“KUYA? Kuyaaaaaaaaaaaaa!” tili niya nang makababa sa kotse ni JV kinabukasan ng hapon nang mamataan niyang nakatayo sa may terrace si Lloyd.
“Kumusta ka kulet? Aba malaki ka na talaga ah!” si Lloyd na mahigpit siyang niyakap pagkatapos.
“Na-miss kita!” aniya saka nilingon si JV na kabababa lang ng kotse nito.
“Namiss din ki___” nangunot ang noo niya nang makitang tila nakakita ng multo si Lloyd nang mamataan nito si JV na ngumiti naman dito. “a-ano mo siya?” ang naitanong ni Lloyd habang tiim itong nakatitig kay JV.
“Ah, kaibigan ako ni Vinnie. Ako nga pala si JV, madalas kang ikwento sa akin nitong kapatid mo” si JV na iniabot pa ang kamay kay Lloyd pero nakapagtatakang hindi iyon pinansin ng kapatid niya.
“Kilala na kita, taga-SJU rin ako noon. Alam ko rin na apo ka ng isa sa apat na founder, anyway makakalis kana. Salamat sa paghatid mo dito sa kapatid ko” anitong lantaran ang ginawang pagtataboy sa binata.
Hindi niya maitatanggi ang inis na naramdaman sa kapatid. Lalo na nang sulyapan siya ni JV bago ito tumalikod para tunguhin ang kotse nito.
“JV!” hindi niya napigilan ang sariling tawagin ang nobyo na nakangiti namang lumingon sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang maramdaman ang kamay ni Lloyd sa braso niya. Pero binawi niya iyon saka patakbong nilapitan ang nobyo.
“Pasensya kana, magkita nalang tayo sa school bukas ha? Tapos mamaya tawagan mo ako” aniya sa tinig na alam niyang hindi na aabot sa pandinig ni Lloyd.
Tumango lang ang binata. “I love you” anito bago siya makahulugang nginitian.
Madilim ang mukha ni Lloyd nang harapin niya ito. Alam naman niya kung bakit, may usapan sila at malamang naghihinala na ito. Pero wala sa plano niya ang makipaghiwalay kay JV. Kahit ang kapatid pa niya ang humadlang sa pagmamahalan nila.
KINABUKASAN dahil parehong maaga ang labas, napagkasunduan nila ni JV na manood ng sine. Excited pa siyang lumabas sa huling klase nila dahil alam niyang nasa parking lot na ang nobyo at naghihintay sa kanya. Pero iyon nalang ang pagkadismayang naramdaman niya nang mamataang naglalakad sa mismong corridor ng building nila si Lloyd.
“Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?”
“Anong ginagawa mo dito kuya?” inis niyang tanong kahit obvious naman ang dahilan kung bakit pinuntahan siya nito.
“Bakit parang naiinis ka? Hindi mo ba gustong nandito ako? Bakit, kasi may kakatagpuin kang iba?” walang gatol nitong magkakasunod na tanong.
“H-Ha?” hintakot niyang sambit.
“Halika na umuwi na tayo, hindi ko gustong lumalapit sayo ang JV na iyon. Saka di ba may usapan tayong bawal ang boyfriend? Bakit ka niya nilalapitan, anong meron sa inyong dalawa?” seryoso ang tinig ni Lloyd kaya lalo siyang kinilabutan sa takot.
“K-Kaibigan ko lang si JV, kuya” giit niya.
“Iyon naman pala eh, di ibig sabihin wala kang obligasyon sa kanya. Halika na” pagkasabi niyon ay saka siya nito tinapunan ng isang nagbabantang tingin.
Nagpupuyos ang damdamin siyang napasunod. Mula sa nilalakaran nilang corridor sa second floor ng gusaling iyon ay natanaw niya ang parking lot. At nakita niyang nakatayo doon ang nobyo at naghihintay sa kanya. Parang gusto niyang umiyak nang mga sandaling iyon. Gusto niya itong lapitan at sabihing hindi na matutuloy ang date nila pero alam niyang magagalit lang si Lloyd.
Noon niya kinuha ang kanyang cellphone. Pero bago pa man niya nasimulan ang paggawa ng mensahe ay maanghang na salita nanaman ng kuya niya ang narinig niya.
“Akala ko ba kaibigan mo lang? Bakit kailangan mo pang itext na uuwi ka na?”
Napapikit siya saka isinandal ang ulo sa head rest ng jeep. Napipikon na siya pero hangga't kaya niya, kailangan niyang magpasensiya. Hindi niya pinansin ang sinabing iyon ni Lloyd saka itinuloy ang paggawa ng mensahe.
Habang daan ay nanatili siyang walang imik. Hindi niya maikakaila ang pag-asam na sana ay hindi nalang umuwi ng Pilipinas ang kuya niya. Ayaw niyang mamuhi rito pero hindi niya maiwasan lalo at nararamdaman niyang bukod sa usapan nila ay parang may personal itong galit kay JV na hindi niya maunawaan.
BINABASA MO ANG
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETED
RomanceCOMPLETED Sa kanilang apat siya ang talagang naniniwala sa magic at happy ending. Naniniwala rin siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Isang simple, mahinhin at mahiyaing babae...