“HAPPY?” tanong sa kanya ni JV nang pareho na silang nakaupo sa swing na nasa likurang bahagi ng bahay ng mga ito. Iyon ang gabi ng party ng mga magulang ng binata at kasama niyang dumalo sa pagtitipong iyon ang parents niya at maging si Lloyd na napuna niyang madaling nakasundo ni Hara. Oo at dinalaw naman siya ni Hara noon, pero sa mga pagkakataong iyon madalas ay wala si Lloyd sa bahay at nasa poultry kaya hindi nagkikita ang dalawa.
Tiningala niya ang nobyo. “Sobra, halikan mo nga ako” paanas niyang sabi pa pagkatapos.
Natawa doon ang binata saka siya mahigpit munang niyakap bago maalab na hinalikan. Na miss niya ng husto ang halik nito at sa loob ng dalawang linggong puro panakaw na smack lang ay totoong nabibitin siya at nangulila siya ng husto sa real thing.
“I love you” nang pakawalan nito ang mga labi niya.
“I love you more” sagot naman niya.
Nangingislap ang mga mata ni JV nang tumayo ito saka may kung anong dinukot mula sa bulsa ng suot nitong pantalon.“Nakalimutan kong ibigay sayo ito” anitong ang tinutukoy ay ang ankle bracelet na ibinigay nito sa kanya noong araw ng play. “akina isusuot ko sayo” anitong lumuhod sa harapan niya saka hinaplos ang kanyang binti. Napasinghap siya dahil sa tindi ng sensasyong hatid ng mainit na palad ng binata.
“Sa tingin ko mas maganda kung babalik tayo sa umpisa” anito sa kanya nang makatayo.
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Anong___”
“Hi, I'm Jose Victorino De Vera III; you can call me JV for short. Ikaw, meron kabang pangalan?” saka nito nakangiting inilahad ang palad sa harapan niya.
Natatawa siyang tinanggap ang kamay ng nobyo. “Oo naman, meron akong pangalan pero mas maganda kung bibigyan mo ako ng nickname. Mas sweet iyon at mas gusto ko” aniyang naglalambing na tiningala ang nobyo.
Umangat ang sulok ng labi ni JV doon. “Nickname? Eh kung Mrs. JV De Vera III nalang kaya? Gusto mo ba iyon?” anitong inilabas nanaman ang isang maliit na kahon mula ulit sa bulsa nito.
Nanlaki ang mga mata ni Vinnie nang buksan iyon ng binata. Mabilis na nag-init ang mga mata niya saka pinaglipat-lipat ang tingin sa mamahaling diamond ring at sa gwapong mukha ng kaharap.
“Hindi lang gusto, gustong-gusto!” masaya niyang turan. Nang maisuot ang singsing sa kanya ay noon niya kinabig ang batok ng nobyo, at sa kauna-unahang pagkakataon siya ang unang humalik sa binata.
“May I have this dance?” anitong inilapag sa swing ang hawak na cellphone pagkatapos. Kasalukuyan ng naka-play doon ang The Last Waltz ng SJU Orchestra na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya.
Tumango siya ng magkakasunod. At habang sinasabayan nila ang magandang piyesa ay nanatiling nakatitig lang sila sa isa't-isa habang parehong nakangiti.
“So, willing kang maghintay hanggang maka-graduate ako?” aniya sa binata.
“Oo naman!” ngiting-ngiting sagot ni JV. “Sayo ko rin naman ibibigay ang singsing na iyan so bakit patatagalin ko pa?” dugtong pa nito saka siya kinabig at niyakap ng mahigpit para lang muling halikan.
Pikit-mata niyang ninamnam ang matamis na halik ng binata. At sa kabila ng kagustuhan niyang umiyak dahil sa labis na kaligayahan ay nagpigil siya. Sa halip ay tinugon narin niya ng maiinit ring halik ang binata.
So it’s true, everything happens for a reason. At sa kanila ni JV, ito iyon. Ang nag-aalab na pag-ibig nila para sa isa’t-isa. Isa lang sa napakaraming dahilan na dapat niyang ipagpasalamat.
***WAKAS***
BINABASA MO ANG
THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ (UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR) COMPLETED
RomantizmCOMPLETED Sa kanilang apat siya ang talagang naniniwala sa magic at happy ending. Naniniwala rin siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Isang simple, mahinhin at mahiyaing babae...