NANLAKI ang mga mata ni Vinnie sa nakita. Hindi siya pwedeng magkamali, kahit naman sabihing madalim noon sa auditorium ay nabista niya ng husto ang mukha ng lalaking nakasayaw niya ng waltz!
Ang gwapo naman, pang-Hollywood ang karisma! Naisip pa niya saka palihim na sinulyapan ang repleksyon ng binata sa rear view mirror na nasa loob ng traysikel kung saan niya ito katabing nakaupo. Pagkatapos ay kinikilig niyang nakagat ang pang-ibaba labi.
Maputi, matangos ang ilong ang kipot-kipot ng labi at brown ang buhok nitong mas kilala sa tawag na celebrity cut style. Kahit ayaw niya hindi parin niya napigilan ang mapangiti dahil sa tindi ng kilig na nararamdaman lalo pa't humahalimuyak ang scent ng cologne nito. Sobrang swabe sa ilong kaya parang gusto niyang ihilig ang ulo sa malapad na balikat ng lalaki.
Pwedeng-pwede kang maging hero sa diary ko!
"Taking inventory Miss?" napahumindig siya nang amused itong lumingon sa kanya.
Naumid ang dila niyang napatitig lang sa katabi saka magkakasunod na nagbuntong hininga. Sa totoo lang hindi niya naisip minsan man na may ganito kagwapong lalaki sa SJU.
"Ay, ikaw pala iyan, sorry hindi kita masyadong namukhaan kanina. I'm happy, nagkita ulit tayo" nakangiti nitong sabi. "Jose Victorino De Vera III, JV for short" pakilala nito saka nakangiting inilahad ang palad sa kanyang harapan.
"T-The Third? D-De Vera?" hindi makapaniwala niyang bulalas.
Bestfriend at classmate niya si Hara Marie De Vera. Apo ng isa sa apat na founder ng SJU. Nang magbukas ang klase noong June niya ito nakilala. Naging seatmate sila nito sa isang subject dahil hindi naman sila alphabetically arranged. At noon nga sila naging malapit ng dalaga.
Sa loob ng ilang buwan ay naikwento narin nito ang ilang bagay tungkol sa pamilya nito. At maging ang tungkol sa The Thirds. Ang pinakakilalang grupo sa St. Joseph University na kinabibilangan nina John David Estriber III, Raphael Dela Merced III, Lemuel Policarpio III at ng kuya nga nitong si Jose Victorino "JV" De Vera III, Sila ang third generation ng apat na founders ng St. Joseph University, ang pinaka-prestihiyosong eskwelahan sa bayan ng Mercedes.
Gaya ng ibang kilalang unibersidad sa Maynila, kumpleto ang SJU sa lahat ng makabago at high-tech facilities. High and quality education is offered, complete from Nursery to College and even Doctoral and Masteral degree. And one of the universities in the country granted full-autonomy by the Commission on Higher Education.
Ibig sabihin, allowed ang SJU na mag-design ng sarili nitong curricula, mag-offer ng mga bagong programa, magbukas ng mga sangay o satelite campuses without having to secure permits from CHED, at iba pa. Kaya naman kayang-kaya nitong makipagsabayan sa alinmang malalaki at sikat na unibersidad sa Pilipinas.
Anyway, sa kabila ng pagiging malapit nila ni Hara ay hindi siya nagkaroon ng chance na makilala ng personal ang kuya nito. Hindi naman kasi siya dumadalaw sa bahay ng mga De Vera. Bukod pa sa katotohanang hindi nagku-krus ang landas nila noon bago ang Foundation Ball kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon si Hara para maipakilala siya rito. At kailangan rin naman niyang amining minsan man ay hindi siya na-curious sa itsura ni JV kahit pa balitang napaka-gwapo nito.
Mas okay nga iyon, naging parang fairytale ang una naming pagkikita kasi mas romantic.
Naiisip pa niya habang ang kilig nasa puso niya ay parang permenente na yata. At nakadagdag pa roon ang katotohanang isinayaw siya ni JV noong Foundation Ball kaya lalo siyang kinilig ng lihim.
HINDI niya naawat ang sariling mapangiti dahil sa lumarawang pagkamangha sa mukha ng kaharap.
Why hide those impressive brown eyes?
Naisip pa niya nang mapagmasdan ng husto ang mga mata ng dalaga na bagaman may suot na glasses ay napakaganda naman talaga. Ang mga labi nito natural na mapupula, walang bahid ng anumang cosmetic. Mamula-mula ang kutis dahil sa likas ang kulay nitong mestisahin. Maitim ang hanggang balikat nitong buhok na para bang napakalambot. At dahil nga hinahangin ng bahagya ay malaya niyang nasasamyo ang bango niyon.
Her beauty is so pure like the petals of roses that are red. At lalo pa itong gumaganda habang pinagmamasdan niya.
"Yeah, bakit?" aniya.
Magkakasunod itong umiling. "W-Wala po" anitong ibinalik ang tingin sa binabasang libro saka minabuting huwag tanggapin ang pakikipag-kamay niya.
"Introduction to Psychology, small world huh! Kapatid ko si Hara Marie De Vera, classmate mo siya?" tanong niya sa isang tinig na nakikipagkaibigan nang mabasa ang cover ng librong nakapatong sa lap nito.
Noon pa mang gabi ng Foundation Ball ay napuna na niyang may pagkamahiyain ang dalaga. At hindi karaniwan sa kaniya ang ganoon dahil madalas ang mga babae ang unang nagpapakita ng motibo sa kanya. Hindi naman kalabisan pero ngayon lang siya naka-encounter ng shy type na gaya nito.
Hindi ito sumagot at sa halip ay isinaksak lang sa tainga nito ang earphone saka itinuon ang atensyon sa binabasa. Natawa siya ng mahina saka naiiling na binasa ang mga labi. Narating nila ang SJU nang hindi na nag-usap minsan man.
"Ako na" aniya nang makitang nagbabayad ang dalaga.
"Thanks" halos pabulong nitong sabi saka na muling isinuot ang earphone at nagmamadaling naglakad palayo. At dahil nga nagmamadali at naka-earphone pa ay hindi na nito narinig ang magkakasunod niyang pagtawag dito.
Naihulog kasi ng dalaga ang green nitong panyo. Nakangiti niya iyong pinagmasdan saka napuna ang nakaburda sa gilid noon.
Lavinia Leigh Lustre
Nang mabuo ang isang ideya sa isip niya ay hindi na niya inabala ang sariling habulin ang dalaga.
BINABASA MO ANG
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETED
RomanceCOMPLETED Sa kanilang apat siya ang talagang naniniwala sa magic at happy ending. Naniniwala rin siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Isang simple, mahinhin at mahiyaing babae...