Part 28

1.1K 31 0
                                    

TANGHALI nang marating nila ang private beach resort na pag-aari ng pamilya ni Joey. At dahil iyon ang unang pagkakataon na nakaligo siya sa beach ay in-enjoy niya ng husto ang pagkakataon.
May maliliit na cottages na nakatayo sa baybayin di kalayuan sa dalampasigan. At dahil nga overnight swimming iyon, sa maliliit na kubong iyon sila magpapalipas ng gabi. Hindi naman kasi lahat ng member ng guild ay nakasama kaya nagawa nilang mag-stay sa tig-iisang cottage. At dalawang magkatabing cottage ang pinili ni JV para sa kanila.
“Baka hinahanap na tayo nung mga iyon” aniya nang hindi na niya matanaw sinuman sa mga kasamahan nilang masayang nagtatampisaw din sa dagat.
“Tsk, hayaan mo sila. Gusto nga kitang masolo tapos sasali tayo sa magugulong iyon” anitong hinila siya paupo basang buhangin.
“Sana pwedeng ganito tayo lagi ano?” naisatinig niya nang matapos ang matagal na pakikipaglaro nila ng binata sa mga alon.
“Lagi naman tayong masaya di ba? Kahit nagtatago tayo wala akong maramdamang kulang.”
Nasa mga mata ng binata ang sinabi nito. Noon niya naglalambing na inihilig ang ulo sa balikat ng nobyo pagkatapos ay siya na mismo ang umabot sa kamay nito saka iyon itinaas at masuyong hinalikan.
Nakita niyang napapikit si JV sa ginawa niya. “Mahal na mahal na mahal kita, kahit siguro dumating ang time na magsawa ka sa ganitong set-up at makakita ng iba. Kahit masaktan ako, mamahalin parin kita, kahit hindi na kita kasama” totoo iyon sa loob niya at iyon ang talagang nararamdaman niya.
“Ba't iniisip mo bang iiwan kita? Na hindi ako seryoso sayo? Sa tingin mo gagawin ko ang lahat ng ito kung hindi kita mahal?” seryosong tanong ng binata.
Nagbuntong hininga siya. Hindi niya maintindihan pero mula kung saan ay biglang nabuhay ang kakaibang takot sa dibdib niya. “H-Hindi, alam kong mahal mo ako. Nararamdaman ko iyon, kaya lang paano kung hindi pala talaga tayo? I mean, paano kung dumadaan ka lang sa buhay ko?”
Tumawa ng mahina ang binata. Pagkatapos ay masuyong ikinulong ng dalawang kamay nito ang kanyang mukha. “Kung anu-ano ang naiisip mo alam mo ba? Hindi mangyayari iyon, dahil gagawin ko ang lahat maging tayo lang hanggang sa huli.”
Nang hindi siya magsalita at nanatiling nakatitig lang sa binata ay muling nagsalita si JV. “As long as I am with you alam kong magagawa kong gawing posible ang lahat ng imposible. Kasama na doon iyong gawing tayo ang magkasama habang buhay kahit ayaw ng tadhana” hinipo ng sinabing iyon ng binata ang takot na dibdib niya.
At nang maramdaman niya ang mainit nitong labi sa kanya. Gaya ng bawat hampas ng alon sa dalampasigan ay tinangay narin patungo sa dako pa roon ang takot na nararamdaman niya. At sa halip ay buong pagmamahal niyang tinugon ang maalab na halik na iyon ng binata.
KINAGABIHAN matapos ang hapunan ay agad siyang inihatid ni JV sa cottage niya.
“Hindi ka pa ba matutulog?” nasa tapat na sila noon ng cottage niya.
“Nagyaya ng chess si Joey eh, promise sandali lang ako” paniniyak nito sa kanya.
Napalabi siya. “Sigurado ka, sandali lang ah.”
“Promise, sige na i-lock mo ng mabuti ang pinto okay? I love you” saka siya dinampian ng halik sa labi ng binata.
Madaling araw nang marinig niya ang magkakasunod na katok sa pinto. Sumilip siya sa bintana at nakita niyang si JV ang nakatayo sa labas ng pintuan ng kanyang cottage. Sa pagkakakita sa nobyo ay biglang naglaho ang lahat ng antok na mayroon siya at sa halip ay buong kasabikang pinihit pabukas ang knob.
“Lasing ka?” ang bungad niya sa nobyo. Mabilis na nagtayuan ang maliliit na balahibo niya sa batok nang malanghap ang alak sa hininga nito.
Namumungay ang mga mata siyang tinitigan ng binata. “Hindi, nakainom lang” anito saka siya niyakap ng mahigpit.
“Ba't ka nandito? Mamaya may makakita satin” nag-aalala ang tinig niyang turan.
Narinig niyang tumawa ng mahina ang nobyo.  “Alam mo bang baliw na baliw ako sayo?” tanong nito sabay hinawakan ang kanyang mukha saka siya itinulak papasok sa loob ng cottage.
Napangiti siya. “Weh? Sinasabi mo lang yata iyan kasi nakainom ka eh” kinikilig niyang sabi.
Noon inabot ni JV ang knob saka iyon diniinan bago tinulak pasara ang pinto. “Hindi ako pwedeng uminom ng marami kasi kasama kita. Mamaya may mangyari dito paano kita poprotektahan kung lango ako sa alak?”
“So superman lang ang peg mo ganoon?” buska niya sa binata.
“Kahit sino kaya kong maging, basta para sayo” nakatawa nitong sabi. “kasi mahal na mahal kita” ramdam niya sa mga titig ni JV ang sinabi nito.
Hindi siya sumagot at sa halip ay kusang umangat ang dalawang kamay niya saka dinama ang mukha ng binatang noon ay mahigpit naman ang pagkakahapit sa baywang niya. Ang mga mata ni JV nanatiling nakatitig sa mga mata niya. Kaya naman kitang-kita niya ang animo'y maliliit na apoy doon. Nginig ang kamay niyang dinama ang makipot at mapupulang labi ng binata.
Siguro ay naramdaman ni JV pag-aalinlangan ngunit kaibigan niyang halikan ito kaya gaya ng dati ay ito na ang yumuko at unang humalik sa kanya. Pero iba ang halik na iyon sa lahat ng ipinaranas na sa kanya ng binata. Mas malalim, mas maalab, ngunit sa kabila niyon ay dama parin ang pag-iingat. Hindi siya nagprotesta nang maramdaman niyang sinalo ng malambot na higaan ang likod niya. At sa halip, katulad ni JV ay tinugon rin niya ng maiinit na halik ang bawat halik nito sa kanya.
Nang itaas ng binata ang suot niyang cotton shirt ay walang anumang pagtutol na nanulas sa mga labi niya. At nang muli siyang yukuin ni JV para halikan ay mabilis niyong naiwala ang kakayahan niyang umayaw sa anumang naisin nito. Kaya naman nang maramdaman niya ang kamay nito sa likuran niya na abala sa pagkalas sa pagkaka-hook ng kanyang bra ay nagpaubaya lang siya.
“JV...” anas niya nang maramdaman ang mainit na labi ng binatang humahalik pababa sa kanyang leeg na kalaunan ay nagtagal sa kanyang dibdib.
Sinubukan niyang huwag gumawa ng anumang ingay ngunit nabigo siya. Ang init na nililikha ng mga haplos nito at lalong higit ng bawat daanan ng labi nito ay parang sinisilaban. Isa sa mga dahilan kung bakit unti-unti ay parang naaabo ang kakarampot na katinuang pinanghahawakan niya nang mga sandaling iyon.
“T-Tama na JV p-please” sinubukan niyang makiusap sa kabila ng katotohanang tila na siya nalulunod sa kaligayahang ipinadarama sa kanya ng nobyo.
“Please, hayaan mo ako” anito sa isang nakikiusap na tinig saka muling sinusian ng halik ang kanyang mga labi.
Naramdaman niya ilang sandali ang kamay nitong ibinababa ang suot niyang pajama. Noon siya tila natauhan, at sa isang iglap ang lahat ng masarap na init na nararamdaman niya kaniya ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Sa takot ay malakas niyang naitulak ang binata. Kasabay niyon ang mabilis na pagbalong ng mga luha niya dala ng matinding insecurity na agad niyang naramdaman.
“H-Huwag, maiintindihan ko kung iiwan mo ako pero hindi ko pa talaga kaya. Natatakot ako” aniyang humahagulhol na hinila ang kumot saka iyon mabilis na itinakip sa half naked niyang katawan.
Agad naman siyang inabot ng binata saka mahigpit na niyakap. “I'm sorry, I understand. At hindi kita iiwan dahil lang doon, masyado kitang mahal para pagtuunan ng pansin ang mga bagay na hindi mo pa kayang ibigay sa ngayon. Ako ang may kasalanan huwag kang umiyak please” alo nito sa kanya habang pandalas ang ginagawa nitong paghalik sa kanyang buhok.

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon