Part 19

1.1K 28 0
                                    

NATAWA ng mahina doon si JV.
“Effortless talaga ang mga paglalambing mo ano?” aniyang hinaplos -haplos ang pisngi ng dalaga.
“Naglalambing ba? Hindi naman ah!” nakatawang sagot naman ni Vinnie.
Sandali niyang pinakatitigan ang maganda nitong mukha. “Glad to hear that, ibig sabihin natural sayo iyan. Lalo tuloy akong nai-inspire manligaw” masaya niyang turan.
Nakita niya ang lungkot na lumarawan sa mga mata ni Vinnie saka ito lumayo sa kanya at muling binuklat-buklat ang folder kung saan naka-file ang script nito. “O-Oo nga pala, kumusta na ang panliligaw mo?”
“Okay naman, salamat sayo ah” aniyang makahulugan pang nginitian ito nang sulyapan siya sandali.
Tumango lang si Vinnie saka nagbuntong hininga. Sa lalim niyon ay lalong tumibay ang paniniwala niyang nagseselos ito.
“K-Kelan mo ba ako ipapakilala sa kanya?”
“Saka na, makikilala mo rin siya. At paniguradong magugulat ka” aniya pa ulit.
Salubong ang mga kilay siya nitong nilingon. “Magugulat?”
Tumango lang siya bilang tugon. “Tara sa canteen, libre ko” aniya sa kagustuhang ibahin ang usapan.
“Lagi mo namang sagot ang pagkain ko eh, alam mo malapit ko ng mapuno iyong alkansya ko?” anitong tumawa pa ng mahina.
Amused niya itong tinitigan. “Ganyan ang gusto ko sa babae, magaling humawak ng pera. Mabuti nalang talaga at ganyan ka” palipad hangin nanaman niya.
Nagkibit ng balikat si Vinnie. “Tara na, nagugutom nako” anitong nauna ng tumayo.
Nang hawakan niya ang kamay ni Vinnie ay naramdaman niya ang kakaibang init sa damdamin niya na nararamdaman lang niya kapag kasama niya ito. Nakakatuwang isiping parang ginawa ang mga kamay ng dalaga para sa kanya. At may feeling pa siyang hindi na niya gugustuhing humawak ng ibang kamay maliban sa mga kamay ni Vinnie.
MAGKAHALONG excitement at kaba ang nararamdaman ni Vinnie nang mga sandaling iyon. Ilang beses niyang sinipat sa harap ng malaking salamin ang sarili niya para lang matiyak na magandang- maganda siya. At kinikilig siya kapag naiisip kung ano ang pwedeng sabihin ni JV oras na makita siya nito sa kauna-unahang pagkakataon na walang suot na glasses.
“Ang ganda naman ng anak ko!” sa may pinto ay nakita niya ang tatay niyang si Melchor na nakatayo doon.
Iyon ang gabi ng birthday party ni Hara. At dahil bestfriend siya nito ay invited siya sa malaking salu-salong gaganapin sa mismong malaking bahay ng mga ito.
“Talaga Tay?” nakangiti niyang nilapitan ang ama.
Kabubukas lang ng klase niya sa kolehiyo nang magpasukat siya ng contact lens. Pero dahil hindi siya sanay, bihira kung gamitin niya ang mga iyon. At madalas kapag may dinadaluhan lang siyang pagtitipon katulad nalang ngayon.
“Oo naman, at bagay na bagay sayo iyang bestida mo” ang tinutukoy nito ay ang kulay lumot niyang bestida.
Natawa siya. “Kanino pa nga ba ako magmamana kundi sa inyo ni Nanay” naglalambing niya bulalas saka na dinampot ang purse na nasa ibabaw ng kanyang tokador.
“Magtext ka nalang kung magpapasundo ka ha?” ang nanay niyang Selma na inihatid siya sa may labasan kasama ang tatay niya.
Tumango siya. “Hindi naman po ako magpapagabi ng husto” paniniyak niya bago sumakay sa traysikel na naghihintay sa kanya.

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon