Napangiti siya sa sinabing iyon ng binata dahil ganoon din naman siya. Pakiramdam pa niya kahit sa simpleng gesture lang na iyon kahit sobrang down siya ay magagawang pawiin ng masarap na damdaming hatid niyon ang lahat ng kalungkutang nararamdaman niya.
“Okay” aniya pagkuwan ng nakangiti.
“Right, that's my girl” anitong nangingislap ang mga mata siyang kinindatan pagkatapos.
“ANG laki naman ng bahay ninyo, mansyon! Malaki pa ito sa kabuuan ng poultry namin” pagbibigay alam sa kanya ni Vinnie. Naglalakad na sila noon papunta sa likurang bahagi ng bahay nila kung saan naroon ang isang land scaped garden, ang paborito niyang spot sa bahay nila.
“Gusto mo ba dito sa amin?” nakangiti niyang tanong sa dalaga saka niya ito iginiya paupo sa naroong bakal na swing.
Sandaling natigilan si Vinnie at nagtatanong ang mga mata siyang tinitigan.
“Ano ba namang klaseng tanong iyan?” nakatawa nitong tanong-sagot.
Nagkibit siya ng balikat saka iniabot kay Vinnie ang isang folder kung saan naka-file ang script nito para sa dula. “Kasi kung sakaling hindi mo gusto dito, willing naman akong magtayo ng bahay para sating dalawa someday!” aniyang sinundan ang sinabi ng isang mahinang tawa.
Namula ng husto ang mukha ni Vinnie sa sinabi niyang iyon. Malapad pa siyang napangiti nang makita ang muli nanamang pagkailap ng mga mata ng dalaga sa kanya.
“Joke lang” pagkuwan ay bawi niya sa sinabi kahit totoo iyon sa loob niya.
Narinig niya ang isang malalim na buntong hininga pinakawalan ng dalaga. “Ikaw naman kasi kung anu-ano ang sinasabi mo!” anitong mahina pang hinampas ang balikat niya.
Marami pa sana siyang gustong sabihin kay Vinnie gaya nalang ng gusto niya ito. Pero minabuti niyang huwag nalang. Mahirap na, baka kapag ginawa niya iyon iwasan siya ng dalaga.
Timing, perfect timing. Sana makisama sa nararamdaman kong ito para sayo ang pagkakataon.
“So paano, let's start?” pagkatapos ng ilang sandali ay sabi niya.
Tumango-tango ang dalaga. “Sige, para sa grade ko sa Filipino.”
Napakamot siya ng ulo. “Pwede bang idamay mo narin ako?” aniyang nangingiti.
Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. “Idamay?”
Magkakasunod siyang umiling saka tumayong binuklat ang sariling folder. “Wala, sige na start na tayo.”
“Oo na, inspirasyon din kita, kung iyon ang gusto mong marinig” nagulat siya sa sinabing iyon ni Vinnie.
Awtomatikong humaplos sa puso niya ang kakaibang pakiramdam na hatid ng matamis nitong ngiti. Nang mapupula nitong mga labi, ng napaka-amo nitong mukha. Kaya naman hindi niya napigilan ang sariling hawakan ang kamay nito saka bahagyang pinisil pagkatapos.
This is magic.
BINABASA MO ANG
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETED
RomanceCOMPLETED Sa kanilang apat siya ang talagang naniniwala sa magic at happy ending. Naniniwala rin siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Isang simple, mahinhin at mahiyaing babae...