Part 22

1.2K 33 0
                                    

“SAAN tayo pupunta?” naguguluhan niyang tanong nang hilahin siya ni JV palayo sa lugar kung saan ginaganap ang party.
“Shhh... Huwag kang maingay, mamaya masundan tayo ng mga asungot dito” anang binata.
“Sinong asungot?” salubong ang mga kilay niyang tanong.
“Sino pa edi yung mga totoy dun na gusto kang isayaw” anitong binigyang diin pa ang salitang totoy kaya siya natawa.
“Hoy malayo na ang party dito ah!” aniya nang mapunang nasa may land scaped garden na sila.
“Kaya nga dito kita dinala eh, kasi walang ekstra” anitong naupo sa naroong swing. “lika dito” anitong tinapik pa ang bakanteng side ng swing.
Noon parang nag-unahan ang dagang nagtakbuhan sa dibdib niya.
“Ano? Lika na dito, bihira kana ngalang masolo ng tao eh” paangal pa nitong sabi.
Bihirang masolo eh kung tutuusin araw-araw tayong dalawa ang magkasama.
Pinigil niya ang mapabungisngis sa tindi ng kilig na nangibabaw sa puso niya dahil sa simpleng sinabing iyon ni JV. Saka nanlalamig ang mga kamay niyang tinabihan ang binata.
“Anong cologne ang gamit mo?” tanong ng binata na sinimulang i-swing ang duyan.
“Naku baby cologne lang, bakit?” nahihiya niyang sagot saka ito nilingon at pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa full moon.
“Wala, gusto ko ang scent, parang ikaw” sagot ng binata.
Ano? Gusto mo ako? O ang cologne ko? Gusto sana niyang itanong kasi naguluhan siya sa sinabi nito pero pinili niyang tumahimik nalang.
Timing na timing ang ganda ng buwan, tapos kaming dalawa lang dito. What if halikan niya ako? Papayag ba ako o tatanggi? Matuloy na kaya this time? Ano kayang feeling na mahalikan ni JV?
“Alam mo ba, lahat ng naging girlfriends ko isa lang ang unang sinasabi sakin?” mayamaya ay tinuran nito.
Taka niya itong tiningala. “Ano?”
Noon umangat ang sulok ng labi ng binata. “Good kisser daw ako” nanunukso nitong sabi.
Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi sa sinabing iyon ni JV. Alam ba nitong iyon ang iniisip niya o nagkataon lang na naikwento iyon sa kanya ng binata?
“Bastos!” kunwari'y inis niyang sabi.
Natawa ang binata. “Ano kaba nagkukwento lang ako sayo. Sige sorry na, nakalimutan ko NBSB ka nga pala” anito pa.
“Nang-iinis ka ba? Dinala mo ko dito para ipamukha saking pangit ako kaya walang nagkakagusto sakin ganoon?” mataray niyang tanong.
Lalong lumapad ang pagkakangiti ni JV sa sinabi niyang iyon. “Anong pangit? Hindi ka pangit, di ba nga sinabi ko na sayo for me ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo” pagkasabi niyon ay maingat nitong hinaplos ang buhok niyang noon ay nahihipan ng mabining hangin.
Napalabi siya at pagkuwan ay napangiti narin, kaya naman nang akbayan siya ni JV ay hindi na siya tumanggi at sa halip ay inihilig pa niya ang ulo sa balikat nito.
Gosh ang sarap naman ng ganito, iyong lahat ng pinapangarap mo eh unti-unti natutupad.
“Ang ganda ng buwan ano?” naisatinig niya saka pinagsikapang huwag mahaluan ng kilig ang tinig niya.
“Sinabi mo pa, ginawa niyang mas magical ang gabing ito” makahulugang sabi nito saka siya niyuko.
Napapikit siya ng maramdaman ang mainit nitong labi sa kanyang noo.
“Pero mas maganda ka kaysa buwan, and your eyes. Mas gusto ko silang pagmasdan kaysa mga stars” anito pa.
Hindi na siya umimik at sa halip ay isiniksik nalang ang ilong sa leeg nito. Nanuot ang napakabagong scent ng cologne nito sa bawat buhay na ugat sa kanyang katawan. Hindi niya alintana ang ilang libong alon ng kaba na tila gustong magpawala sa kanyang huwisyo. Ayaw niyang masira ang gabing iyon nang dahil lang sa kaba at hiyang nararamdaman niya. Dahil paniguradong kapag pinalampas niya ang pagkakataong iyon, baka wala ng second chance.
“TARA, papakilala kita sa nanay at tatay ko” aniya habang kinakalas ng binata ang suot niyang seatbelt. Dahil medyo ginabi ay napilit siya ni JV na ihatid sa kanila.
Nakangiti siyang tinitigan ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. At dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kanya ay para siyang naestatwa nang malanghap ang napakabango nitong hininga. Sanay na siyang nalalanghap ang hininga ni JV. Pero ang masarap na pakiramdam na hatid niyon sa kanya ay hindi nagbabago. Parang laging iyon ang una.
Magkakasunod ang pinakawalan niyang buntong hininga habang nanatiling nakatitig lang sila sa isa't-isa. Parang may magnet ang mga mata nila kaya hindi niya magawang bawiin ang mga titig niya mula rito.
“Do you have any idea kung gaano ako kasaya ngayon? At alam mo rin bang isa iyan sa mga pinapangarap kong marinig mula sayo?”  halos pabulong na tanong ni JV.
Matinding kilabot ang gumapang sa katawan niya. Hindi siya nakapagsalita at sa halip ay nanatiling nakatitig lang sa binata. At nang kumilos ito ay marahas siyang napasinghap. Para pa siyang naparalisa at awtomatikong napapikit nang maramdaman ang mainit nitong labi sa kanyang mga mata na parehong hinalikan ng binata habang ang mga kamay nito ay maingat namang hawak ang kanyang mukha.
Nang mga sandaling iyon, parang magic na nagkaroon bigla ng linaw ang totoong nararamdaman niya para sa binata. Hindi lang iyon simpleng crush, dahil sa loob ng tatlong linggo nilang pagkakaibigan ay nauwi na iyon sa isang mas malalim na damdamin.
Mahal niya si JV. Kaya siya nasasaktan kapag kinukwento nito sa kanya ang tungkol sa babaeng nililigawan nito. Kaya binibigyan niya ng mas malalim na dahilan ang lahat ng kabutihan nito. At iyon din ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ngayon kaya niyang suwayin ang kasunduan nila ng kuya niya makasama lang niya ang binata.
Nag-init ang mga mata niya nang muling magtama ang paningin nila. May damdamin sa mga mata ni JV na hindi niya kayang ipaliwanag kaya naguguluhan siya.
“Halika na, para hindi ka masyadong gabihin pabalik” naisip niyang sabihin sa kabila ng kakaibang atmosphere sa paligid nila.

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon