NAKIUSAP sa kanya si Vinnie na hayaan nalang si Irene sa ginawa nito. Noong umpisa ay ayaw niyang pumayag, pero sa kalaunan dahil sa pamimilit nito ay napahinuhod narin siya ng kasintahan.
Isa ang ugaling iyon ni Vinnie sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal niya ito. Pero sa kabila ng pagbibigay niya ay nakarating parin ang issue sa College Dean ni Irene. Iyon ang dahilan kung bakit pinatawan ang dalaga ng dalawang linggong suspensyon.
Awtomatiko siyang napangiti nang matanawan si Vinnie kasama ang kapatid niyang si Hara na papasok ng canteen.
“Kuya!” bati sa kanya ni Hara nang mamataan siya nito kasama ang tatlo pa niyang kaibigan.
Tinanguan lang niya si Hara saka matamis na nginitian si Vinnie pagkatapos. Minabuti kasi nilang ilihim nalang muna ang tungkol sa kanilang dalawa. Para rin kasi iyon sa kapakanan ng dalaga. Alam niyang hindi pa ito pwedeng makipagnobyo kaya siya na mismo ang nagsuhestiyon na ilihim nalang nila ang kanilang relasyon hanggang sa panahong makapagtapos na ito.
“Kayo na ba?” narinig niyang tanong ni Raphael nang manatiling nakasunod ang paningin niya kay Vinnie.
Parang nagulat pang magkakasunod siyang napailing. “Hindi ah!” pagsisinungaling niya.
“Ikaw naman pare umamin kana, eh kung magsulyapan kayo halata namang may kakaiba eh” si Lemuel iyon na nanunukso pang tinapunan ng tingin sina Dave at Raphael.
“Hindi nga, bakit ba ang kukulit ninyo?” kunwari ay inis niyang sabi. Nagkibit lang ng balikat ang tatlo.
“Kumbinsihin mo nga ako” buska sa kanya ni Dave na sinundan pa ang sinabi ng isang mahinang tawa.
“Tumigil ka, baka mamaya marinig kayo alam niyo ng mahiyain iyon” naisip niyang sabihin sa kagustuhang tigilan na siya ng tatlo at nagtagumpay naman siya doon.
Sa totoo lang gustong-gusto niyang gawin iyon. Ang ipagmalaki at ipagyabang sa lahat na girlfriend na niya si Vinnie, pero alam niyang hindi pwede. At dahil mahal na mahal niya ang dalaga, gaya nga ng sinabi niya rito noong isang araw sa kampanaryo. Kaya niyang isakripisyo ang lahat makasama lang ito.
TATLONG magkakasunod na katok sa pinto at iniluwa niyon si JV. Maluwang siyang napangiti sa pagkakakita sa nobyong pumasok sa loob ng dressing room.
“Hello, na miss kita alam mo ba?” anitong nilapitan siya saka mabilis na hinalikan sa mga labi kaya siya malakas na napasinghap. “isang linggo na kitang nahahalikan pero hanggang ngayon hindi ka parin sanay?” anitong ang tinutukoy ay ang naging reaksyon niya. Hinila nito ang isang silya sa harap ng salamin saka lumapit ng husto sa kanya.
“N-Namiss mo ako eh di ba late naring natapos ang usapan natin kagabi sa phone?” ang sa halip ay isinagot niya habang nag-iinit ang magkabilang pisngi.
Noon nangungusap ang mga mata siyang pinagmasdan ng nobyo. “Alam mo ba ang totoo, na kung pwede lang itatanan na kita para sa umaga mukha mo ang una kong nakikita. Tapos sa gabi nahahalikan kita bago matulog?” naglalambing nitong turan.
Napangiti siya saka hinaplos ang mukha ng binata. “I love you, sige na baka abutan ka pa nina nanay at tatay” pagtataboy niya sa nobyo.
“I love you too” anitong hinalikan siya sa pisngi pagkatapos. “teka, may ibibigay pa kasi ako sayo” anitong iniabot sa kanya ang isang maliit na kahon.
“Ang ganda naman” aniyang pinaglipat-lipat ang tingin sa mukha ni JV at sa simple ngunit magandang ankle bracelet na kanya ng hawak ngayon.
“Nagustuhan mo?” anito.
Magkakasunod siyang tumango. “Thank you ah, sorry wala akong regalo sayo. One week pa naman na tayo ngayon” paumanhin pa niya.
“Okay lang, actually good luck charm yan. Bukod pa ang regalo ko sayo for our first week” anitong nakangiting kinuha ang ankle bracelet sa kanya. “ako nalang ang magsusuot sayo” anitong itinaas ang laylayan ng suot niyang saya.
Why I feel so blessed dahil minahal mo ako. At wala akong kahit kaunting pagsisisi na minahal kita, at kung sakaling lumabas man ang totoo at malaman ito ng kuya ko o ng kahit sino. Pangako ipaglalaban kita.
Mabilis siyang nagpahid ng mga luha nang itaas ni JV ang mukha nito. Pero huli na nakita na nito ang pag-iyak niya.
“Hey” nakangiti nitong sabi.
“Sorry, hindi lang kasi ako makapaniwalang nangyayari ito” pagsasabi niya ng totoo.
Tumawa ng mahina ang binata. “Ang alin, itong atin ngayon?” anitong sinimulang tuyuin ng sarili nitong panyo ang kanyang mga luha.
Tumango siya. “B-Bakit ankle bracelet?”
“To remind you how we first met. Our first dance, The Last Waltz” madamdaming hayag ng binata.
“Ang romantic mo alam mo ba? Kaya mahal na mahal kita eh” hindi niya napigilang ibulalas iyon habang kinikilig na nakangiti.
“Ows? Talaga mahal mo ako?”
“Sobra! Kaya nga selos na selos ako dun sa nililigawan mo eh!” aniyang tumawa pa pagkasabi niyon.
Napabungisngis ang binata. “I'm sorry, iyon lang ang nakita kong option para makuha ka. And baby kita mo naman, you're mine now” anitong kinindatan siya pagkatapos.
Namumula ang mukha siyang nagyuko ng ulo. Hindi siya nakapagsalita dahil ang totoo wala siyang mahagilap na anumang salita para ihayag ang tuwang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
“Listen” anitong ginagap ang kamay niya saka hinalikan. “ang sabi nila true love brings out the best. Before you, hindi ko talagang kilala ang sarili ko, kung hanggang saan ang kaya kong gawin para sa taong minamahal ko. Pero mula nang ma-realized ko kung gaano kita kamahal at naramdaman kong ayaw na kita pakawalan. Kaya kong ibigay ang buhay ko, mabuhay ka lang.”
![](https://img.wattpad.com/cover/130849151-288-k956143.jpg)
BINABASA MO ANG
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETED
Storie d'amoreCOMPLETED Sa kanilang apat siya ang talagang naniniwala sa magic at happy ending. Naniniwala rin siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Isang simple, mahinhin at mahiyaing babae...