Late na nakauwi si Samantha, ayaw na sana nya umattend ng birthday party ni Nico pero mapilit talaga si Corrine kaya sumunod na lang sya sa Restaurant.
Kumpleto na ang mga barkada nya ng dumating sya, sinalubong sya agad ni Corrine at niyakap sya nito.
Bru, I'm so happy na nakarating ka, hindi talaga kita papansinin kapag hindi ka pumunta si Corrine.
"My gosh, pagod na kaya ako pero ano pa ba magagawa ko, ang kulit kulit mo" pairap na sagot ko
Bisita din ni Nico ang mga barkada nito, ang iba ay kilala na ni Samantha at ang iba naman ngayon lang nya nakilala.
Tumayo agad si Paulo ng makita sya, hinalikan pa sya nito sa pisngi, ka close na nya si Paulo dati pa at hayagan na pinapakita ng binata ang pagkagusto nya kay Samantha. Alam din ni Paulo na hindi pa ready si Samantha kaya hindi na rin nya kinukulit. Masaya na sya kahit paminsan minsan lang pumapayag ang dalaga na lumabas sila.
Kumakain na silang lahat ng may isa pang barkada si Nico na dumating, ngayon lang ito nakita ni Samantha, para syang namahika sa pagkakatitig sa lalaki. Ang gwapo nito at matipuno, ang laki ng katawan halatang palaging nasa gym. Bagay na bagay sa kanya ang polong suot nya. Lalong na emphasis ang magandang katawan nito.
Tumayo si Nico para salubungin ang kaibigan.
"Brent, akala ko hindi ka na darating". Magtatampo na talaga ako sa iyo si Nico.
Brod, may date ako ngayon pero ni cancel ko para sa iyo, malakas ka sa akin eh sabay kindat ni Brent.
Naupo sa tapat ni Samantha si Brent, nahihiya naman si Samantha, naiilang sya na hindi nya maintindihan. Napukaw agad ng binata ang puso nya pero pilit inaalis ni Samantha sa isip nya ang binata. Kabarkada ito nina Nico at Paulo sigurado ako babaero din ang isang ito bulong ni Samantha sa sarili.
Hindi na halos humiwalay kay Samantha si Paulo, hindi naman naiilang si Samantha kasi kilala nyang gentleman si Paulo ever since.
Pagkatapos nilang kumain, nagkayayaan ang mga magkakabarkada na mag bar, ayaw na sumama ni Samantha dahil pagod na sya at maaga pa sya papasok bukas.
Ayaw naman pumayag ni Corrine, nag promise ito na sandali lang at sya na maghahatid kay Samantha pauwi.
Walang nagawa si Samantha dahil na rin sa pangungulit ni Corrine.
Samantha's POV
Ang kulit ni Corrine, ayoko na talaga sumama mag bar napagod na ako sa maghapon trabaho sa office.
Si Paulo naman saglit lang din daw at uuwi na rin dahil may flight pa sya bukas pa Singapore.
Mahigit isang oras na kami sa bar, nagpaalam na si Paulo kay Nico, gusto ko ng sumabay pauwi pero ayaw pa rin talaga ni Corrine.
"Ano ka ba, mamaya ka na umuwi" sabi ni Corrine.
Sabay na ako kay Paulo pauwi, pangungulit ko kay Corrine.
"Marunong umuwi si Paulo mag isa, kaya nya sarili nya sabay tulak ni Corrine kay Paulo. Iwanan mo na si Samantha ako na bahala sa kanya".
Brod, saan ba punta mo at ayaw magpaiwan ng girlfriend mo? Walang tiwala sa iyo sabay tawa ni Brent.
Tiningnan ko ng masama si Brent at sabay sabi magkaibigan lang kami ni Paulo. Hindi nya alam bakit nasabi nya ito. Nakita nya ang pagtaas at pag ngisi ni Brent na parang nakakaloko.
============
A/NSana nagustuhan nyo ang update ko. Please vote and leave comment.
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomantizmLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...