Part 10

1.3K 36 0
                                    


"MAG-seatbelt ka ah?" paalala sa kanya ni JV nang pareho na silang nasa loob ng kotse nito.

Nahihiya niyang nginitian ang binata. "Ah," sandali siyang nangapa saka kalaunan ay naisipang aminin nalang ang totoo. "h-hindi ako marunong, paano ba? Sorry wala kasi kaming kotse."

Nakita niyang nangingislap ang mga matang napangiti sa sinabi niyang iyon ang binata. "Okay" anito. "ako nalang, huwag kang malikot" saka nito maingat na inilagay ang seatbelt.

Ilang segundo lang iyon kung tutuusin. Pero pakiramdam niya iyon na ang pinakamatagal na five seconds ng buhay niya. Hindi siya kumilos, ayaw niyang gumawa ng anumang pagkakamali dahil alam niyang masyadong malapit ang kamay ni JV sa kaniya habang ikinakabit nito ang seatbelt.

"T-Thanks" nahihiya niyang sabi saka ngumiti matapos ay pinakawalan ang lahat ng hiningang pinigil niya.

Nakangiti lang itong tumango saka na binuhay ang makina ng sasakyan. "Marami akong alam na pwedeng ituro sayo, all you have to do is ask" pabiro nitong sabi sabay kindat.

Hindi niya alam kung paano mag-re-react sa sinabing iyon ng binata. Iyon kasi ang unang pagkakataong sumama siya sa isang lalaki maliban sa kuya at tatay niya. Hindi rin naman niya maintindihan ang sarili kung paanong nagawa ni JV ang paayunin siya sa gusto nito. Parang noong Foundation Ball, marami ang gwapong nagyaya ng sayaw sa kanya na tinanggihan niya. Pero nang si JV na ang lumapit sa kanya, bakit parang nawalan siya nang lakas na magsabi nang hindi?

Dahil sa kabila ng hiyang nararamdaman niya, iniabot parin niya ang kamay sa binata. At nang maramdaman niya ang init ng palad nito para siyang nag-time travel. Feeling niya siya si Cinderella na isinasayaw ng waltz ng kanyang prince. Iyon nga lang talagang hindi niya nagawang tingnan ito sa mata. Kaya nanatili nalang siyang nakayuko habang nagsasayaw sila.

Naniniwala siyang gentleman si JV at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa niyang sumama dito ngayon. May tiwala siya sa binata at nararamdaman niyang safe siya kapag nasa tabi niya ito.

"Ilang taon ka na ulit Miss L?" nagulat pa siya nang marinig ang tanong na iyon.

"Sixteen, mag-se-seventeen na actually" aniya saka ito sandaling sinulyapan at pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa suot niyang bead bracelet na madalas niyang paglaruan kapag tensyonado siya.

"Kinakabahan ka ano?"

Nang lingunin niya ang binata ay nakita niyang nakangiti itong sumulyap sa bracelet niya at pagkatapos ay sa kanya. "H-Ha?"

Tumawa si JV. "Huwag kang mag-alala hindi kita re-rape-in

"A-Alam ko naman yun, saka alam ko ring hindi mo ako type" huli na para bawiin iyon.

"At sinong nagsabi sayong hindi kita type?" pagkasabi niyon ay nilingon siya nito saka hinagod ng tingin ang kanyang mukha.

Magkakasunod ang ginawa niyang paglunok. Gusto niyang magsalita at bigyang katwiran ang sarili pero minabuti niyang tumahimik nalang.

"Sa tingin mo pag-aaksayahan kita ng panahon kung hindi ka special sakin?"

"A-Ako special sayo?" hindi makapaniwala niyang naisatinig.

Ayaw niyang isiping si JV ang tipo ng lalaking mahilig magpasakay ng babae sa kabila ng pagkakaroon nito ng imaheng playboy sa SJU. Lalo at bata pa siya, gusto niyang isiping katulad ito ng inaasahan niya. Ni Lloyd na kuya niya.

"Hindi kita binobola Miss L, pero kung para sayo mahirap paniwalaan ang sinasabi ko, I understand."

Parang gusto niyang pagalitan ang sarili nang marinig ang lungkot sa tinig ng binata. At nang sulyapan niya ito at magtama ang kanilang mga mata, nabasa niyang nagsasabi ito ng totoo. Kaya lang hindi niya alam kung dapat siyang magpadala doon, lalo na at ang isang kagaya niya, imposibleng magustuhan ng binata sa ganoon kadaling panahon.

At isa pa kapag inalagaan niya ang feelings na mayroon siya ngayon para dito, sigurado siyang mauuwi sa mas malalim na damdamin ang simpleng crush niya para sa binata. Alam niyang hindi siya ang tipo ng babaeng seseryosohin nito. Ibig sabihin, masasaktan lang siya.

"Siya nga pala, pumayag si Joey na ako nalang ang mag-train sayo" bahagya siyang nagtaka sa nahimigang katuwaan sa tinig ni JV pero sa kalaunan ay minabuti niyang huwag nalang iyong bigyan ng kulay. Kahit pa sa puso niya ay hindi niya napigilan ang panunuot ng masarap na kilig.

"T-Talaga?" ang tanging naisatinig niya

Tumango ng magkakasunod ang binata. "Yup! Sa tingin mo? Sa anong oras ka magiging komportable?"

"Para sa practice nating dalawa?" paglilinaw niya.

Tumango lang ulit ang binata.

Sandali siyang tumahimik saka nag-isip. "P-Pwede siguro after class tapos pag nag-start na ang rehearsals natin magiging after rehearsals na. Para sana diretsong uwi na ako pagkatapos ng practice natin. Okay lang ba iyon?" aniyang nilingon ang binata.

"Sige, walang problema. Let's start tomorrow, sa tingin mo? Saka okay lang ba sayo kung sa amin natin gawin ang training mo?" anitong kinukuha ang opinyon niya.

Muli niyang nilingon si JV. At nang magtama ang mga mata nila ay naramdaman niya ang kakaibang kapanatagan ng loob na hindi pa niya naramdaman kahit kanino. "O-O sige" aniyang sinang-ayunan ang gusto nito. "mga ilang araw mo pala ako tuturuan?" pagkuwan ay dugtong niya.

Nagkibit ng balikat ang binata saka siya sandaling sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa daan. "Maybe a week? Depende kung gaano ka kabilis matuto. Hayaan mo, hindi ko nakakalimutan iyong promise ko. magiging gentleman ako sayo" anito sa isang tinig na may katiyakan.

Naniniwala ako sayo, hindi ko alam kung bakit pero lahat nalang ng sabihin mo nararamdaman kong totoo.

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon