Wedding

170 9 1
                                    

Meika's PoV

Hindi na ako makapag hintay na makarating hanggang sa unahan.

Ito yung araw na pinangarap ko.

Yung araw na hinintay ko. Feeling ko nananaginip lang ako. Feeling ko maiiyak ako.  Tears of joy yata tawag dito.

Pag pasok ko kanina habang unti unting bumubukas ang pinto ng simbahan ay narinig kong tumugtog ang kantang " A thousand years"  piano cover kaya ramdam  na ramdam ito.

Napapatingin ako sa mga taong naka suot ng peach na gown mapa abay or flower girl. Napa lingon pa ako sa gawi nila shi pati na nila nicos.

Napatingin ako kay lyne na nauna pang umiyak sakin. Nginitian ko naman siya.

Naka abang  naman sa akin sila mom at dad sa kalahatian nito. Ng nasa tapat na ko nila ay sinabayan na nila ako sa pag lalakad. Unti unti lang ang pag lakad.......

Ng malapit na ko sa mismong kinatatayuan nila lander ay kusa ng lumapit si lander para mag mano sa magulang ko. Ganun din naman ako sa magulang niya.

"Alagaan mo ang anak namin ahh" sabi ni dad.

"yes tito"

"call me daddy" sabi ni dad.

"Wag na wag mong papaiyakin ang anak namin lander" sabi ni mom na naiiyak pa.

" yes mom"

Nag simula na sa pag seseremonya ang pari na nasa harapan. Nakinig lamang ako. Di ko mapigilan na maluha.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Saya , lungkot, pananabik, excitement halo halo.

Saya dahil sa wakas nangyari ang pinaka hinihintay kong araw.

Lungkot dahil alam kong mawawalay na ako kila mom at dad.

Pananabik dahil mag kakaroon na kami ng pamilya. At syempre kasama si lander.

At excitement. Dahil makakasama ko na si lander sa iisang bahay. Bubuo ng pamilya.

Habang nag seseremonya si father di ko maiwasan na di mapatingin kay lander.

Matapos ang seremonya na ito isa na akong dellnadez pero naka kabit pa din naman ang villaden sa akin.

Di ko akalain na dati ko lang kaaway ngayon magiging asawa at katuwang ko na sa habang buhay.

Dati ko lang kinaiinisan ngayon mahal na mahal ko na.

Naalala ko ng mag punta kaming tagaytay kung saan umamin siya sa akin. Kung saan nag simula ang lahat.

Naalala ko lahat.  Lahat ng masasakit, masasaya at malulungkot na ala ala na kasama ko siya.

Kung saan naaksidente ako. At dinala sa states para magpagamot.

Yung time na nahiwalay kami sa isat isa sa loob ng 4 na taon at higit pa.

Akala ko nuon wala ng mag kakagusto sa akin. Akala ko nuon tatanda na lang akong dalaga. But im here now. Nasa harap ng altar kasama siya.

Hindi ko mapigilan ang luhang dumadaloy sa mata ko. Luha yun kung saan ipinapahiwatig kung gaano ako kasaya na siya ang magiging kabiyak ko. Kasama sa pag tanda.

----

"I'm happy to be with you forever. Masaya ako na ikaw ang ibinigay ni god sa akin. We are "Enemies become lovers" dating mukhang aso't pusa kung mag away ngayon nasa harap na ng altar kung saan nag papalitan ng matatamis na mensahe sa isa't isa. You remember the first time we met. Dun mo na sinimulan guluhin ang damdamin ko. 2nd  day  ng klase. Ahmm meika, mahal thank you for loving me again. Sa kabila ng pinag daanan natin. Sa dinami rami ng malulungkot na ala ala natin  sa dinami dami ng  masasakit na ala ala natin sa naka raan eto tayo ngayon parehong naka tayo sa harap ng altar. Habang pinapanood ng lahat ang pag iisang dib dib natin. I promise you meika na mamahalin kita hanggang dulo. Hanggang sa huling hininga ko.  I love you" sabi niya at pinunasan ko ang luha ko.

Inabot na sa akin ang mic.

"Ahmm, mahal lander..... Yeah i remember the first day we talk pero para sa akin di yun ang first time nating mag kita. Dahil elem pa lang kaklase na kita. Thank you kasi pinaramdam mo kung gaano mo ako kamahal. Pinaramdam mo bilang first love ko na masarap at masayang mag mahal.  Madami mang problema na dumating noon at dadating pa. Basta kasama kita malalagpasan at malalagpasan natin yun. I just wanna spend the rest of my life with you, believe it … I don’t need to see the sun again, there is enough light in your eyes to light up all the world...... Mahal na mahal kita...."  sabi ko at nakita kong umiiyak ang mga tao sa tuwa. Pati na si mom.

Nag palitan na ng vows. At nag lagayan na 'din ng sing sing.

"You may now kiss the bride"  at dahan dahan itinaas ni lander ang belo ko. Agad nag hiyawan ang mga tao. At nangingibabaw ang kay lyne.

Nilapit ni lander unti unti ang mukha niya at naramdaman ko ang pag dampi ng labi niya sa labi ko.

"I pronounced you husband and wife Mr and Mrs. Dellnadez" kasabay niyon ay sinabi ng father ang mga katagang ito na siyang nag paluha ng sobra sa akin.

I'm Meika Villaden- Dellnadez from now on.

Enemies Become Lovers (super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon