Part 18

1.2K 31 0
                                    

“BAKA sa isang buwan umuwi ako, nag-file ako ng leave para mapasimulan ko na ang pagpapaayos ng bahay natin” si Lloyd iyon nang isang gabing kausap niya sa web.
Nakaramdam siya ng tuwa saka itinigil ang ginawang pagsusulat sa kanyang diary. “T-Talaga? Wow siguro ang dami mo ng pera ano kuya? Mag-asawa ka na kaya, para magkaroon nako ng pamangkin!”
Natawa doon si Lloyd. “Ano kaba twenty five palang ako, teka ano ba yang sinusulat mo? Mamaya na iyan magkwentuhan muna tayo” anito nang ipagpatuloy niya ang pagsusulat sa kanyang talaarawan.
“Diary ko ito kuya” aniyang tinapos na ng tuluyan ang sinusulat. “hayan tapos na.”
“Para kang high school, baka naman may boyfriend kana at diyan mo sinusulat sa diary mo ang tungkol sa kanya kasi ayaw kitang payagan?” naghihinalang turan ng kapatid.
“Wala! Crush lang iyon, at alam mo ba kuya ang gwapo-gwapo niya!” aniyang kinilig pa nang maalala si JV saka wala sa loob niyang niyakap ang hawak na diary.
“Crush lang ba talaga?” hindi kumbinsidong tanong ni Lloyd na halatang naaliw sa naging reaksyon niya.
“Ano kaba kuya, oo naman no!”
“Anong pangalan, baka kilala ko?”
Mabilis siyang nag-isip kung sasabihin ba sa kapatid ang pangalan ng binatang nagpapangiti sa kanya at nagbigay ng dahilan para pumasok sa school araw-araw. “Secret! Akin nalang iyon! Saka isa pa hindi naman ako magugustuhan nun, kasi pang-Hollywood ang karisma niya!”
Tumaas ang mga kilay ni Lloyd. “Ows? Sinong mas gwapo saming dalawa?”
Naiiling siyang natawa ng mahina. “Pareho, kasi kung ako ang tatanungin kasing gwapo mo si Justin Timberlake!” totoo iyon. Talagang gwapo ang kuya niya, kaya nga hindi siya makapaniwalang iniwan ito ni Cassandra at ipinagpalit lang sa iba.
“Sige basta crush lang okay? Anyway aalis na ko, matulog kana gabi na.”
“I love you kuya!” pagkasabi niyon ay nakangiti niyang hinalikan ang screen ng kanyang laptop.
“HOY!” mula sa binabasang script ay napataas ng tingin si Vinnie.
Si Irene ang nakita niyang madilim ang mukhang nakatayo sa kanyang harapan. Nasa Guildhall siya noon at hinihintay ang iba pa niyang kasamahan. Pagkatapos nilang kumain ng meryenda kanina ni Hara, na kababalik lang ng eskwela ay minabuti niyang doon na magtuloy habang ang kaibigan naman niya ay umuwi na. Busy rin kasi ito sa gaganaping party para sa seventeenth birthday nito sa isang linggo.
“A-Ah, wala pa si Joey eh. Upo ka muna” sinubukan niyang maging palakaibigan dahil wala naman siyang alam na atraso sa dalaga para titigan siya ng masama. Kulang nalang kasi kumuha ito ng kutsilyo at saksakin siya.
Ngumisi ito. “Ikaw ang sinadya ko dito at hindi ang kung sino, huwag kang tanga!”
Malutong pa yata sa Magic Flakes ang pagkakabigkas ni Irene sa salitang tanga! Dahil doon ay mabilis na uminit ang ulo niya. Pero sinikap niyang magtimpi. Sa lahat ng pagkakatoon kasi ay ganoon siya.
“Ano bang kailangan mo?” mahinahon parin siyang nagsalita sa kabila ng tila panlilisik ng mga mata ng kaharap.
“You know what nakakapikon na ang pagbabait-baitan mo? Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ayaw ng makipagbalikan ni JV sakin? Dahil ang akala niya totoong mahinhin at mabait ka?” galit na galit nitong sabi.
“A-Ano bang sinasabi mo?”
Noon hinablot ni Irene ang braso niya kaya siya napatayo. “Tumayo ka nga diyan punyeta ka! Listen, layuan mo si JV kung ayaw mong makatikim sakin.”
Sa narinig ay umabot na sa sukdulan ang pasensiya niya. “Teka, huwag mo nga akong mamura-mura diyan, pinagpapasensiyahan kita pero sumosobra kana ah! Hindi porke tumatahimik lang ako pwede mo ng sabihin ang lahat ng gusto mo!”
“Kasi nga plastic ka! Nagkukunwari ka lang na mabait pero deep inside itinatago mo lang ang kati mo! May pa-virgin effect ka pa kunwari eh baka nga mamaya hindi lang sampung lalake ang nakatikim na sa___” hindi na nagawang tapusin ni Irene ang gustong sabihin nang padapuin niya sa pisngi nito ang isang nakatutulig na sampal.
“Sinabi ko naman sayo di ba, tumigil ka dahil pinagpapasensiyahan kita. Wala kang karapatang insultuhin ako. Alam ko mayaman ka, pero sa inaasal mo mas masahol ka pa sa taong walang pinag-aaralan” aniya sa isang mababa ngunit mabalasik na titig.
“You'll pay for this!” nangingilid ang luhang tinuran ni Irene saka nagmamadaling lumabas ng silid.
Nanghihina siyang muling naupo. Sa buong buhay niya ay noon lang siya napagsalitaan ng ganoon kaya sobrang nasaktan siya. Nag-iinit ang mga mata niyang pinulot ang script na nahulog sa sahig. At dahil nga nakayuko ay hindi na niya napansin ang pagpasok ni JV.
“Nakasalubong ko si Irene, Miss L” anitong naupo sa tabi niya.
Gaya ng dati, nagbigay siya ng malaking distansya sa pagitan nilang dalawa. Habang nanatiling nakayuko at hindi tinitingnan ang binata. Pinipilit niyang itago ang mga nagbabadyang luha dito.
“Alam mo Vinnie kahit kailan kapag nilalapitan kita parang diring-diri ka sakin!” pabiro nitong sabi at saka tila nang-aasar pang umusog ulit palapit sa kanya.
Umusog siya palayo sa binata pero umusog naman ulit si JV palapit sa kanya. “P-Pwede ba, kung kaya mong layuan ako, layuan mo nalang ako? P-Para hindi ako napagsasalitaan ng kung anu-ano nung ex mo!” naiiyak niyang sabi nang hindi makatiis.
“Hey, sorry hindi ko gustong pikunin ka” natatawang turan ng binata saka nito hinawakan ang mukha niya at dahan-dahang ibinaling paharap rito.
Napasinghap siya nang maramdaman ang init ng palad ng binata sa kanyang mukha. At sa pagtatama ng kanilang mga mata, noon na nga tuluyang bumalong ang kanyang mga luha.
“Why? Tell me, anong ginawa sayo ni Irene?” sa mabilis na pagbabago ng tinig ni JV ay bigla siyang kinilabutan. Noon niya naisip na nakakatakot pala ito kung magalit.
“H-Hindi ako nagkukunwari JV, kung ano ang nakikita mo sakin ngayon ganito talaga ako” ang tanging nasabi niya saka na tuluyang napahagulhol ng iyak.
Narinig niya ang isang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ng binata. “Halika nga rito” anitong mabilis siyang kinabig saka niyakap ng mahigpit.
Hindi siya nagprotesta, bakit nga ba niya gagawin iyon gayong sa mga bisig ni JV lang niya nararamdaman ang seguridad na hindi niya nararamdaman kanino man. Yumakap din siya dito, ng mas mahigpit.
Tama nga siya nang isipin niyang masarap itong yumakap at masarap yakapin. Dahil nang mga sandaling iyon, parang gusto nalang niyang hilingin na sana pwedeng i-freeze nalang ang oras at manatili sila sa ganoon ayos.
“Listen” ang binata nang ilayo siya nito saka tinitigan. “hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko pero ang totoo niyan pakiramdam ko matagal na kitang kilala. Alam kong hindi ka nagkukunwari, and by any chance sabihin na nating hindi talagang ikaw iyan. Hindi niyon mababago ang katotohanang espesyal ka sa puso ko, nararamdaman mo naman siguro iyon di ba? That I care so much for you para magkaroon ng lugar sa puso ko ang galit para sayo?”
Parang idinuyan sa ulap si Vinnie sa narinig kaya hindi niya napagilan ang mapangiti. “T-Totoo?”

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon