Part 6

1.5K 38 2
                                    


DALAWANG araw ang lumipas at muli silang nagkita ni Mr. Giron. Nakahinga siya ng maluwag nang ibalita nito sa kanyang nakaisip na ito ng paraan kung paano niya babawiin ang naiwala niyang grade.

"Kung sasang-ayunan mo mas mabuti" anito pang hinubad ang suot na salamin.

Napangiti siya saka nilingon si Hara na nakaupo sa silya nito di kalayuan sa loob ng silid. "Naku sir kahit ano po basta kaya ko gagawin ko, mabawi ko lang iyong grade na naiwala ko."

Ngumiti narin ang matanda na tila ba nahawa sa kasiglahan ng tinig niya. "Mabuti, hindi naman mahirap. At sa totoo lang bagay na bagay sayo ang papel na gagampanan mo."

Literal siyang napanganga sa narinig saka napaupo sa silyang nasa harapan ng desk ng guro. "A-Ano p-pong papel na gagampanan?"

"Ikaw ang gaganap na Maria Clara sa dula na gaganapin sa susunod na buwan. Ako ang talagang nag-suhestiyon sa iyo para ganapan ang papel na iyon" paliwanag pa ng matanda.

Natilihan siya sa narinig. "P-Pero sir, hindi naman po ako member ng SJU Theater Arts Guild. Saka isa pa po, wala rin akong background sa pag-arte" paliwanag pa niya.

Tumango ang matanda. "Kinulang sila ng tauhan para sa dula, at iyong tungkol sa pag-arte huwag kang mag-alala nasabi ko narin iyan kay Joey na posibleng wala ka pang background sa acting at willing silang turuan ka" maikli nitong sabi na nakuha naman niya ang ibig sabihin.

Ilang sandali siyang hindi nakapagsalita. Parang nagkamali yata ng pisil si Mr. Giron dahil malabong maging effective siyang actress. Napaka mahiyain niya at hindi niya kayang umarte sa harap ng maraming tao.

"Ano sa tingin mo Miss Lustre? Kailangan ko na ang sagot mo ngayon, may klase pa ako in fifteen minutes. Para masabi ko narin kay Joey ang tungkol rito."

Wala ka ng choice Vinnie, ano ka ba naman face your fear. Ang kaniyang isipan.

"S-Sige po sir" lakas-loob niyang sagot saka pa nagbuntong hininga pagkatapos.

Wala naman na siyang ibang option, kung hindi niya tatanggapin iyon malaki ang mawawala sa kanya. "Good, ipaaalam ko na sa kanya ang tungkol rito at ikaw bilang pinaka-bago nilang myembro."

Matagal nang wala sa harapan niya si Mr. Giron ay nakatitig parin siya sa binakante nitong mesa.

"Hoy Lavinia!" untag sa kanya ni Hara na kaniyang ikinagulat.

"H-Ha?"

"Sabi ko anong sinabi sayo ni sir at parang nawala ka sa sarili mo?" natatawang naupo pa ang dalaga sa tabi niya.

Malungkot siyang nagbuntong hininga saka nangalumbaba. "Ayun, gaganap akong Maria Clara sa play."

Sukat sa sinabi niyang iyon ay impit na napatili si Hara. "Oh my it's meant to be!" anitong kinilig pa na kaniya namang ipinagtaka.

"Okay ka lang?" salubong ang mga kilay niyang tanong.

Makahulugan ang ngiti at tinging ipinukol nito sa kanya. "Gosh! Anyway, lika na gutom nako eh."

Nasa corridor na sila nang marinig ang tinig na tumatawag sa pangalan niya. "Y-Yes?"

"I'm Joey" anitong inilahad ang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. "ako ang head ng SJU Theater Arts Guild. Nasabi na sakin ni Mr. Giron ang tungkol sayo, anyway mamayang six PM may meeting tayo sa Guildhall. Sana makarating ka."

"Darating siya" sabad naman ni Hara na ngumiti pa sa kanya nang lingunin niya ito.

"Sige, aasahan ka namin kung gayon. Anyway, welcome to the group. I'm sure mag-e-enjoy ka" anitong mabait muna siyang nginitian bago tinalikuran.

"Naks! Instant celebrity ang bestfriend ko! You made me so proud!" nasa tinig ni Hara ang sinabi.

"Nakakainis, ayoko naman talaga eh" aniya "eh wala naman akong choice. Paano yung grade ko sa Filipino?"

"Kaya huwag ka ng mag-inarte diyan okay? Bahala ka fourty percent ng grade natin ang galing doon" ani Hara na siya naman talagang totoo.

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon