Part 26

1.1K 29 0
                                    

MASIGABONG palakpakan at malakas na hiyawan. Kasabay iyon ng pagsasara ng malaki at kulay berdeng telon. Matamis siyang nginitian ni Vinnie, at kahit gustong-gustong niya itong yakapin ng mahigpit nang mga sandaling iyon ay nagpigil siya. Nakuntento nalang siya sa mahigpit na pagpisil sa kamay nitong hawak parin niya.
“JV, pare!” tinig ni Joey ang narinig niya. “congratulations” anitong iniabot ang kamay sa kanya.
Wala sa loob niyang sinulyapan ang nobya na noon ay nakamata lang. “Thank you din” aniyang kinamayan ang binata saka nakangiting tinapik ang balikat.
“Ako na nga pala ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Irene. Anyway, wala na kami” malungkot pa nitong amin sa kanya.
May simpatyang tinitigan niya ito. “Pasensiya kana rin kung napagtaasan kita ng boses. Masyado lang kasing mahalaga sakin ang taong ito kaya ayokong nakikita siyang nasasaktan” pagkasabi niyon ay hindi niya napigilan ang sariling sulyapan ng may affection si Vinnie.
“Masaya ako para sayo. Anyway, may outing ang tayo sa Sabado. Kung ako sayo ipagpapaalam ko na siya sa parents niya, sige” ani Joey na nakangiting tinapunan ng sulyap si Vinnie na noon ay kasama sina Melchor at Selma bago siya tinapik sa balikat at tinalikuran.
Gusto niya ang ideyang iyon ni Joey. Pero hindi niya maikakaila ang masidhing kabang naramdaman niya. Well kung gusto niyang makasama sa araw na iyon si Vinnie kailangan niyang harapin ang takot niya.
Kundi lang talaga kita mahal Lavinia.
“NATATANDAAN niyo pa ba si JV, nay, tay?” si Vinnie nang lapitan sila ng binata.
“Oo naman. Anong akala mo sa amin ng nanay mo ganoon na katanda?” si Melchor na tumawa pa ng mahina.
“Sa bahay ka na kaya kumain hijo? Hindi pa nga pala kami nakakabawi sayo sa paghatid dito kay Vinnie noong party ng kapatid mo” alok naman ni Selma.
Lihim siyang nagpasalamat sa ginawang iyon ni Selma at nang sang-ayunan iyon ng binata ay parang ibig niyang magtatalon sa katuwaan. Ang tatay niya mismo ang nagsabing sa kotse ni JV na siya sumakay sa halip na sa jeep nilang dala ng mga ito. Nabigla pa siya nang kabigin siya ni JV para siilin ng halik nang pareho na silang nasa loob ng kotse nito.
“I'm sorry, kanina pa kita gustong halikan” anitong sinuyod ng tingin ang mukha niya saka pagkatapos ay muling inangkin ang awang parin niyang mga labi.
Napapikit siya. Ganoon din naman siya madalas. Pero dahil nahihiya siyang magsabi ay hinihintay nalang niyang ang binatang gumawa ng first move.“T-Tara na, baka makahalata sila nanay” hinihingal niyang sabi nang pakawalan ng binata ang mga labi niya.
Noon nakangiting binuhay ng binata ang makina. “May outing daw sa Sabado, sama tayo?” anito.
“T-Talaga?” nasa tinig niya ang excitement.
Tumango-tango si JV. “Ipagpapaalam kita sa nanay at tatay mo.”
“Gagawin mo talaga iyon?” overwhelmed niyang naisatinig.
Tinanguan lang siya ni JV bilang pagsang-ayon.
“Excited nako” hindi niya napigilang sabihin.
Amused siyang sinulyapan ng nobyo. “Talaga? Sige nga bakit?” nanunudyo nitong sabi.
Mabilis na nag-init ang mukha niya nang makuha ang ibig sabihin ng sinabing iyong ng binata. “Ikaw ah! Siguro kung anu-ano nanaman ang tumatakbo diyan sa isipan mo ano?”
“Wala naman, maliban sa mas matagal na halikan at mas mahigpit na yakapan. Iyon lang, bakit gusto mo bang dagdagan ko pa?”
Nahihiya siyang nagyuko ng ulo. “Ang pilyo mo talaga!” aniya pang natawa ng mahina, at nang lingunin niya ang nobyo ay nakita niyang umangat ang sulok ng labi nito. “tumigil ka nga” saway niya sa binata bagaman nakangiti.
Natawa ng malakas doon si JV saka nangingislap ang mga matang sinulyapan siya nito. “Pero seriously” anitong ginagap ang palad niya saka pinisil. “gusto kong makasama ka ng mas matagal sa Sabado” gaya ng dati ay naramdaman niya ang katapatan sa sinabing iyon ng binata.
“P-Pareho tayo, ako din gusto ko lagi kitang kasama” amin niya.
Nang itaas ni JV ang kamay niya saka hinalikan ay buong pagmamahal niya itong nginitian. “I love you so much JV” aniyang naglalambing pang hinaplos ang kamay ng nobyo na mahigpit ang pagkakahawak sa kanya.
Nilingon siya nito ng nakangiti rin. “Mas mahal kita” sagot nito saka muling hinalikan ang likod ng palad niya. Hindi na siya nagsalita, alam niyang totoo ang sinabi ni JV dahil nararamdaman niya habang sa isip niya.
Parang gusto narin niyang maniwala sa sinasabi ng iba na mas masarap ang patagong relasyon. Iyong sa kabila ng tila malaking pader sa pagitan nila ay nagagawa parin nilang gumawa ng paraan para magkasama. At iyon ang tanging pinanghahawakan niya para isiping totoo ang nararamdaman nila para sa isa't-isa.

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon