban, mataray, ughh!!! What the hell!? Bakit ba bumalik pa siya. Di ako mag tataka kung sakaling makita siya ni lander at itigil ni lander ang kasal.
Meika's PoV
"Ginawa mo yun?!" gulat na gulat na sabi ni shi. Nandito kase sa bahay ang barkada.
"Yes. Bakit hindi?" sabi ko.
"Teka nakita ka niya so ibig sabihin-----" di naituloy ni lyne ang sasabihin niya ng mag salita ako.
"Ibig sabihin? Alam niya na buhay ako. Teka bakit ang alam niya patay na ako?! " sabi ko.
"Mei, tita and lyne make a plan mas minabuti nila na sabihin at ianunsyo sa lahat sa lenderson acad. Lalo na kay lander na patay kana. Para di kana guluhin pa ni lander" sabi ni lax
"What?! Sinabi niyo na patay na ako?" gulat na gulat na sabi ko.
Kaya ba di ako pinuntahan ni lander sa hospital dahil sa 3 buwan kong naka ratay lang sa kama eh pinaniwala nila na patay na ako?!
"Sorry mei, yun ang naiisip ni tita para di na mang gulo pa si lander eh" sabi ni lyne.
"Ugh?! Wala akong magagawa ang besides. Di pa naman niya ako nakikita. " sabi ko. Di na sila nag salita at tumutok nalang sa panonood.
Okay nayun atleast masusurprise siya sa oras na makita niya ako.
----
3rd person PoV"Boss sa isang linggo na ang kasal ni audrien sa dellnadez na yun. Ano na ang plano?"
"Kailangan kong masaksihan ang pag iisang dibdib nilang dalawa. Hayaan muna natin na matapos ang kasal paniguradong nandun si meika villaden. Siya ang target natin" sabi ng naka maskarang lalaki.
Humalakhak naman ang mga ito na animoy mga demonyo.
Meika's PoV
Nag luto lang ako ngayong umaga. Ako na naman mag isa sa bahay. 2 araw mag mula ngayon ay kasal na nila lander. Alam ko na din kung saan ang venue. At ang reception.
Dahil beach wedding at bigatin pa ang mga bisita lalo na ang ikakasal. Paniguradong secured na secured iyon.Pero may paraan naman. Hindi ako mang gugulo gusto ko lang makita ang pag iisang dibdib ni lander at audrien.
On that day mag susuot ako ng black gown. Matapos ang sagutan namin ni audrien sa boutique nung isang araw di na ito nasundan pa. Dahil di ko na siya nakikita.
Sinabi ko na din pala kay mom ang plano ko namag patayo ng sariling resto. Di naman ako nahirapan mag hanap ng puwesto. Nag sisimula na ang constraction niyon at siguradong ilang buwan lang ay tapos na.
Habang nasa labas ako at nag kakape at nag babasa ng dyaryo pumasok sa loob ang ale na nag lilinis ng bahay namin.
"Good morning manang lilet. Kamusta ho?" bati ko rito at nag mano.
"okay naman hija. Nako dalagang dalaga kana ngang talaga." sabi nito sa akin.
"Kumain na ho ba kayo?" tanong ko rito.
"Nako hindi pa nga ho at nag linis pa ako ng buong village. Maaga din akong umalis sa bahay " sabi nito.
" may niluto ho ako tignan niyo na lamang ho sa lamesa" sabi ko.
"Nako hija bukod sa maganda ka ay apaka buti din ng iyong ugali." sabi nito. Napangiti naman ako. Pumasok na ito sa bahay. Nanatili ako sa labas at nag kakape habang nag babasa ng dyaryo. Maya maya nakita kong may kotse sa labas. At may lumabas na lalaki. Si lander. Dali dali akong tumakbo papasok ng bahay.
"Ohh mag hunos dili ka hija hingal na hingal ka bakit kaba kase tumatakbo?" sabi nito.
"Ma-manang nandyan si lander paki sabi walang tao sa bahay okay?? " sabi ko.
"Oh sige sige" sabi ni manang at nag lakad palabas para buksan ang gate.
"Ahm manang nandyan na ba ang may ari ng bahay?" dinig kong tanong ni lander kay manag lilet.
"Nako hijo, si mam cleny lang ang umuwi. At ngayon ay nasa shop pa niya bakit?" sabi ni manang.
"Ahm , manang si tita cleny lang po ba ang umuwi sa bahay na ito?" sabi ni lander. Nataranta naman ako. Lumingon sa akin si manang ng pasimple.
"s-siya lang ba-bakit?" sabi ni manang. Lumingon pa si manang sa akin.
"ah wala po. Sige po salamat po. Sorry na din po sa abala." sabi nito.
Naka hinga ako ng maluwag ng marinig kong umalis na si lander.
"Jusko pong bata ka. Bakit ba nag tatago ka kay lander??" sabi nito at naupo na kami.
"Manang. Mahaba pong kuwento. " sabi ko.
"Nako kung alam mo lang walang buwan na di pumupunta dito iyanh batang yan para mag tanong kung naka uwi na ba ang may ari ng bahay. Ang palagi ko namang sagot ay wala. Minsan nga pumunta yan dito may dala dalang flowers at chocolates iniimbak ko lang sa guest room para mag sama sama ang mga binibigay niya para siguro sayo. Mag tungo ka sa guest room. Nanduon lahat ng mga dinadala niya para sayo. Napuno na nga yata iyon. Ohh siya siya mag uurong pa ako. Hija maiwan na kita riyan" sabi nito.
2 minuto bago ako bumalik sa katinuan. Tumungo ako sa guest room. At nakita ko nga ang sinasabi ni manang.
Puro flowers. Naka tabi lang ito sa isang tabi. Yung iba ay naka lagay sa vase siguro nilagay ni manang kaya hanggang ngayon ay di nalalanta ang iba naman ay naka bungkos pa din kaya lang lanta na. Naabutan ko pa na nakalagay sa ref sa guest room na iyon ang mga chocolates na Sinasabi ni manang. Halos mapuno na ang loob ng ref dahil sa dami ng mga chocolates ang iba naman ay cookies. Parang biglang kumirot ang puso ko. Sa study table na nadun ay nakita kong may box. Ng buksan ko iyo ay tumambad sa akin ang mga naka bilot na papel. At sobrang rami nito. Yellow paper ang mga ito. Binuksan ko ang isa para tignan kung ano ito at nakita kong sulat ito. Na ang pinaka una ang may naka lagay na "Day 1"
Binasa ko ang naka sulat.
Day 1
Dear meika,
Mahal, ayos ka lang ba dyan?? Komportable kaba dyan? Baka naman nag papalipas ka ng gutom. Alam mo naman na ayaw ko na nagugutom ka. Siya nga pala mahal. Miss na miss na kita. Nakakulong lang ako palagi sa kwarto. Iniisip na sana ako na lang sana ang nawala. Iniisip na sana buhay kapa at kasama kita ngayon. Alam mo ba walang araw , oras, mibito o sigundo na di kita iniisip. Walang araw na di ako umiiyak. Naka kulong lang ako sa kwarto. Feeling ko ang incomplete ng buhay ko. Mahal, mei mag paramdam ka sakin. Mahal na mahal kita. Miss na miss na kita.
The first thing i knew, im crying umiiyak ako. Ng mabasa ko ang sulat na iyon ni lander. Para akong pinag sakluban ng langit at lupa.
To be continued
.....
BINABASA MO ANG
Enemies Become Lovers (super Slow Update)
RandomShe is meika villaden. The miss nobody and also known as miss nerdy. 3 taong tahimik ang buhay niya sa high school at tanging libro lang ang pinag tutuunan niya ng pansin. But one day his quiet life was overwhelmed by a man.Who named Lander Dellnade...