"OH ba't ka nangingiti? May naalala ka?" nagulat pa siya nang marinig ang tanong na iyon ni JV.
Nasa loob na sila ng elevator nang wala sa loob siyang mapangiti. Naalala kasi niya ang nangyari kanina. Tiningala niya ito. "H-Ha? Ah."
Umiling lang si JV saka makahulugan ang tinging ipinukol sa kanya habang nakangiti. "Hatid na kita sa inyo para di kana mag-commute."
"Naku huwag na okay lang ako" tanggi niya kahit deep inside ay gusto niyang sang-ayunan ang ideyang iyon ng binata.
"Sige na, para ma-meet ko narin ang parents mo" giit naman ni JV.
Magkakasunod siyang umiling. "Wala din sila sa bahay, parehong nasa poultry ang mga iyon at mamaya pa ang uwi. Sa sakayan nalang, okay na ako dun."
Nakita niyang nalungkot ang mukha ni JV sa sinabi niyang iyon. Hindi niya maintindihan pero naapektuhan siya sa nakitang resulta ng ginawa niyang pagtanggi sa binata. At totoong nakukunsensya siya.
"Pasensya ka na ah, baka kasi malaman ng kuya ko, paaral niya kasi ako at nagpromise ako sa kanyang hindi ako magboboyfriend hangga't di ako nakaka-graduate" minabuti niyang magpaliwanag nalang sa binata nang nasa loob na sila ng sasakyan nito.
Nakita niyang umaliwas ang mukha ni JV dahil doon. At para din siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang lingunin siya nito ng nakangiti. "Ganoon ba? Okay, sabagay nabanggit na sakin ni Hara ang tungkol doon" anitong sinimulang imaniobra ang sasakyan.
"Ang bruhang iyon talaga" hindi niya napigil ang matawa pagkatapos.
"Hindi, ako talaga ang nagtanong sa kanya. Anyway if you don't mind ang sabi sakin ni Hara sobrang close daw kayo ng kuya mo, how come?"
"Eight years ang gap namin pero sobrang close kami ni kuya. Basta ang sabi niya hindi raw niya ako gustong matulad dun sa naging girlfriend niyang iniwan siya at iniwan lang din ng lalaking sinamahan nito" minabuti niyang sabihin nalang kay JV ang totoo.
Tumango-tango si JV. "Kung sakali palang ligawan kita hindi rin pwede kasi hindi papayag ang kuya mo?" anito.
Nabigla siya sa narinig pero sinikap niyang huwag nalang magsalita. Habang daan, ang sinabing iyon ni JV ang naging laman na ng isipan niya. Paano nga kung mapamahal sila sa isa't-isa, may lakas ng loob ba siyang ipaglaban ang pagmamahalan nila kung sakali?
BINABASA MO ANG
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETED
RomanceCOMPLETED Sa kanilang apat siya ang talagang naniniwala sa magic at happy ending. Naniniwala rin siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Isang simple, mahinhin at mahiyaing babae...