“OH kumain ka ng marami ah, alam ko di kapa naghahapunan” si JV na hindi magkandaugaga sa pagaasikaso sa kanya nang kumakain na sila.
Naging busy na kasi noon si Hara sa mga bisita nito kaya si JV at ang tatlo pa nitong mga kaibigan at pati narin si Louise na nobya ni Raphael ang kasama niya.
“Ang dami naman nito, hindi ko 'to mauubos” mahina niyang reklamo saka sinulyapan ng pailalim si JV.
Narinig niyang nangalatak ang binata. “Anong marami, eh ang konti-konti lang niyan. Saka isa pa hindi mo naman kailangang mag-worry sa figure mo dahil kahit tumaba ka maganda ka parin sa paningin ko” anitong ilang beses na itinaas-baba ang makakapal nitong kilay kaya hindi niya napigilan ang matawa.
Nang mga sandaling iyon pakiramdam niya parang walang ibang tao sa mesang iyon maliban sa kanilang dalawa. “Corny mo ah” aniya pa.
“Sige kakainin ko nalang ang tira mo” pagkuwan ay sabi ng binata.
Nagulat siyang binalingan ito sa narinig. “Ano?” hindi makapaniwalang sabi niya.
“O bakit? Sabi ko kakainin ko nalang ang tira mo pag di mo naubos, kung nahihiya kang makita ng ibang may tirang pagkain sa plato mo. Sige sasaluhin ko ang pride mo” buska nito.
Binalot ng matinding kilig ang puso niya sa sinabing iyon ng binata. Ang alam niya mag-asawa at magboyfriend lang ang gumagawa ng ganoon. Kaya iba ang naging dating sa kanya ng sinabing iyon ng binata.
Sana pwede kong ilagay sa frame ang moment na ito para pwede kong idisplay sa side table sa kwarto ko at titigan anytime.
Masayang-masaya siya, kaya nawala na nang tuluyan sa isip niya si Irene na panay ang pukol ng matatalim na sulyap sa kanya nang hindi niya nalalaman. Nasa kalagitnaan na nang programa nang i-request ni Hara na kumanta si Raphael, nagpaunlak naman ang binata. Bilang lead vocalist ng SJU Rock Band ay hindi na siya nagtaka doon. Pero ang totoong ikinagulat niya ay ang ginawa ni JV. Dahil ilang sandali pa nang makababa si Raphael, kasama ng ibang band members ay naiwan na sa stage ang binata.
“Ehem!” ani Dave saka siya makahulugang nginitian nang sulyapan niya ito.
Ngumiti lang si Lemuel at saka nasisiyahang pinagmasdan si JV. Nang simulan nang tugtugin ng banda ang introduction ng kantang Basta't Kasama Kita na version ni Josh Santana ay noon tumahip ng matinding ang kaba sa dibdib niya. Paborito niya ang kantang iyon at sa totoo lang iyon ang theme song niya sa lihim niyang nararamdaman para kay JV. Nakakatawang isipin pero wala siyang pinagsabihan na kahit sino tungkol sa kantang iyon.
Pareho lang ba tayo ng nararamdaman ha JV?
“Alam mo bang dalawang araw niyang inaral ang kantang iyan para sayo?” nakangiting pagbibigay alam ni Raphael sa kanya.
Napalunok siya sa narinig. Sinulyapan niya si Raphael pero mabilis din niyang ibinalik ang paningin kay JV nang simulan nitong awitin ang kanta. Nag-init ng husto ang mga mata niya. Hindi man kasing ganda ng boses ni Raphael ang boses ni JV, para sa kanya walang sinabi ang sinumang singer sa tinig ng binata. At dahil nasa harapan lang ng stage ang mesa nila ay hindi nalingid sa kanya na nanatili itong nakatitig sa kanya habang seryosong umaawit.
Basta't kasama kita, lahat magagawa, lahat ay maiaalay sayo. Basta't kasama kita walang kailangan pa, wala ng hahanapin pa, basta't kasama kita.
Hindi niya maintindihan pero nararamdaman niyang ang bawat mensahe ng kantang iyon ay ang totoong gustong iparating sa kanya ng binata. Ang totoong nararamdaman nito sa kanya. Isama pang inamin sa kanya ni Raphael na dalawang araw na inaral ni JV ang kantang iyon para sa kanya.
siguro kailangan ko ng magpaturo ng kanta kay Raphael, naalala pa niyang sinabi ng binata.
Pinigil niya ang maiyak at nagtagumpay naman siya doon. Masigabong palakpakan ang sumunod niyang narinig. At nang lapitan siya ni JV, napuna niya ang kakaibang lagkit ng mga titig nito sa kanya.
“Two down, and two to go” anito nang maupo ulit sa tabi niya na nakuha naman niya ang ibig sabihin.
Noon niya inabot ang baso ng tubig saka ibinigay sa binata. “Maganda, ang galing mo” mula sa rim ng baso ay nakita niyang kumislap ang mga mata ni JV sa sinabi niyang iyon. “favorite ko ang kantang iyon alam mo ba?” pagsasabi niya ng totoo nang hindi siya makatiis.
Tumaas ang sulok ng labi ni JV. “Ows, hindi nga?”
Magkakasunod siyang tumango. “Oo nga, kaya nga ang saya-saya ko kasi kinanta mo ang favorite song ko” pabulong niyang sabi. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na aminin iyon pero wala siyang pinagsisisihan lalo at nakita niyang ang kakaibang kasiyahan sa mga mata ng binata.
Ngayon naniniwala na siya sa sinabi noon ni JV sa kanya na ang mga palad, parang labi rin kapag naglapat, kahit hindi parin naman niya naranasan ang mahalikan. Dahil nang hawakan ni JV ang kamay niyang nasa ilalim ng mesa ay mabilis niyang naramdaman ang masarap na kuryenteng nanulay doon. Hindi iyon ang unang pagkakataong naglapat ang mga palad nila. Pero parang may kakaiba. Mas sumidhi ang nararamdaman niyang kaba. At nang pisilin iyon ng binata habang matamang nakatitig sa kanya ay nag-iinit ang mukhang nagyuko siya ng ulo.
Hindi niya kayang tagalan ang mga titig nito kahit gusto niyang pagmasdan ang kakaibang kislap ng mga mata nito. Pero gaano man ka-weird ang lahat ng nararamdaman niya, isa lang ang tiyak niya. At iyon ay ang kakaibang tuwang nasa puso niya nang mga sandaling iyon.
Sana pwedeng ganito tayo forever!
![](https://img.wattpad.com/cover/130849151-288-k956143.jpg)
BINABASA MO ANG
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETED
RomanceCOMPLETED Sa kanilang apat siya ang talagang naniniwala sa magic at happy ending. Naniniwala rin siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Isang simple, mahinhin at mahiyaing babae...