SAKAY na sila ng elevator ay nanatili siyang tahimik.
Silang dalawa lang noon ng binata at nasa fourth floor pa ng gusali ng ospital ang kwarto ni Hara nang biglang mamatay ang ilaw sa loob ng elevator. Napatili siya at saka mahigpit na humawak sa braso ni JV.
"B-Bakit namatay ang i-ilaw?" nanginginig ang tinig niyang tanong.
Takot siya sa dilim, iyon ang dahilan kung bakit madalas kapag natutulog siya ay bukas ang lamp shade sa kwarto niya. Pero hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla nang bigla namang umalog ang elevator, mas malakas ang pinakawalan niyang tili dahil doon kasabay ng pagkawala niya ng balanse.
Dahil sa kawalan ng ibang makakapitan ay yumakap siya ng mahigpit kay JV. Nanginginig ang buong katawan niya sa takot nang mga oras na iyon. Subalit nang maramdaman niyang humapit sa baywang niya ang kamay ni JV ay marahas siyang napasinghap, kasabay ang masarap na kilabot na nanulay sa kanyang katawan.
"Relax. Baka nagka-problema lang" noon nagkaroon ng liwanag dahil sa iPhone na hawak ng binata. Saka palang niya nakita ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
Ilang pulgada lang ang distansya ng mukha nito sa kanya. Napakabango ng hininga nito na parang pakpak ng ibon na humahaplos-haplos sa kanyang mukha. Ramdam niya ang matigas nitong dibdib na tela lang ang tanging pagitan sa kanya.
Ngayon palang parang hindi na siya makakilos, paano pa kaya kung? Mabilis niyang iwinala sa isipan ang eksenang pumasok sa malikot niyang imahinasyon. At ang kamay nito sa baywang niya, bakit parang napaka-gentle parin niyon kahit mahigpit naman kung tutuusin ang pagkakahapit doon?
Namumula ang mukha niyang minabuting ilayo ang sarili sa binata. "S-Sorry."
"Okay lang" noon naman saktong nagbukas ang ilaw ng elevator. "sa tingin ko kailangan na nilang ipaayos ang isang ito" anitong tumawa pa ng mahina.
"Anong ipapaayos?" ang naisatinig niya nang palabas na sila at naglalakad na sa lobby ng ospital.
"Iyong elevator, nabuking tuloy ang secret mo" anitong nangingiti siyang sinulyapan habang nakapamulsang naglalakad. "takot ka pala sa dilim huh! Paano nalang pag gabi? At higit sa lahat, pag nag-honeymoon pala tayo, dapat lights on?" hindi napigilan ni JV ang matawa sa sinabing iyon.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil doon. At sa halip na mainis ay kinilig pa siya ng lihim sa sinabing honeymoon ng binata. "Tumigil ka nga! Anong honeymoon? Ikaw ah!" nangingiti narin niyang sabi.
"Bakit imposible ba iyon eh babae ka, lalake ako. Ibig sabihin pwede tayong magka-develop-an" ngiting-ngiti nitong sabi saka umiiling na tumingin sa kisame. "Kapag ganoon, huwag kang magpapanic. May cellphone ka naman na pwede mong gawing ilaw di ba? Eh sa takot mo kanina hindi mo na nga naisip iyon. Basta ka nalang yumakap sakin" anitong nanunukso pa siyang sinulyapan.
Sa totoo lang ang sarap mong yakapin. And masarap kang yumakap.
"Hayaan mo tatandaan ko iyan, and by the way sa'tin lang iyon okay?" maluwang na siyang napangiti noon dahil sa pagkakahawa niya sa nakikitang katuwaan sa mukha ng binata.
"Alin iyong takot ka sa dilim o iyong yakapang nangyari?" taas ang dalawang kilay siya nitong nginitian.
Nag-init ng husto ang mukha niya. "P-Pareho!" sagot niyang pabiro pa itong inirapan pagkuwan.
PAGLABAS nila ng private room ni Hara ay noon niya natanawang parating sina Carmela at Jovic. Nakita niyang kay Vinnie agad napako ang paningin ng dalawa lalo na ang Mama niya na sinuyod pa ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Mabilis niyang naramdaman ang inis para sa ina. Lalo na nang mapuna niyang nahihiyang nagyuko ng ulo si Vinnie na bahagya pang sumiksik sa tabi niya. Sa huling ginawing iyon ng dalaga ay hindi niya napigil ang mapangiti dahil kahit hindi niya aminin alam niyang nagustuhan niya iyon.
"Ma, Pa!"
"Paalis na kayo?" ang Papa niyang mabait pang ngumiti kay Vinnie.
"Yeah. By the way bestfriend ni Hara, si Vinnie" minabuti niyang sabihin na ang totoo sa mga ito dahil napuna niyang nanatiling tiim ang titig ni Carmela sa dalaga.
"Hello po" ang bati ni Vinnie sa mga ito.
Sa ginawa niyang iyon ay mabilis na nagbago ang aura ng mukha ni Carmela at sa halip ay mabilis na nginitian si Vinnie. "Kumusta ka hija?" anitong hinalikan pa sa pisngi si Vinnie.
"Mabuti naman po. Ikinagagalak ko po kayong makilala" anang dalaga nang kamayan nito si Jovic.
"Pa'no we got to run, Ma? I'll see you sa bahay mamaya" pagkasabi noon ay tinapik pa niya ng mahina ang balikat ni Jovic na nakangiting tumango lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/130849151-288-k956143.jpg)
BINABASA MO ANG
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETED
RomanceCOMPLETED Sa kanilang apat siya ang talagang naniniwala sa magic at happy ending. Naniniwala rin siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Isang simple, mahinhin at mahiyaing babae...