Part 5

1.5K 37 2
                                    


KINAGABIHAN ay dinatnan na ni JV ang kotse niyang nakagarahe na sa parking space ng kanilang bahay. Mula SJU ay nag-commute nalang siya pauwi kahit inalok naman siya ng ride ng mga kaibigan niya. May gusto kasi siyang makita na hindi naman niya nakita.

"Ma" bungad niyang hinalikan ang ina sa pisngi.

"Anong nangyari sa inyo ni Irene, hijo?" kahit mababa ang tono ng pananalita ay naramdaman parin ni JV ang disappointment sa tinig ng ina.

"Break na kami Ma" maikli niyang sagot.

"Makipag-ayos ka sa kanya JV" anito sa tono na parang wala siyang kakayahang tumanggi.

Nakaramdam siya ng inis. "Nakikipag-flirt siya sa ibang lalaki at ayoko ng ganoon" pagbibigay katwiran niya sa sarili.

"Sa Sunday magho-host ako ng family dinner at iimbitahan ko sila. Kailangan ninyong magkaayos, you know wala akong ibang babaeng gusto para sa iyo maliban kay Irene" anitong binigyang diin ang huling tinuran.

Naiiling siyang hindi na nagkomento saka na umakyat sa kanyang kwarto. Wala siyang planong makipagbalikan kay Irene.

Nagbihis lang siya saka na lumabas ng kanyang silid. Nang madaanan ang bukas na silid ni Hara ay awtomatiko siyang napangiti. Biglang nabuhay sa isip niya ang isang imahe na mula kaninang umaga ay totoong nagpapangiti sa kanya tuwing naaalala niya.

"Brat!" tawag niya sa kapatid na abala sa binabasang libro.

"Oh kuya! May kailangan ka?"

Naupo siya sa gilid ng kama nito. "Tell me, gaano katagal mo ng kaibigan si Miss L?" hindi niya napigil ang sariling itanong iyon sa kapatid dahil talagang interesado siya kay Vinnie.

Naghihinala ang tinging ipinukol sa kanya ni Hara. "Nitong June lang kami nagkakilala. Paano mo siya nakilala? Saka pano napunta sayo yung panyo niya?" magkakasunod nitong tanong na ibinaba pa sa ibabaw ng kama ang binabasa nitong libro.

Napangiti siya. "Secret iyan, bakit hindi ba niya sinabi sayo?"

Umiling si Hara ng magkakasunod. "Mahiyain kasi iyong si Vinnie, saka napaka-private na tao nun. Actually kabaligtaran siya ng lahat ng naging kabit mo!" anitong napabungisngis nang sabihin ang salitang kabit.

"Napansin ko ngang parang may pagka-shy type siya" aniya. Kilala niya si Hara, alam niya kung paano pasusumpungin ang kadaldalan nito.

"Oo, pero mabait iyon at matalino. Teka, bakit parang sobrang interesado ka sa kanya?" taas ang isang kilay nitong nangingiting tanong.

"W-Wala! Bakit masama bang kaibiganin ang kaibigan ng kapatid ko?"

"Ows? O baka naman gusto mo siya? Alam mo kasi ang sabi niya sakin NBSB siya" at nagsimula na nga ang kadaldalan ni Hara.

"What?"

Tumawa ng malakas si Hara. "No Boyfriend Since Birth! Iyon ang meaning nung sinabi ko!"

"Di ibig sabihin pala kahit minsan hindi pa siya nagkakaboyfriend?"

"Oo. Ang sabi kasi niya sakin bawal daw siyang makipag-boyfriend kasi paaral siya ng kuya niya. Alam mo na bunso at nag-iisang babae. Saka nakita mo naman kahit walang make-up at kahit nakasalamin eh talaga namang napakaganda niya di ba? Kaya nga natipuhan mo siya eh. Pero ewan ko ba sa bruhang iyon, nasabi naman niya sakin na may contact lens siya pero bihira niyang gamitin. Siguro kasi hindi pa sanay."

Tumango-tango siya kaya nagpatuloy si Hara.

"Pero kuya kung may plano kang gawing past time si Vinnie huwag mo ng ituloy. Bestfriend ko iyon eh, baka kasi masira ang pagkakaibigan namin at ayokong mangyari iyon" bigla ay nagseryoso ang aura ng mukha ni Hara.

"Hayun at hinusgahan nanaman ako ng kapatid ko" natatawa niyang sabi.

"Hindi naman, worried lang ako sa kanya kasi alam ko naman kung ano sayo ang mga babae" paliwanag ni Hara.

Hindi siya nakapagsalita. Kahit sarili niyang kapatid hindi siya talagang kilala. Walang imik niyang tinungo ang pinto. At nang lingunin niya si Hara ay nakita niyang nakasunod ito ng tingin sa kanya.

"Sa totoo lang brat, parang hindi ko kayang gawing past time si Miss L" hindi iyon biro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight dahil hindi pa naman talaga siya naiinlove pero ang nararamdaman niya kay Vinnie ay hindi niya kayang ipaliwanag.

Para itong si Maria Clara, mahinhin, mahiyain pero kayang akitin ang lahat dahil sa natatangi nitong katangian. At kahit gaano man ito kasimple ay mas nangingibabaw parin ang tunay nitong kagandahan. Gusto niya ito. Hindi niya alam pero talagang gustong-gusto niya si Vinnie. Kaiba sa lahat ng babaing nagdaan na sa buhay niya. At masasabi niyang ito ang tipo niyang babae.

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon